balik aninipot

Standard

Minsan may mga ordinaryong pagkakataon na nagpapabago kung paano natin nakikita ang mga simpleng bagay, mga ordinaryong eksena tumatatak ng aral na dadalhin natin habang buhay.

Kahapon lang, habang sakay ng jeep may tao akong nakilala, si andre isang ordinaryong mukha na hindi natin papansin pag nag-cocommute. Wala namang kakaiba, sumakay ako ng jeep paauwi kasabay ng mga nanay ko sa opisina, upo tapos wala ng pakialam sa paligid.. pero bigla akong hinila ng isang kaopisina para umupo sa tabi nya.. lipat ulit ng upuan, walang problema sakin kase baka gusto lang nila akong katabi.. pero iba pala ang rason.

Pagkalipat ko ng upuan, saka ko napansin na ang katabi ko nung una, pumapalakpak, tumatawa at nagsasalita mag-isa.. unang kong reaksyon, natakot. Sabi ng isang nanay-nanayan ko…”baliw ang nakatabi mo” kaya daw pinalipat ako nila.

Pero dahil dun, inobserbahan ko sya.. kinakausap sya nung asawa nung driver na nagsilbing konduktora.. “andre” ang tawag sa kanya, tapos nung nakita nung konduktora na tinitingnan ko yong si andre sabi nya “mabaet yan”.. alam mo yong pakiramdam na napahiya ka kahit di mo naman intension na gumawa ng kasalanan, yon ang naramdaman ko.

Tapos saka ko napansin na sumasagot sya ng matino sa mga tanong sa kanya nung konduktora, hindi sya baliw, may kunting kulang lang sa pag-iisip, isang taong espesyal pero namumuhay ng normal… pumapalakpak at tumatawa sya kase masaya sya.. ganun daw si andre pag sumasakay ng jeep sabi nung konduktora. Libre ang pagsakay nya sa jeep, kase bababa din naman daw sya sa pinakamalapit na chapel para magsimba.

Nung pagkababa ni andre, napatanong ako sa sarili ko, ang simple lang ng kaligayahan nya, saka ko biglang naisip na halos tatlong buwan kong naikulong ang sarili ko sa ibang bagay.. nakalimutan ko ang sarili ko, nakalimutan ko na simple lang pala ang nagpapasaya sakin. Nakakatawa ano? Umaabot tayo minsan sa lebel na ang dami nating dinadala pero kung tutuusin pwede naman itong bitawan o ilapag para di mabigatan.

Ang dami kung nakalimutan sa mga ordinaryong ginagawa ko dati, nakalimutan kong i-appreciate minsan ang pagkakaroon ng sandali na hawak ko ang oras ko, mahirap makipaghabulan sa ating sarili mismo, tapos wala naman palang nagbabago dahil paniwalaan man natin o hindi may mga bagay na di natin kontrolado.

Kahapon, imbes na sumakay pagkadaan mula sa pinakamalapit na mall, nilakad ko nalang, nakakamiss pala ang paglalakad kahit mag-isa lang, dumaan ako sa pinakamalapit na parke kahit isang klase lang ang mga puno dun, Masaya na ako na nakadaan ulit dun kasama ang mga artipisyal na kalahi kung alitaptap..

natuwa ako, dahil kay andre bumalik na sa dating sarili si aninipot.. 🙂

Advertisements

21 responses »

  1. Hi.. nakakalungkot isipin na nagbabase ng panghusga ang isang tao sa nakikita lamang ng mata. Totoo yan, dito madalas tayo mapahiya..

    kung ating iisipin, ang ano mang problema meron tayo ay tuldok lamang kumpara sa iba. Si “andrei” sa kanyang sarili simple lang ang buhay. Pero sa ating nakikita, anong panama ng ating dinadala sa pasan pasan nya diba?

    Mabuti ang may isang kagaya nya upang makita naman natin ang ating mga sarili. Balikan ang ating nalilimutan na. Ang dahilan kung ano tayo ngayon.

