panahon

Standard

Kung panahon ang maghuhusga
Mabuti pang idaan nalang lahat sa tawa
Wala namang itong kaibahan sa pagluha
Iikot at iikot parin ang lahat.

Wag matakot sa pagbagsak
Ulan nga’y di nagreklamo na buong buhay
Sila’y bumabagsak at bumabagsak.

Dahil panahon naman ay lumilipas
Mabuting hayaang maibahagi sa lahat
Ngiting naibulas pagkatapos ng pag-iyak
Iikot at iikot parin ang lahat.

Sa pagbagsak na di alam ang babagsakan
Ulan ay kabahagi sa pakiramdam
Dahi ikaw ay bumabagsak, bumabagsak.

Panahon ay hayaan dahil ito’y may sariling bilang
Kelan ang pagtayo, kelan ang paglipad
Wala tayong alam
Pero may panahong magbabahagi ng karanasan.

—————————————————————————–

ang sipag kong magpost no?..haha
ang totoo, gusto ko lang i-post tong tula na matagal nang nagtatago, kung bakit di ko sya nakita, yon ang di ko masagot..hahahaha wala lang trip kung magpost ng bago.. last year ko yata to ginawa kung kelan, di ko maalala.

ok, kahit gusto ko ang tag-araw, gusto ko rin ang panahon ng tag-ulan, kaw ba naman ang lumaki sa probinsyang halos buong taon may ulan, syempre masasanay ka.. plus masarap matulog..hehe

walang eksaktong patutunguhan tong tinitipa ko, basta gusto ko lang magsipag na magpost ng entry..hehehe

Advertisements

7 responses »

  1. ikaw na anini ang masipag magpost, at oo masarap matulog pag-umuulan…
    nasabi ko bang nagustuhan ko ang tula mo?
    hindi pa? magaling… gusto ko ang tula mo. ang ulan, bow… 🙂
    magandang tanghali anini 😀

  2. hi, anini.

    na-touch ako doon sa linyang ‘hwag matakot sa pagbagsak.’

    pero, naranasan mo na ba ‘neng ang free fall? it’s a long way to fall, yon ang isang mahirap doon. hindi siya kasindali ng pagpatak ng mga butil ng ulan… :s

    hmm… kadugtong pa rin ata ‘to ng previous post mo – about being in control and about letting things take their course. parehong hindi madali, sa palagay ko… 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s