bloomed

Standard

The end of flower bloomed is a picture of a kissed from the light of darkness.

Update:

kaya mong isa-tagalog ang sinabi ko sa taas. Natuwa lang akong malaman na may iba-ibang interpretation ang sinabi ko, depende sa bumabasa nito.. excuse lang muna sa mga grammar nazi.. di ako sumusunod sa paraan ng tamang pagconstruct ng sentence pag gumagawa ako ng letra sa pinipinta. πŸ˜€

Advertisements

38 responses »

      • hahaha! tawa ako ng tawa sa reply mo kay kuh. Anyway, siguro that’s what makes you an artist. Sabi ng isang kaibigan kong artist, wala siyang pakialam kung naiintindihan ng iba ang obra niya πŸ˜‰

        • haha, hello hello Ms. N.

          kase po minsan mas mahirap pang magpaliwanag bakit yon ang letrang nilalapat ko sa drawing ko. kaya mas mabuting wag magpaliwanag..hehehe

    • haha, sabi ko sayo dati na bibigyan kita pag mahusay na ako. πŸ™‚

      pero gusto kung i-korek, hindi kamay ang humuhusay, ang isip na nagpapagalaw sa kamay.. hehehe

      magandang araw kuya πŸ˜€

  1. ang lubusang pamumukadkad ng bulaklak ay hudyat ng paghalik ng liwanag sa dilim — nagmamatalinghaga ka na naman anini! hehehe…. inopen ko ung mismong pic para makita ung details. naks naman! galing ah. πŸ™‚

    • binigyan mo ng ibang pananaw ang sinabi ko tapa πŸ˜€

      napaka-positive ng sinabi mo.

      wahaha, o sige tumatanggap ako ng pambobola sa ngayon. o eto piso saluhin mo… bayad sa sinabi mo..haha

  2. wahahaah!! ang ganda ng painting.. lalo akong nainspire mag paint.. πŸ˜€

    tagalog version para sa akin: “hindi lahat ng magagandang bagay ay panghabang buhay…”

  3. nabubulol ako sa tagalog interpretation ko pero ise-share ko na rin.

    “ang hangganan ng pamumukadkad ng isang bulaklak ay isang dampi ng halik ng liwanag sa karimlan.”

    siguro, mas malapit ang interpretasyon ko sa ‘buhay’. parang pahayag na ‘dumaan ako rito-minsan’

    eh,ikaw ba…anung pakahulugan mo?

    • ang totoo, di kayang bigyan ng hustisya ng mga salita ang emosyong nakabalot sa larawang yan.. di makikita pangkaraniwang mata kaya isinalin sa letra. yon nga lang di parin sapat. πŸ™‚

      pero susubukan kong isalin kung paano ko ito nakikita.

      “ang pagtatapos ng pamumukadkad ng bulaklak ay larawan ng halik mula sa liwanag ng kadiliman”

      mas literal pa nga sana ang pagsalin para mas may bigat..hehehehe

  4. hello, anini!

    hang the caption! πŸ™‚ basta, superlike ko ang painting. alagad ka ni cezanne? πŸ™‚

    pakipadala na ng original nyan dito sa MM. saka ‘yong sa dpsa gravatar. sabi mo dati, piso lang ang bayad per painting, haha….

    ipapadala ko sa courier ang 2 piso plus lbc fee. i-e-email ko sayo address na padadalhan mo, hehe… kainis ka! ang husay ng reflection ng liwanag sa bulaklak pero mas lalo na sa dahon – praise the artist, hohoho… πŸ™‚

      • ahaha! ang mahal, per brush stroke ang bayad… sabi mo dati, minsan di ka gamit ng brush. so per dash ng kamay sa canvass, huh? haha…

        email kita tonite or tom before lunch… ang galing talaga ng lighting. sa canvass mo ginawa o sa cardboard lang?… 😦

        • hahaha, paint brush ang gamit ko nung kape na ang ginagamit pero gusto ko minsang subukang kamayin para makuha yong gusto kong background, sa susunod gagawin ko yon πŸ™‚

          water color paper po ang ginagamit ko, pangit ang resulta pag cardboard. at di ko pa nasubukang magpinta ng kape gamit ang canvass.. nanghihinayang kase ako baka masira ko, mahal pa naman ng canvass..hehehe

  5. hala, di pa kita nai-email… :s

    btw, di ko alam kung ano’ng itsura ng water color paper. aalamin ko nga sa nbs, hehe…
    mahal ang canvass pag binili mo sa store pero wari ko’y di mahal pag DIY… πŸ™‚

  6. “The end of flower bloomed is a picture of a kissed from the light of darkness…”

    Sa kahanganan ng pamumukadkad ng talulot mawawangis ang anyo ng damping halik ng liwanag sa karimlan…

    .
    .
    .
    ganda ng pagkaguhit…

        • Hahaha! Hindi po. Eagle lang ang kape. Ang gagamitin sa backgroung acrylic.

          Hehe! Praktis pa lang nman ginawa ko, sinubukan ko lang po ano itsura if coffee ang gamit.

        • wow! at talagang kinakarir mo ha… ayos yan exciting πŸ™‚

          syanga pala email ko sayo later on ang infos on how to open a starter trading account… so you can study ahead pag may time ka and if ever may tanong ka we can discuss further… keep your normal pacing lang in the meantime.

        • Ganun lang po talaga ako if magpipinta.

          At kinarir nyo rin po ang trading investment na yan. Sige at nang may idea ako ano yong sinasabi nyo. Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s