    Magandang araw po sa inyo… 🙂

    • tama ka banjo, napakasimple ng problema natin kumpara ng sa kanya tapos kung paano nya pinipilit na mamuhay ng normal, isang malaking sampal para sa mga reklamador sa buhay.

      maraming salamat sa pagdalaw banjo! dumadaan ako sa bahay mo, kaso mahirap mag-iwan ng bakas. 🙂

  2. Isa lamang ang masasabi ko, habang papalapit nang papalapit ako sa pagkaluoy, mas dumadami ang mga uod sa aking buhay, pero ako lang din naman ang sagot para hindi tuluyang mawasak ang mga dahon.

    Para hindi ako lumayo, simple lamang ang buhay. Simpleng simple, tayo lamang ang nagpapakumplikado nito. Walang iba.

    🙂

    • ang lalim mo kuya, pahiram ng diving suit..hahaha

      nauunawaan ko ang gusto mong iparating, wag mag-alala dumarating lang talaga yong panahong panandalian tayong lumayo, kelangan yon para mas makita ang buong larawan sa ibang pananaw 🙂

      walang ibang pwedeng tutulong sa ating sarili, tayo lang mismo.

  3. Bakit sya baliw? Dahil pumupunta sya sa chapel para magsimba? TANONG LANG!

    Dati naglalakad din ako, nag-je-jeep ako pauwi sa amin at naglalakad ng two blocks. Ngayon nag-f-fx na ako. Minsan nga ma-try uli maglakad. Salamat sa post na ito aninipot. Honga, masayang balikan ang mga dating ginagawa.

    • bakit sya baliw sa paningin namin nung una? dahil nagsasalita, pumapalakpak at tumatawa sya ng mag-isa.. nagmomonologue sa harap ng maraming tao, may sariling mundo. 🙂

      ngayon, sinusubukan ko na talagang maglakad araw-araw, malaking tulong yong sa katawan ko.. 😀

  4. ayan pag mga ganyan naiisip ko din na sobrang oa ko umaray sa mga problema ko samantalang ang daming mas magandang bagay sa paligid ko na tunay na makakapagbigay ng happiness sa haybuhay life ko…

    last week sinabi ko rin na namimiss ko yung dating ako…. buti ka nakabalik na, ako mejo malayo pa ata 😆

    • hello ms. joyo 🙂

      makakabalik ka, kung gugustuhin mo.. pero may kanya-kanyang panahon kung kelan tayo mauuntog, kausapin nalang si tadhana para makiramay at pasayahin ka na.

  5. Welkam bak to yourself, Ms. Ani 🙂

    Sabi ga nila, minsan ay tanong natin sa ating mga sarili kung sino nga ba ang tunay na baliw. Tiyak, kung minsan, ikagigitla natin ang magiging sagot sa tanong natin 😉

    Ahh, ang kasimplehan ng buhay…ang pagdiriwang sa simpleng mga bagay na nagbibigay sa atin ng saya…ito ay matagal nang adbokasya ng blog ko. Naniniwala kasi akong ang kaligayan ay matatagpuan kahit sa pinakapayak na pamumuhay.

    • nakakatuwa ngang bumalik sa dating ako ms. N.

      ngayon ang dami ko nang naa-appreciate kahit yong pagtulog na mag-isa, naeenjoy ko na, nakakapagpasalamat na ako sa katahimikan sa mga malilit na blessings pero dahilan ng kasiyahan ko. 😀

      masarap maging simple.

  6. hello, bagong lumang anini. 😀

    ” mahirap makipaghabulan sa ating sarili mismo, tapos wala naman palang nagbabago dahil paniwalaan man natin o hindi may mga bagay na di natin kontrolado.” – tama ka, sa kagustuhan nating maging in control, we sometimes end up as frustrated.

    konti na lang, andre na tayo… bahagya lang actually ang difference nya sa atin at natin sa kanya… :s

    anini, marami akong gusong ilapag para di mabigat, hehe… 😀

    • hello ate susan 😀

      ilapag na yan lahat ate.. masagaan tapos mas maayos pa ang pagdadala sa lahat ng bagay kase di mabigat ang balikat mo. 🙂

      tama! kunti lang ang kaibahan natin kay andre, sa totoo nga mas mapalad tayo pero sya mas higit pa nyang naa-appreciatee yong mga bagay na kulang pero naibigay sa kanya..

      natuwa ako na nakilala ko sya.. promise!

