subok ulit!

Standard

Sa tuwing nalulungkot ako ang madalas na nangyayari ay nagpipinta na lang ang abang lingkod, pampalipas oras. Pero madalas sa kadalasan nasisira ang pinipinta ko. Kung gaano kagulo ang utak ko nung magsimula akong magpinta ganun din ang resulta.

Tulad nito:

"layag"

Ibang-iba ang plano ko pero pag hawak ko na ang paint brush, wala na! di ko na hawak kung anong mangyayari. Ang mahirap kase sakin, wala akong tiyagang maghintay kung kelan matutuyo ang ginagawa ko, kaya nga nasabi ko rin dati na di ako pwede sa oil paintings, baka lahat ng ginawa ko sira. Bukod sa pulubi ako at di ko afford ang oil colors, kailangan ng mahabang oras, sa akin di puwede yon, minamadali ko na makita ang resulta, ang problema din kase pag may ginagawa ako ng paunti-unti, pag natigil kahit isang kudlit nalang ang kulang di ko na nababalikan, pag nasira ang momentum, wala na.

Pero dahil ang lawak ng sining ay walang sukatan. Artwork is still an artwork. Palusot! hahahaha

“Just because something doesn’t do what you planned it to do, doesn’t mean it’s useless” — Thomas Edison

Advertisements

13 responses »

  1. Hi Ms. Ani!
    Na-miss ko dumalaw dito sa blog mo. Pasensya na, medyo nagliwaliw kasi ako nang medyo matagal na panahon.

    Natutuwa akong tingnan itong naipinta mo. Bakit? Dahil mukha siyaang isang pahina galing sa isang scrapbook hihihi. Mahilig kasi akong mag-scrapbook eh kaya yun agad ang naisip ko.

    Dati, humahawak din ako ng mga artist sa trabaho. At katulad na katulad mo sila sa behavior 🙂 Ganun siguro talaga mga artist hehehe

    Di na siguro ako matututong magpinta. Pero patuloy ko pa ring pahahalagahan ang mga obrang gawa ng mga taong tulad mo 🙂

    • hello Ms. N!

      di na po ako magpapaliwanag bakit ganyan ang itsura ng pininta ko.. 😀

      hahaha, marami pala akong kapareho, aba’y pwede na pala akong tawaging artist..hehehehe

      di ka nga nagpipinta pero ang galing mo naman sa paghawak ng camera!

    • forestry graduate..hehe, forester ang tawag sa taong naipasa na ang board exam.

      ang totoo, hindi. sobrang liit lang ang binibigay sa mga forestry graduate pero if magaling ang taong yon, marami syang makukuhang trabaho, di lang naman kase DENR ang pwedeng puntahan, marami pero kelangan ng tyaga. anyway lahat naman dumaan sa mahirap na proseso ng paghahanap ng trabaho.

  2. Dalawang beses ko lang ata na-try mag coffee painting. Yung una, subok lang din pero ninenok ng isang ate ko. Yung pangalawa, medyo okey na sana ang resulta kaso hiningi naman ng bespren ko. Sayang lang at d ko sila nakunan ng litrato.

    Ito ba yung ginawa mo habang may “katext” ka? 😉 (nga ingon ka wala na ka kasabot sa imo gibuhat) 😀

  3. kailangan bang magulo ang utak para dumaloy ang ganitong guhit? i highly doubt so…

    it’s an abstract and reality …. magically conjured!

    • Hehe! minsan po kase hindi ko kayang ipaliwanag ang mga resulta ng pinipinta. May panahong malayong-malayo sa gusto kong kalabasan.

      Minsan naman parang may sariling isip ang mga kamay ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s