sa bawat pag-uwi.

Standard

may mga bagay talaga tayong hinahanap kahit pwede naman sabihing nakakapamuhay pa naman tayo ng mabuti, sa parte ko mas madalas kung inaabangan ang makauwi sa probinsya, kahit siyam na oras pang nakaupo sa bus andun parin yong excitement.. di nawawala, dala sigoro to nang dahilan na nag-aral ako sa malayo, tuwing sem-break, christmas break at summer lang nakakauwi dati.. sa ngayon sinusubukan kong makauwi isang beses sa isang buwan, sabihin man nilang nakakapagod ang ginagawa ko..wa pakels.. syempre andun pamilya ko.. masarap matulog sa bahay at higit sa lahat, masarap ang mga pagkain.

at eto pa ang ilan sa mga dahilan bakit di ko ipag-papalit ang pag-uwi kesa sa iba pang mga lakad.

dagat, dagat, dagat.. oo lumaki ako sa dagat pero di marunong lumangoy..hehehe, pero sabi ko dati di ko kayang mamuhay ng malayo sa dagat, sa pananaw ko kase mas madaling maglabas ng mga hinanakit, ng pagod kung may nakikita kang malawak na dagat.. biased ako syempre kase nga lumaki ako malapit sa dagat diba? plus may bangkang de motor din kami kaya madaling pumunta sa mga malapit na isla.

eto pa.. sunset.. alam ko sasabihin mong kahit saan may sunset, mas maganda pa nga yong sa iba.. pero di nabibigyan ng judgement ng picture ang bawat sunset na nakikita ko tuwing umuuwi.. bakit? una, dahil mas masarap ang pakiramdam na panoorin ang paglubog ng araw kung nasa sariling bayan ka, walang nakakatakot, walang agam-agam.. masarap sa pakiramdam na pag madilim na ang paligid, pag-uwi mo andyan ang pamilya mo.. samahan pa ng malamig na hangin, o diba ang saya.

at panghuli, eto yong nasirang hanging-bridge papunta sa bahay ng lolo ko.. dati tinatakbo ko lang ang pagtawid dyan kaso, more than ten years nang putol.. bukana ng ilog papuntang dagat at sa likod mga mangroves kung saan inaabangan ko ang takipsilim, ang dami kaseng alitaptap.. maraming-marami na para silang mga christmas lights lalo na pag fullmoon, ang sarap mamangka.

nang-iinggit ako? OO, nang-iingit ako..hahahaha, at next week uuwi na naman ako..mwuah!

Advertisements

32 responses »

  1. Waaaaahhhhhhh….oo, oo, naiinggit ako! Nasa bundok kasi ako ngayon at hindi makababa sa kapatagan at sa karagatan. Pero malapit na, Ms. Ani, malapit na….Lalo mo akong pinasabik sa iyong mga litrato at deskripsyon ng inyong lugar.

  2. ahahaha!
    parang ganyang ganyan takbo ng usapan naten last time. oo na, sa inyo na ang magandang dagat, madaming seafoods (lalo na lobster). e ano nman? hahaha! oo na, inggit ako. naka-dalawang balik na ko ng cdo, di ko pa din natitikman yang lobster na yan. tsk.

    ang saya ng post mo anini πŸ™‚

  3. nakakaingit nga… talagang nagpaparamdam na ang summer.. worth naman ang paguwi kung ganyan kaganga ang uuwian. Pero wala un dun, ang dahilan ng paguwi. Syempre dahil nanjan ang iyong family at yun ang importante..

    gandang araw po πŸ™‚

  4. May kilala din akong lumaki sa dagat na hindi marunong lumangoy, at take note, lalake sya. Ang buladas nya ay hindi nga sya marunong lumangoy pero magaling syang sumisid ng perlas.

    Sana may ganyan din akong inuuwian, yung bahay sa laguna, cable TV lang ang inaatupag ko. Oo, ingget me much!

  5. oo, na, anini.

    di ba nga sabi sa ‘yo, mahilig ako sa dagat kasi walang dagat sa bayan namin? meron within the province pero malayo. tapos, ako naman itong si pag nakakita ng dagat, maski 1km pa ang layo, basta naamoy ko na ang simoy nito, lumulukso na ang dugo ko na parang makakita ng long-lost relative, haha. as in…

    dati pa nga, nag-isip akong mag-work sa NGO for fisherfolks sa kagustuhan kong mamuhay sa tabing-dagat. tinanong ko ang kakilala kong ganoon ang work kung ano’ng ginagawa nila usually. nagko-collect daw ng mga lumang gulong, ginagamit raw ‘yon ng mangingisda para dikitan ata ng seeweeds? di ko sure… anyway, di natuloy ang balak na yon at till now ay frustrated pa rin akong tumira sa tabing-dagat.

    makapunta kaya next year dyan sa hometown mo? doon, ha? hindi sa place of work mo, nakarating na ako dyaan . maganda naman dyan, di mo nga lang home city… πŸ˜€

    inggit ako. kainis ka. πŸ˜€

    • sa totoo lang po, may kakaiba talaga sa hangin na galing sa dagat no.. alam na alam ko kung malapit na kami sa dagat.. it smells like home πŸ™‚

      ako din minsan naiisip ko talagang lumipat sa NGO sa dahilang hinddi ako madalas sa loob ng opisina.. madaming galaan at syempre fulfilling ang trabaho.

      hahaha, sure punta ka samin, basta lahat ng pagkaing ihahain ay kakain ka..hahaha

      • oo, ‘neng , iba talaga ang feeling pag malapit sa dagat. iba. saka, lalo na pag dagat na karugtong na ng karagatan? naranasan ko na ‘yon, e. yong dagat na dugtong sa china sea at ‘yong isa naman ay dugtong na sa pacific ocean? ramdam mo ang vastness ng nature, ika nga.