  7. kaya ba nung mga nakaraang araw eh parang walang laman ang komento mo?hehehe.

    katulad ‘to nung post nung batang kailangan ng sapatos. laging may puso sa kapwa. laging repleksiyon ng sarili nating inaagos sa kung saan saan samantalang ang kapayakan ng mga bagay at kawalang ligalig ay nasasalamin lang pala natin sa katulad ni andre at nung batang kailangan ng sapatos.

    natutuwa ako, nakikita mo ang mga bagay at napag ninilayan mo ang kahulugan ng mga pangyayaring, minsan, lumalampas lamang sa paningin ng iba.

    • oo kapitan hook, nawala ako sa sarili ko sandali..hahaha

      alam mo kung paano ko nalamang bumalik na ang dating aninipot? dahil napaka-observant ko na ulit sa mga simpleng bagay, at napakadali ko na ulit ma-appreciate yong kapayakan. 🙂

  8. Sobra naman akong napaisip dito sa sulatin mo, bigla ko tuloy kinapa ang sarili ko ahihihi.

    Hanep! na-miss ko bigla yung mga simpleng bagay na ginagawa ko dati pero nandun ang saya at pagiging kumpleto. Marami naman talaga tayong dapat ipagpasalamat, maliliit na bagay na meron tayo pero hindi natin ito nakikita dahil binubulag tayo ang ating mga pangarap. Dahil sa iyo, pipilitin kong mag hinay-hinay at balikan ang mga dating ako, yung simple, mapag pasensiya, bungisngis at parating kumakain ng banana cue .

    OA na ba? HIndi nga? ahihihi. Welcome back Aninipot 🙂

    • diba ninong ang dami nating iniisip para sa hinaharap pero ang totoo pala ang higit na mahalaga ay yong ngayon at mga simpleng bagay na nakakapagpasaya satin..

      ang totoo simpleeng bagay lang naman ang kelangan natin tapos tayo lang ang nagpapakumplikado kase nagpapadala tayo sa agos nga paghahanap ng wala sa atin.

      hello ninong roland 🙂

  9. ang ganda nga anini. naalala ko yung isang post mo dati tungkol sa mamang traffic enforcer. napaka appreciative nun. tapos eto naman ngayon, isang bata naman sa jeep. more “anini” post, anini 🙂

    alam ko na yung nilakaran mo. yung sa kapitolyo na madaming ilaw. hehehe…

    • tapa kung lahat ng napapansin ko isusulat ko, malamang araw-araw may post ako..haha

      pero totoo, ang sarap sa pakiramdam after kung bumaba sa jeep, nawala yong sakit sa ulo ko, instead umuwi agad, dumaan ako ng simbahan saka naglakad pauwi.

      haha, tama! doon nga 3 days ko nang ginagawa yon at masaya..

  10. natuwa ako sa poste mong ito. inspiring. mapang mata din ako tulad ng mga kaopismate mo pero natutunan kong intindihin ang lhat. Natutunan kong ihumble ang sarili. Nafocus ako doon sa ginawa ni andre at kung san siya pumunta. Sa simbahan. Dito ako mas naiyak kasi ako aminado akong naguguluhan sa takbo ng buhay ko. tulad mo din kinakain ng mundo ang oras ko. nauubos kakaOT. Tulad mo ugali ko din maglakad at magpunta sa paborito kong mga lugar. Nainspire ako kay andre kasi kahit ganoon siya makaDiyos siya.

    SUPER GREAT POST. Naoverwhelm ako ng magagandang poste ngayong araw. Salamat.

  11. cool 😀 hmn.. minsan nakakatuwa ang mga ganung klase ng tao.. 😀 simple lang yung happiness nila.. 😀 isip bata ika nga..

    mas masaya ngang maging isip bata.. 😀

    sabi ngah, “the kingdom of heaven belongs to such as these (children)…”

    magandang araw!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s