may sikreto ako at ibubulong ko

Standard

madaling magpakalat ng kwento, tulad din ng titulo ng posteng ito, pag sinabing sikreto lahat gustong makinig, tinutubuan ng extra hearing aid.. masaya nga naman makarinig ng sa tingin mong eksklusibong impormasyon. pero nakakalimutan nating higit pa sa masayang pakiramdam ang pagsagap ng salita, may kaakibat na responsibilidad ang pakikinig, dahil kaya nitong baguhin ang ikot ng mundo ng bawat isa.

may kanya-kanya naman tayong karapatang itago ang anumang gusto nating itago, pero mas masarap paring ibahagi ang mga bagay na nagpapakilig satin, nagpapagaan sa dibdib pag naipasa ang mga malungkot na tinatago at mas masarap tumawa pag may kasamang nakakaalam bakit tayo tumatawa.

ang kapangyarihan nga naman ng pagpapalaya gamit ang salita.

may dalang saya pero kakambal na takot, paano kung ilalabas ng ibang bibig, may kasigorohan bang maitatago ito ng taong napagsabihan?.. pero madalas naiisip lang ito pagkatapos na ng lahat.. pagkatapos ng litanya ng bibig.. pagkatapos mapagaan ang dibdib..isip naman ang pinapabigat.. buhay nga naman.

ang maaring hawak lang ay ang tiwala, napakasimpleng salita, pero kayang magpabangon minsan ng isang patay na emosyon, kayang sumira ng mundo.

sa lahat-lahat ang salitang ito ang naiiwan para makapagbigay ng desisyong mabibigat, isang tulay sa isip patungo sa puso ng tao. Isang timbangan ng emosyong kaya nating dalhin.

masarap magtiwala pero mas mahirap pag nawala ito, para kang maghahanap ng isang mallit na isda sa napakalawak na karagatan.

kaya pag sinabi kung may tiwala ako sayo, panghahawakan ko. 🙂

Advertisements

20 responses »

  1. magandang araw po..

    ang ganda naman ng iyong sinulat.. saludo po ako…

    ung mga nanay, ate, kumare sa bawat kanto… may inilalabas ba sila sa pagsasabi ng sekreto ng iba? madalas pa, ang bulate lang na pinaguusapan.. pagdating sa kabilang kanto… ay isang anaconda na… tsk tsk.. ang pagpapalaya hindi ng damdamin kundi ng kasiyahang makapanira ng iba… 🙂

    magandang araw po

    • salamat banjo.

      haha, ganyan talaga pag chismis na, yan sigoro ang exact definition ng chismis, ang isang fact ay dadagdagan ng kunti o kaya kukulangan para mas nakakakuha ng attention ng iba. 🙂

  2. Dati, noong wala pa akong sariling sikreto, hindi ako makapagtago ng sikreto. Kapag sinabi sa aking, “Salbe, may sasabihin ako sa iyong sikreto!!!”, excited pa ang kausap ko pero ang maririnig nya sa akin ay “Secret? Naku wag mo na sabihin sa akin, hindi ako nakapagtatago ng sikreto.”. Promise, ilang beses na akong napahamak ng lentek na “secret” na ‘yan.

  3. hakhak. parang kahapon lang eh may nagshare ng sikreto sa akin. pero kahapon lang din nasabi ko agad yung sikreto sa isang tao. walastek no. nakakainis. hindi ko naman sinasadya. madalas kasi nadudulas eh. ano ba yan!

    at kapag sikreto, nandyan lagi ang mga tsismoso.

  4. ♫ ♪Ba’t bibili pa ng dyaryo o makikinig sa radyo. ♪♪
    ♪ Tumambay lang sa bawat kanto, sari-sari pang sikreto. ♫

    ♫ Buksan maigi ang iyong tenga at huwag kang tatanga-tanga. ♫♪
    ♪♪ Baka ang topic sa intriga ay ikaw pala ang bida.♫

    ~Tsismis
    by: Siakol

  5. parang basag na vase din ang salitang “tiwala”… anumang pilit na ayusin at ipagdiikit dikit ulit, di na ‘to mabubuo pa tulad ng dati.

    • oo nga ate k, pero kung ang taong magkukumpuni ay matyaga pwede nyang mabuo ulit ang vase sa ibang porma o kaya in an artistic way, kelangan lang ng extra effort diba?

  6. nalilito pa rin ako kung papasok pa rin ba sa kategorya na sikreto ang isang bagay kapag may nakaka-alam nang iba,hehe!

    ang totoo, parang commercial yan ng hotdog na footlong. masarap siyang i-share, masarap ding hindi. hahaha!

    ang pagtitiwala ay isang bagay na umiinog sa haba ng panahon kaya isang malaking pag-iingat dapat sa taong bibigyan natin ng mga bagay na sa kanya ipagkakatiwala.

    • papasok parin kapitan hook, yon nga lang di na sya tatawagin sikreto mo kundi sikreto nyong dalawa..hehe, palusot ako.

      hahaha, oo nga, nagutom tuloy ako.

      tama ka kapitan hook! 🙂

    • wahahaha, depende sa tao tapa.. pag sa tingin ko pwedeng pagkakakitaan ang sikreto nya, negotiable ang lahat..hahahaha

      kilala mo ko.. at wala nang dapat ipaliwanag..haha

  7. hi, anini.

    isa kang matalas na tao at iyon ay nasasalamin sa post na ito. like ko ang parteng ukol sa pagkawala ng tiwala ay kayang sumira ng mundo…

    pag tiwala ang nasira, mahirap nang makita kung alin sa dalawang panig ang unang nagwala nito. and as you said, we must live with the consequences… :s

    sana ay marami kang mapanghawakan, anini. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s