waiting but not in vain

Standard

pag hindi mo tanaw ang patutunguhan, minsan masasabi mo na ang buhay ay mahabang pila, mabagal na walang katuturan, na hindi kanais-nais pag-usapan. Gnaun ba dapat? wag mo nang sagutin, di naman tiyak ang tanong. maaring ikakalito lang ng walang magawang isipan.” —— txt ng isang officemate kanina habang nasa pila sya ng NSO.

tapos sinagot ko lang sya ng pabiro… “naks! ganito pala ang mangyayari, nagiging makata ang tao pag pumipila sa NSO..hahaha”

pero nag-paalam akong hihiramin ko ang txt nya. gusto kong magsulat ng tungkol sa paghihintay.

———————————————————————————–

naghihintay ako sa isang bukas na di pa kayang tanawin ng dalawang mga mata ko, mga mata’y bubuksan para abangan ang bawat galaw ng mga daliri mo.

naghihintay akong maabot ng mga daliri ko ang linyang di maiguhit ng sariling mga palad ko, sa ritmo na ibabahagi ng tadhana, umaasang matawid ko ang hangganan ng iyong mundo.

hihintayin kong kulayan mo ang isang mundong hindi maarok ng isipan ko, takipsilim ba ang kulay ng pagtatapos o pagsikat ng araw ang dudugtong sa mga pangakong naputol.

hihintayin ko ang pangyayaring magsasabay ang bawat pag galaw ng dalawang mundo, ikaw ba ay sasabay sa pagtakbo o ako ang babagal para sa paglakad mo.

maghihintay ako sa isang walang hanggang pag-ikot ng buhay.

maghihintay ako upang mabuksan ang mga mata ko sa totoong kumpas ng mundo.

šŸ™‚

Advertisements

20 responses »

  1. ang lalim šŸ™‚

    naalala ko ang kanta ng eraser heads dito..

    “filedtrip sa may pagawaan ng lapis ay katulad ng buhay natin, isang mahabang pila, mabagal at walang katuturan”

    sabi nga, ang bawat paglubog ng araw sa kanluran ay may katumbas ng pagsikat ng araw sa silangan kinabukasan. Panibagong pagasa ang hatid sa sinuman.

    magandang araw po sa inyo “)

    • salbabida gusto mo?..hahaha

      bakit di ko man lang naisip na malalim ang sinulat ko?..

      ang totoo, hindi ganyan ang balak kung i-post kaso nung itipa ko na, parang may sariling isip ang mga daliri ko at ayan ang nabuo…

      šŸ™‚ magandang araw din sayo banjo!

  2. GANYAN KAYO MAGTEXT?!?

    Wala, tanong lang. =)

    Patience is a virtue, but time is gold. Kung naghihintay ka, gawin mong kapakipakinabang ang pag-iintay. Go finger yourself. Bohahaha!

    • wahahaha, ang totoo hindi.. kase wala akong kwentang katxt, kaso pag magkausap kami ganun sya magbitaw ng mga salita.. iniisip ko nalang na artist kase..hahaha

      hala! ayan na naman yang finger na yan..hahaha

  3. ikaw na ang matalinghaga lagi, anini! gusto ko ang tanong na ‘to – “ikaw ba ay sasabay sa pagtakbo o ako ang babagal para sa paglakad mo.”

    sino ang tinatanongmo nyan, ha? haha…

    btw, salamat uli. šŸ˜€

    • wahahaha, hindi ko naisip na matalinghaga ako ate susan..

      tumipa lang ang daliri ko kahit wala akong balak na ganyan ang kalalabasan.. pero nakakamiss din ang mga ganitong post kung minsan..hehehehe

      sarili ko ang tinatanong ko..wahahaha

      welcome po. šŸ™‚

  4. Hi,

    Mahusay! Makabuluhan ang pagkakalapat ng iyong kaisipan sa bawat salita.

    Isa sa mga pinaniniwalaan ko pagdating sa dyan… gawing makabuluhan ang paghihintay sa kung sino at ano man ang hinihintay. At the end of the day, di man dumating ang hinihintay mo at least u gain/develop something special. Easier said than done but it works. šŸ™‚

    To GOD be the glory till eternity! šŸ™‚

  5. Agree ako kay Ate Salbe. Waiting patiently is very nice, very, very nice.
    I remember isang preaching about waiting and patience. Madami daw tayong ma-mimiss – out kung masyadong nagmamadali at waste naman at the same time. Siguro may pagkakataon lang na it’s up to us how to moderate our pace.
    yey!

    anyway, ganun din ako magtext, hindi ako nagsoshorcut. =)

    • haha, madami pa pala ang kapareho ng kuya ko dito, at may isa pa akong kilalang di rin nagsoshortcut magtxt.

      oo naman, may maganda paring maghintay na naa-appreciate mo ang paligid kesa magmadali na walang makita.

  6. come to think of it… it just gave me another wonderful insight on the value of having patience.. and of practicing it as well when it is highly needed most.

    these flow of thoughts were not just coming from nowhere… it was given to us and need to expressed. soon enough, it will reveal its real intended value on the best opportune time.

    this piece of your thought had been laid down a long while back… and strangely enough… i just happen to felt the urge to browse upon it just now.

    and i’m glad it had dawn on me on the best opportune time… on this phase of time that i really needed to hold myself aback from taking some decisions…

    indeed, god works in mysterious ways… šŸ™‚

    • The truth is, it had become also a reminder for me to be patient and wait for the right time.

      Sa dami ng entry dito, minsan hindi ko na alam na may naisulat akong ganito.

      And I was grateful that someone had spent time digging some of old entries. I was reminded again to the purpose why aninipot was created. Aninipot should gives hope and appreciate life down to its simplest form.

      Thank you sir!

      • imagine that…

        there was indeed a purpose pala for the thought that brought about “aninipot”.

        isn’t that simple amazing?!

        i myself, the “haring ibon” was also born from the desire to fly far and high, to learn more ideas from places been through… and from those flights, it took me to a path of definite purpose…

        and the flights not only takes me to nice places now.. it also take the flight on places of higher levels of dimesions… onto places bounded only by the limits of our minds… it is boundless so to speak.

        all we have to do is open up our minds and soar higher and reach for our destiny… our god given destiny šŸ™‚

        it will happen…. it will.

        • ang aninipot po kase ay alitaptap sa tagalog. It was something i was fascinated of. Pag nakakakita ako nito it reminds me to be hopeful, to understand life positively.

          Marami pong bagay ang ‘di natin kayang bigyan paliwanag basta alam lang natin na dapat tayong magtiwala.

          šŸ™‚

        • ahhh.. ganun pala yun.

          may semblance nga pala tayo talaga in the avatars of our life. we both are creatures of the forests and wishing to roam wantonly with endless freedom…

          and so it was destined…

          along our future path we will create our forests… we will create it by diverting onto it our bests of talents, efforts and passions… and we will roam happily on it.

          and humankind will be benefiting it much to our desires and likings… and to glorify our creator.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s