chikahan

Standard

ang pagtanaw sa malayo ay salamin daw ng pag-iisip ng malalim, maganda sana kung masusukat ang lalim nito tapos ikukumpara kung saan ang kayang abutin ng nag-iisip pero madalas hanggang sa pag-iisip lang, walang hakbang, ‘ika nga ang pag-iisip ng mahabang oras ay katumabas lang minsan ng isang linya ng salita. Tapos.

mahabang oras na pag-iisip pero ang laman ay pabalik-balik, ayaw tapusin kase yon naman ang gusto ng saloobin. Pag naiisip na ang negatibong bagay, madalas ayaw tanggapin, syempre! sino ba ang nangangarap na sa dulo palpak din.. mala-fairytale o kaya success story lahat, binuo sa isip na parang pelikula lang, nagsimula sa simpleng eksena hangang sa manganak ng libo-libong sunod-sunod, matamis, magaan at para kang dinuduyan… tapos biglang ngingiti, mapapailing saka malalaman na ikaw pala ay dinala na naman ng isip sa lugar ng pantasya. haays! ang sarap mangarap pero pag pumasok sa isip na sobrang layo nito sa reyalidad, titigil at kakalimutan ang lahat.

ang isa sa mga bagay na maganda sa mga nabibigyan ng tsansang tumipa ay ang magkwento, may katotohanan man, kunting patotoo o kaya produkto ng pangarap ng humahawak sa daliri. Masarap magkwento pero mas masarap ang may kakwentuhan. kung ayaw mong lumipad sa mundo ng pantasya, maghanap ka ng kausap, simpleng palitan lang ng kuro-kuro, tanggal na ang inip, minsan pagod at ang madalas lumilipas ang oras na di namamalayan.

saan nga ba patungo ang pagtipa ko?..hehe, di mo alam? ako din hindi alam, paki-batukan nga…hahahaha

ang totoo, masarap palipasin ang oras sa paraang nagkukwento ako, tapos di ko naman kilala kung sino ang kausap ko, bale chikahan lang sa may kalsada, o kaya sa nakatabi sa jeep, pag baba, bye bye na.. sa susunod na taong ka-chikahan ulit.. ganun kasimple, ginawa ko lang kumplikado, hindi pala, mas lalo ko lang pinagulo..hahahaha

Advertisements

22 responses »

  1. Kapag nasa unahan ako ng dyip nakasakay, madalas kong nakakakwentuhan ang driver, presyo ng gasolina, ang kabataan ngayon, ang kanilang anghit. Basta.

    Masarap magkwento sa di kakilala. All out

    πŸ™‚

    • wahahaha, natawa ako dun sa anghit.

      oo nga masarap makipagkwentuhan sa di kilala kase ang sagot nila based lang din sa nalalaman nila walang atake on personal leveel.

      hello kuya j.

  2. malayo ang tingin, wala namang tinatanaw…

    naalala ko ang kantang ito..

    Sa totoo lamang naman ang ibig sabihin eh tulala.. πŸ™‚ at kapag tulala, malalim ang pagiisip.

    Madalas din, nakikipagkwentuhan ako sa aking sarili pero sa paraan naman ng panulat. Sa ganito, malaya kong nasasabi ang nasa likod ng pagiging tulala ko.

    magandang araw po πŸ™‚

    • sa paraan ng pagsusulat minsan may pakinabang din ang pagiging tulala, pero kung halos buong araw na gagawin ito, naku po! delikado na to..hahaha

      pero masarap makipag-usap sa sarili diba? πŸ˜€

  3. Ako tahimik ako pag mag-isa akong nagbya-byahe, kuntento na akong magmasid, makahagip ng kwentuhan ng iba. Minsan pagmukhang mabait ang driver pinagbibigyan ko na ding makipagkwentuhan… iba’t-ibang sentimyento pero sa huli pareho lang pala. πŸ™‚

  4. hahaha! siguro bago ka tumipa dito, mga ilang minuto ka ding nakatitig sa monitor mo ng tagusan. iniisip kung anong isusulat at sa bandang huli ay wala nman eksaktong paksa.
    bihira ako makipag-usap sa hindi kakilala, unless may kaylangan akong malaman, lalo na pag nasa di pamilyar na lugar. hanggang ganun lang.

  5. hey aninipot! gising na!!! hahaha!!! πŸ˜€

    wow! tagal ko ding hindi nadaan dito! … i have a new home.. daan ka ha?… πŸ˜€

    ps. ganda ng bagong bihis ng site mo…

  6. Kapag nag-iisip ako ng mga negatibong bagay, dali akong nag-iisip ng mga positibong bagay. May listahan nga ako nyan, lagi kong binabalikbalikan kapag nalulungkot me much. Namimiss na kitang kakwentuhan ani. Ikaw na laging invi.

    • listahan…hmmmm, binigyan mo ko ng ideya salbe.. magsusulat narin ako para if darating ang time na wala na naman ako sa sarili ko, babalikan ko lang..

      hahaha, pasensya naman, sige next tiee kwentuhan tayo tapusin ko muna tong ginagawa namin.

  7. Ayy nakakamiss naman talaga ang makipag kwentuhan sa tapat ng bahay, yung uumpisahan mo sa umaga tapos matatapos ng pagabi na. Oist kumusta ka na? antayin mo yung tawag ahahaha.

    • hahaha, kakaloka yang kwentuhan mula umaga hanggang gabi, di kaya sasakit ang lalamunan natin dyan ninong?

      ok lang po ninong, medyo magaling na.

      naks! salamat ninong..mwwuah! πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s