sino nga ako?

Standard

Pag naubos na ang lahat ng plano, pag wala nang maisip na gagawin para sa sarili, pag wala nang makitang maganda para magpatuloy, ano ang gagawin ng tao?

Hihinto? Magbibilang ng tupa? O magbibilang ng bituin?

Abaโ€™y may gagawin parin, effort ang pagbibilang, lalo na pag tupa ang binibilang, saan ka hahanap ng tupa para bilangin? May tupa ba sa Pilipinas? Kung meron pakituro naman para may magawa ang walang magawa.

Kung bituin naman, madaling maghanap ,tingin ka lang sa langit pag gabi, at simulan mo na ang pagbibilang, tingnan natin kung ilang gabi ang aabutin para mabilang mo ang lahat, markahan kung saan huminto para maipagpatuloy sa susunod na gabi.

Ano ba talaga ang patutunguhan ng pagbabasa mo?

Simple lang po, walang magawa at ayaw mong huminto. ๐Ÿ™‚

Dumarating tayo sa puntong parang wala kang patutunguhan, maraming tanong kung tama nga ba ang ginagawa? Tama nga ba ang desisiyon ? saan na ba ako pupunta? Ano na ba ang ginagawa ko sa buhay ko?

Sa dami ng tanong, higit sa madalas di natin nahahanap ang sagot. Bakit? Dahil mali ang tanong na pilit nating hinahanap ng sagot.

Sino ba ang gusto mong sumagot sa lahat ng tanong mo?

Si kaibigan? Si kapatid? Si nanay o tatay? O kaya si San Pedro? mga anghel na hulog ng langit? O si pag-ibig?

Wala di ba?

Dahil aminin man natin o hindi, sa hulihan ang tanong lang naman na hahara sa daraanan natin ay โ€œMasaya ka ba?”

Importante ba na masaya ang tao? Isang malaking OO ang isasagot ko. Andito ka pa kung di mo naman hahanapin ang kaligayahan mo, Napakasimple no? simpleng paglangoy sa karagatan, simpleng pagtawid sa kabundukan, simpleng pakiki-angkas sa pakpak ng bakal na ibon. Simple lang bow!

Ano ba ang simple kung kaligayahan na ang nakataya? Kung sekyuridad sa sarili ang pinupunan? Kung pwede lang sana tubig nalang ito ano? Kung gayon, lahat ay masikap sa pag-iigib kahit pa kilometro ang lalakarin, pitong bundok ang aakyatin at sandaang ilog ang lalanguyin.

Minsan ang mga simpleng bagay pa ang mahirap makuha, mahirap nga ba? O baka tayo-tayo lang din ang nagpapahirap sating mga sarili.

Baka simpleng ngiti lang ang kelangan, simpleng pagbati lang ang bayad , o kaya simpleng pagtanggap sa sarili lang ang sagot ng lahat.

Pag isipan mo. Subok lang. Walang mawawala sayo. ๐Ÿ™‚

OO, kinakausap ko sarili ko..hehe! bow!

Advertisements

9 responses »

  1. Tama Ani, kausapin mo sarili mo. Epektib ‘yan.

    Dumarating talaga minsan ‘yong minsan mapapaisip ka. Tama ba? Late ka ba?

    May kuwenta ka ba? At minsan nga hindi maiwasang mahili/inggit sa iba.

    At the end of the day, kasiyahan ang dapat maganap. ๐Ÿ™‚

  2. Hindi ako naghahanap ng kasiyahan. I make my own happiness. Ginagawa ko ang mga nagpapasaya sa akin, binibili ko ang kung anong makapagpapasaya sa akin. Malapit na kaya ang end of the world. =)

  3. hello, anini.

    pag ganitong summer, payak at nuknukang kababaw lang ako. ang mga tanong ko ay umiikot lang sa: mahangin ba do’n? malamig ba do’n? may refreshments ba? mga ganyan..

    ang mga tanong na naghahanap ng kahulugan ay isinasantabi muna. ang tungkulin natin pag tag-init ay mabuhay muna. lang muna, hehe… ๐Ÿ™‚

  4. tama, happiness ang level ng sukatan ng buhay natin. find it, beg for it, steal it ang importante, you must have it. otherwise, hindi ka wise. hahaha!

  5. madaming tanong… maraming sagot pero madalas tayo lang din mismo ang nakakasagot sa mga tinatanong natin…. tayo lang din kasi ang makakapagdesisyon kung masaya nga ba tayo o hindi… and it’s our choice to be happy.

    Ishare ko lang din ito:
    “Happiness is the consequence of personal effort. You fight for it, strive for it, insist upon it, and sometimes even travel around the world looking for it. You have to participate relentlessly in the manifestations of your own blessings. And once you have achieved a state of happiness, you must never become lax about maintaining it. You must make a mighty effort to keep swimming upward into that happiness forever, to stay afloat on top of it.” -Elizabeth Gilbert

  6. either tamang senti, emo o whatever pa…

    isa lang tawag ko dyan…. meditation hehehe

    to know more about one’s self …. just keep it going ๐Ÿ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s