Summer na ulit

Standard

mainit na naman ang panahon, ikinatuwa ko pa naman dati nung sabihing expected na hanggang july ang tag-ulan, hindi dahil sa katunog ng totoo kung pangalan ang terminong ginagamit kapag lumuluha na naman ang langit kundi dahil malamig ang paligid, walang alikabok at syempre masarap matulog..hahahaha

pagsapit ng ganitong panahon, masarap alalahanin ang buwan ng tag-araw ng mga kamusmusan, at isa na sigoro ako sa may makukulay na kwento ng kabataang sa panahong ito. Madalas ang summer kinokonekta sa dagat, summer class, paglalaro ng walang humpay o kaya bakasyon sa ibang kamag-anakan pero may isang alaala sa isip ko na hindi man kakaiba pero itinuring kung isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay namin ng pamilya ko.

maybe this could be considered as one of my earliest memories that I can vividly remember, nag-english na nahirapan akong magtagalog…hehe

limang taon lang ako, katatapos lang din ng pasukan, pero kakaresign lang din ng nanay sa trabaho nya, hindi ko alam hanggang ngayon bakit nagresign ang nanay sabi lang nya nagkaroon lang daw sya ng krisis sa trabaho at buhay pamilya, hindi narin namin tinatanong dahil ako lang din naman ang nakaalala, dahil kung kuya ko ang tatanungin, adventure lang ang naa-alala nya sa panahong yon.

dahil nga mga bata pa kami, anim si kuya, limang taon ako at 3 years old naman ang pangatlo, wala pa sa mundo ang dalawa ko pang kapatid, di pa kami pinapayagan makaligo sa dagat kasama ng mga bata samin, instead sinasama kami ni nanay dun sa kapirasong lupa nila tatay sa bukid, plano ni nanay na gumawa ng garden ng mga gulay, walang gustong magpaiwan kaya lahat kami sinama, maaga pa lang naglalakad na kami isang kilometro din yon, ang pangatlo kung kapatid kinakarga minsan ni nanay tapos kami ni kuya naglalakad na may maliliit na backpack, damit pamalit ang laman at may kunting biskwit at juice parang magpipiknik lang no? sa ngayon pag na-iisip ko yon, para pala akong si dora that time, naglalakad na patalon-talon..hehehe

hindi nakakapagod ang maglakad kase sa una mga 300 meters along the high-way tapos susunod papasok sa medyo mallit na kalsada, habang tumatagal. paliit ng paliit ang dinadaanan namin, pero ang masaya may parte na dumadaan sa tubigan, bale naglalakad kayo dun sa may malinis na dumadaloy na tubig.. minsan may maliliit pa na isda, sabi ni nanay “gorami” ang tawag dun.

habang nagtatanim si nanay, kami naman pinapayagan nyang magliwaliw basta wag lang kaming lalayo, ayon! si kuya pasimuno, nangongolekta kami ng mga itlog ng kuhol, yong kulay pink..kase palalakihin daw namin, nilalagay namin sa mallit na container tapos may tubig, sabi ni kuya after 3 days kuhol na daw ang mga yon pero lahat ng kinolekta namin ni isa di naging mallit na kuhol, namuti na yong mata ko sa kahihintay pero wala.. as in nada..

kaya ang next move, mangolekta ulit ng kuhol pero duon naman ilalagay sa loob ng kawayan na hagdan ng kubong ginagamit namin.. experiment no. 2, araw-araw ko silang sinisilip sa butas para bantayan pero ang resulta, wala parin..hahaha

buong bakasyon halos ganun lang ang ginagawa namin araw-araw except pag linggo..pero bago natapos ang bakasyon may isang pangyayaring di ko maintindihan sa tuwing nagkukwento kami naluluha si nanay.. may isang araw nuon habang andun kami sa bukid biglang bumuhos ang sobrang lakas ng ulan, tapos may kasamang malakas na hangin… as in malamig na malamig ang hangin, pero sa parte ko walang problema sisilong lang naman kami sa kubo yon nga lang kelangan naming maghanap ng tapal para sa isang parte kase wala syang dingding bale yong apat na parte ng kubo tatlo lang ang meron, eh natutulog pa naman sa duyan ang kapatid ko.. ginawan sya ng duyan ng nanay kase antuken pa ang 3 years old. isipin mo nalang ang nanyare, pinipilit naming tapalan yong isang parte para di kami mabasa ng ulan dahil sa pasaway na hangin pero ang nakakatuwa, di ko maalala na natakot ako o kaya mag-alala.. ang sakin lang ay wag palusotin yon ulan sa kubo, ganun lang, parang simpleng laro.