        haha, tanungin natin si tapa rito at mga iba pang madalas makipag-commune commune sa nature, hihihi. tapos, nararamdaman mo ring parang isang tuldok ka lang sa creation, haha. pero, kasali ka, ha? ikaw na isang maliit at insignificant na tuldok, bahagi ka ng buhay at agos – whoooa.

        ang sarap sa dagat. nakakatakot kung minsan pero nakakapayapa rin. madami pang fishermen na hanepsyet sa ganda ng katawan, haha. mas maigi lang ata na hwag nang kausapin, pagmasdan na lang, haha. πŸ˜€

        game akong kumain ng mga ihinahaing pagkain. hindi ko lang gaanong gusto ay pugita, medyo parang goma [sa cebu province, madalas ‘yan ang ihain, nagkukunwari lang akong ngumunguya, ahihi]. iyong iba, kaya kong kainin, masarap nga, e.

        btw, ang parang ang tagal ng banca ride pa-inyo? maalon? πŸ˜€

        pero, panalo ka, taga-roon ka sa may dagat. parang proprietress ka ng dagat sa inyong lugar, haha.. some people have all the luck nga naman – alam na ang mga sekreto ng gubat, panginoong-may-dagat pa, hi, hi… πŸ˜€

        mabuhay si anini “]

        • mabuhay si anini! hehehe…

          hindi ako marunong lumangoy. nakakatakot naman pag sa mga dagat na karugtong na ay karagatan, natry ko na sa Pangasinan karugtong nya South China Sea, ang lakas ng alon pero mas malakas at malalake alon sa Baler, Pacific Ocean naman. Dun talaga, ramdam mo na isa ka lng tuldok sa kalikasan.

        • whoah! napressure akong magreply sobrang haba nito..hahaha

          yong dagat samin karugtong ng karagatan.. diretsong pacific ocean.. dati nga akala ko pagtinawid ko yong dagat samin makakarating ako sa america.. pero totoo naman diba?.. latin america nga lang..hahahaha

          pwedeng ako narin ang tanungin nyo po..mas marami akong adventure with nature kesa kay tapa..heheheh, peace tapa!

          wahaha, syempre magaganda ang mga abs nila ikaw kaya ang lumangoy ng almost 6 hours a day, sinong katawan ang di gaganda?.. pero mga nognog naman..hehehe

          ayoko din ng pugita.. pero depende rin sa pagkakaluto, may masarap.
          pag summer po, maraming seafoods talaga, ayoko nang pangalanan anu-ano sila may maiinggit kase, wahaha, maniningil na naman na parang may utang ako.

          hindi po banka ride, by land yong samin konektado sa mainland ng mindanao.. yon nga lang malayo talaga.

          πŸ˜€

        • “maraming seafoods talaga, ayoko nang pangalanan anu-ano sila may maiinggit kase, wahaha, maniningil na naman na parang may utang ako” —> UTANG TALAGA YAN. Pag balik ko ng cdo may kasama akong maniningil. Naghamon ka pa pala ng after Holyweek ah.

  6. wow anini ang ganda naman ng beach nio. astig!!! ang sarap lumangoy lalo na ganyan ka blue ng dagat. Summer na ayaw nila dito sa opis na dagat baka daw magkatsunami. Pro kung oras mo na oras mo na diba? Pedeng bang pakibitbit mo naman ako…

  7. I feel it, you’re so excited to come back to your hometown, Morethan those sceneries
    is you’re excitement to see your love ones. Happy trip miss siamea

  8. hello, anini and davin.

    i had the pleasure of being in baler, aurora na. ang laki ng dagat nilang kadugtong ng pacific ocean. hindi kami nakalangoy [at siyempre, hindi nag-surf -hindi marunong at walang gear, hihi] sa takot sa mga gahiganteng alon. we stayed there for a week so, matagal kong naramdamang isang tuldok lang ako ng magandang kalikasan, haha… ang ganda ro’n, pramis. pati mga tao, magaganda ang itsura at ugali at masisipag. at binusog nila kami, lalo na ng ferns. sobrang nakakatakot ang roads doon, kedaming bangin.

    dati, madalas ako sa bandang cagayan province. narating ko na rin ang maliliit na isla sa northernmost part pero, sinlalaki ng buildings ang alon -nightmarish experience. at least, doon ako unang nakakita up close ng whales, dolphins and huge pawikans. swerte, season din ng lobsters noon. nagpyesta kami sa buko at lobsters – sorry naman po sa maiinggit – peace. πŸ˜€

    excited akong makarating sa inyo, anini. kasi, isa raw ang lugar ninyo sa pinaka-dense pa ang forests sa pilipinas at maunlad pa ang fauna and flora diversity – tama ba? tapos, pacific ocean din, yehey… saka, para sa ‘kin, maswerte at challenging talaga ang mabuhay sa lugar na magkaharapan ang bundok at dagat. tila mahirap at maganda sa ganoong setting. :] at saka, naman, tagaroon ka -isang poet na artist na tour guide, haha.

    siyempre pa, maiitim nga ang fishermen, hala. oks lang sa ‘kin yon. medyo maitim rin ako. saka, pagtira mo sa tabing-dagat, isang buwan lang, negrita ka na rin, haha.

    regards sa inyo , anini and davin

  9. Uyy ang ganda-ganda naman pala sa inyo! kaya pala excited ka parating umuwi. siguro pag ganyan din ang uuwian ko mapapadalas ang uwi ko sa pinas kaso puro traffic at usok ang hinaharap ko haist!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s