guhit sa palad

Standard

Sa bawat pagtitig mo sa mga kamay mo, anong naiisip mo? Anong nakikita mo?.. ako puro guhit..hehe, seryoso, ang tao daw may kanya-kanyang guhit sa palad literal mang intindihin o hindi. Pero mas gusto kung isipin na ang mga linya sa kamay ko ay mag nais ipakahulugan tulad ng letrang M.. tingnan mo ulit ang mga palad mo, diba may mga major lines dun na ang letrang makikita ay M.. naks! Isa lang ang nasa isip ko pag tinititigan ko sila MAYAMAN.. pwedeng sa pera, pwedeng sa pagmamahal, pwede ring mayaman sa kagandahan.. ay! Pwede rin palang MAGANDA..wahahaha, kapalmuks na.

Pero ang mga guhit sa palad ay pwedeng resulta ng mga kalyo sa pagtatrabaho, sa pagsisikap na matupad ang iginuhit sa mga kanya-kanyang palad.. babalikan ulit natin si tadhana, si tadhanang walang alam, si tadhanang inosente, si tadhanang nasa gilid lang at naghihintay ng resulta… syempre tagasunod lang naman sya ng mga desisyon natin, masarap lang isiping may malalabasan tayo ng sisi sa huli pag may pagkakamali.. isang pagkakamali katumbas din ng isang guhit na naman sa palad pero mas higit ang markang kudlit sa dibdib.

Walang tao ang di man lang umabot sa pag-iisip na sana maganda ang kahihinatnan ng sariling mga kamay, na kahit may mga bagay na di natin kayang hawakan, umaasa parin tayong lumapat sila sa dalawang bukas na palad. Pero dahil nga hindi lang straight lang ang nakaguhit mas madalas pa nga ang kurba o baliko. Anong aasahan natin?..syempre matutong makisakay sa balikong linya hanggang umabot eto sa tamang linya na aayon mismo sa sarili nating mga panlasa.

Pagbibigyan ng pagkakataong baguhin ang guhit sa sariling palad , mas pipiliin kung manatili ang guhit nung isinilang ang batang ako.. wala naman kase talagang nakaka-alam sa mangyayari, sa hulihan desisyon parin natin ang mangingibabaw, tayo parin ang may hawak para balansehin ang mga nangyayari satin.

Pero pag may pagkakataon ako..guguhitan ko ang mga palad ko.. guguhitan ko ng kulay pink para Masaya, at kakaiba pa..hahaha πŸ™‚

Advertisements

22 responses »

  1. ahahaha! natawa ko sa dulo, color pink pa ang guhit. kala seryosong pangwakas. tipong ikaw ang gagawa ng guhit sa palad mo, ikaw ang gagawa ng kapalaran mo.

    tama ka nga, kawawang tadhana, madalas ginagamit na pampalubag loob. parang yung exam lang yan sa MS e πŸ˜‰

  2. M. Makapalmuks. Hahaha!
    Nung magsawa ako manghula sa pamamagitan ng Tarot Cards, naisip ko din mambola gamit ang guhit sa palad. May libre pang chansing kung sakali. Ahihihi.

    • hahaha, pwede din yang makapalmuks..

      wahaha, iba naman pala ang motibo mo sa panghuhula sa guhit ng palad, pero infairness di nga halata na nananching..hehehe

  3. Tamah! wag natin i-associate ang mga tagumpay at kapalpakan natin sa buhay sa guhit ng ating palad dahil tayo ang may gawa ng ating kapalaran bow! Kailan pa nakabuntis ang palad aber?.

  4. hi, anini.

    bibihira akong makabasa ng happy posts dito. now that i have, i love it!

    magaganda ang karamihan, ha? pero usually, thought-provoking and malungkot, parang sa movies, hi, hi…

    damihan mo pa ang masayang posts. πŸ˜€

    • haha, sa totoo lang p, di ko alam paano magsulat na masaya ang kinakalabasan.. pero pag adik ako malamang medyo hindi malungkot.. pero ewan! masarap isulat yong malulungkot kase pagkatapos ko silang ilabas dito ako naman ang nagiging masaya,, bale kinukulong ko sila sa pamamagitan ng pagsusulat tapos itinapon sa dagat ng blogosperyo.. naks! ganun lang yon.. tapos ako naman balik na sa dati.. masaya ulit..

  5. si tadhana, lagi na lang si tadhana… hehehe. pero sabi nga, life is what we make it. Meron tayong free will gamitin natin ito… parang narinig ko to kung saan a… hahaha….

    • oo si tadhana na inosenti, si tadhana na walang alam.. hahaha, at narinig ko narin to sa kung saan…

      pero tama po, lahat ay depende sa desisyon na ginawa natin. πŸ™‚

  6. kadalasan ang ano mang nagyayari sa ating paligid ay manipestasyon ng ating pag gawa. Gumawa tayo para sa nais nating resulta. Dahil nakatuon ang ating isip doon, hindi napapansin na may nadadamay, na kung sakaling dumating ang pagkakataon, itoy babalik din sa atin at pooooffff… kawawa si tadhana…

    magandang araw po ma’am.. πŸ™‚

  7. M- Mayaman daw.

    Yong Major na guhit na sinasabi mo, ginagamit para mabanat, maikuyom mo ang iyong mga dalir at mismong ang palad. Mas madalas gamitin ang pagkuyom kaya, siguro may malaking guhit na tila M.

    Mayaman ako sa karanasan. πŸ™‚

    • alam mo dianne, depende kase yan kong paano natin tanggapin at tingnan ang mga pagsubok. Kung titingnan mo yan as chance to grow, mas magaan.

      Huwag mo na lang isipin na problema, just think about as rehearsal for a big show. Practice para maging maganda ang palabas. Pag nalampasan mo yan, masasabi mong lumilipas din pala lahat. Just have faith na kayo mo.

  8. bkit gnun…alam mo sobrang daming guhit tlaga ng palad ko as in kitang kita yung guhit..pero 13 years old palang nm,n ako..sabi nila prng pang matanda na dw..kaya yun nhihiya akong ipakita sa knila…

      • tao naman talaga ang nagawa ng kapalaran hindi tau peding umasa o dumepende s mga nakikita naten o nababasa lng tayo mismo ang gagawa ng ating kapalaran…..nainganyo aq magbasa nito kc letter M ang nkita q s aking mga palad pero dp din aq naniniwala …pero ano bang malay naten lahat naman tau walang alam tungkol jan…kaya kung dq kikilos at mag aantay kalang ng kapalaran …un ang taong walang kapalaran….

  9. tao naman talaga ang nagawa ng kapalaran hindi tau peding umasa o dumepende s mga nakikita naten o nababasa lng tayo mismo ang gagawa ng ating kapalaran…..nainganyo aq magbasa nito kc letter M ang nkita q s aking mga palad pero dp din aq naniniwala …pero ano bang malay naten lahat naman tau walang alam tungkol jan…kaya kung dq kikilos at mag aantay kalang ng kapalaran …un ang taong walang kapalaran….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s