maghapon halos ang pag-ulan, di kami makagala, si nanay naman di makapagtanim, duon lang kami sa kubo, kumakain ng kamote na niluto ni nanay, tapos dahil wala ngang magawa, tinuturuan nalang nya kami ng kanta yong isang version ng bahay kubo, hindi ko na maalala ano yong lyrics pero kaya ko syang i-hum.. tapos kinahapunan natanong namin si nanay kung maliligo ba kami sa ulan pag-uwi, sagot nya lang hindi tapos tumanaw na sa malayo.. ayoko nang alalahanin yong expression ng mukha ni nanay, ang lungkot kase, ewan ko bakit.

buti nalang pagsapit ng alas singko tumila ang ulan, pina-ayos na kami ni nanay para umuwi kaso may boses akong narinig na tumatawag ng pangalan namin, pag lingon si tatay, sinusundo kami, nag-alala pala dahil sa lakas ng ulan.. baka daw di kami makauwi tapos may dala syang mga pagkain na kinukutkot namin habang pauwi.

pagsapit ng june.. nagtrabaho na ulit si nanay..

pero ako, syempre binida sa school ang bakasyon, kung paano mangolekta ng itlog ng kuhol, asan may maraming-maraming Camia na bulaklak, tapos yong mga bayabas na kung saan-saan lang..ang saya!

sa ngayon, naiisip ko na kung ano ang pakiramdam ni nanay sa panahong yon, masyadong magkalayo kung paano intindihin ng isang bata ang sitwasyon kesa sa may responsibilidad na sa balikat.. basta madalas lang na sinasabi ni nanay, ayaw na nyang masubukan ulit namin ang sitwasyong yon..

pero ako, gustong-gusto ulit balikan ang panahong yon. πŸ™‚

Advertisements

18 responses »

  1. Ang sarap! Sinasariwa ng paskil na ito ang kawangis na mundo nung kamusmusan ko. Dagdagan mo lang ng paninirador ng mga ibon (opo, meron akong tirador nung bata ako), pagsakay sa kalabaw at walang sawang pagpitas ng mga prutas sa bawat punong madaraanan.

    Magandang araw Ani!

    • ay may tirador din ako, pero hindi bato ang gamit namin, alam mo yong bunga ng isang mangroves?.. ang tawag samin saging-saging kase mukha syang maliliit na saging..hahaha, hindi rin ibon ang tinitira ko, mga pasaway na bata…hahahaha

      di ko nasubukang sumakay sa likod ng kalabaw, dun lang sa hila-hila nyang balsa..

  2. napakaganda ng iyong kamusmusan wala akong masyadong maalala nong kabataan ko pa ang naalala ko lng niligawan ako nong prinsipe ng mga engkanto gusto akong gawing prinsesa ng kanyang kaharian kaya ako naging sakitin ahahahahha

  3. Napipi-picture ko Ani, bagay nga sa iyo ang Dora the explorer! Hahaha!

    Napakagandang kwento nito, naalala ko nung panahong nagbabakasyon kami sa Bicol, nag-aani naman kami ng mani. Alam ko yung “gorami” kasi may ganyan din sa Bicol. Hay.

    • hahaha, hanggang ngayon sa tingin ko pwede parin akong maging Dora the explorer! hahahahaha

      wow! mani, nasubukan ko ring mag-ani nyan pati monggo..ang saya saya nga..haay!

  4. ahahaha!!! summer na ba?.. naka relate ako sa sinulat mo..

    isa pang masarap gawin eh mag gitara ng buong maghapon.. ahahaha!!!

    hmn.. summer na pala.. akala ko madumi lang ang electric fan namin kahapon…

    kaya pala mainit.. πŸ˜€

  5. isang kwentong nakakapagpabata ng puso… nakakamiss yung simple pero masayang buhay ng ating kamusmusan… ang saya ng kabataan mo. gustong gusto ko ring balikan ang mga tawanan at kulitan at harutan naming magkakalaro noon…

  6. Hai. napadaan lang Galing work Ganda naman ng nabasa ko. naalaala ko tuloy nung bata pa ko d tulad ngaun puro trabaho, lungkot nga eh bukod sa malayo na ko sa pamilya ko solo mode kung d naman ako mag work walang chibog. ! πŸ™‚ sana padaan ulit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s