little things matter

Standard

dahil di ko alam ang sasabihin ko.. magkukuwento ako ng kahit na ano.. game?

una, feeling busy-busyhan ako, at sa tingin ko di ko na kailangan magpaliwanag kung bakit, pero dahil makwento akong tao, susubukan kong mag-explain..
may inorganized kaming event, regionwide kaya medyo mahaba ang preparation, katatapos lang ngayon at masakit ang batok ko. bow!

pangalawa, hati ang oras ko, kailangan ko nang magluto every morning, mahirap pala pag may kasama nang kapatid, obligado akong maging ate..hahaha, hati din ang isip ko pag nasa trabaho, dahil nag-enroll na ang kapatid ko, at wala syang kasama, di ako pwedeng umabsent, kawawa nga, sariling sikap, tawag lang ako every so often. at sinumbong ako sa nanay ko na pinabayaan ko daw sya, ngayon sinong kawawa sa aming dalawa?

pangatlo, masaya palang umattend ng party ng mga tanders, dahil wala kang pagpapacute-tan walang pakialaman kahit magpanggap ka pang lasing habang sumasayaw..wahahaha

pang-apat, masaya na malungkot pag nakalimutan mong ang mga kasama mo pala sa trabaho ay mga tanders, dahil may kasamang socials ang event na inorganized namin at may hawaian/summer look na theme pa silang nalalaman, nag mini-skirt pa ang lola tapos pagpasok ko, diyos mio mga nineten kupong-kupong pala sila.. toinks lang nagmukha tuloy akong grade 2 section 5..ahahaha

at panghuli, dapat daw may sasabihin akong natutunan ko sa conferenece pero naman alangan ipag-compare ko ang mga side comments ng mga speaker sa RH bill, wag na po… magkaka-wrinkles lang tayo. kaya eto na lang ha, sometimes little things hurt, and sometimes little things matter….

yan pala ang sinabi ng kuya-kuyahan ko habang nag-evesdropped kami sa usapan ng boss ko at asawa nya habang nakikisakay kami pauwi kanina. Sinabi nya habang may kasamang hila sa buhok ko, at sinamahan pa ng, “when you say I do to someone make sure that even on little things both of you will agree”.. di ko na sasabihin anong narinig namin..

πŸ™‚

Advertisements

14 responses »

  1. natawa ako sa hawaian mini skirt nila lolo… πŸ™‚ luau party ito! ahahaha! hindi ko maimagine.. siyempre naghanap ako sa google…

    nasuka ako pagkatapos… (buong pag galang sa mga lolo at lola) ahahaha!

  2. kaya pala tagal tagal na walang kwento.

    nakaka enjoy kasama ang mas may edad sayo. ako, nakikinig mabuti lalo na kung life experience nila ang kwento. marami kasing natututunan.

    • ang totoo, tagapakinig lang talaga ako.. minsan pa nakakalimutan nilang may bata silang kasama kung magkwentuhan..

      ang maganda lang lahat sila parang pangalawang magulang ko na. πŸ™‚

  3. Natutuwa din akong sumama sa mga tanders, may karapatan na kasi silang sabihin ang lahat ng gusto nila, kapreno preno, walang pakialam sa opinion ng iba. Dahil ang dahilan nila, they’ve seen it all. Hello Anini!

    • hello salbe!

      haha! yan din ang maganda, walang pretensions kung ano ang sasabihin yon na.

      at ang maganda, masarap silang hawaan ng mga kalokohan ng kabataan..hahaha

    • hmmmm,

      tila baga may katotohan na habang yumayabong ang hibla ng kamalayan kaalinsabay ng pagusad ng pahina ng mga taon ng ating buhay, mapapagtanto natin na ang mga materyal na bagay na ating lubos na pinag naisan na makamtan ay unti unting mawawalan ng halaga sa sandaling itoy makadaupang palad.

      sa kabilang dako, ang mga halakhak at galak maging ang pagdaloy ng luha na pinagsaluhan sa ibat ibang pagkakataon ng mga kaluluwang lupa na pinagtiyap ng kapalaran ang syang mas higit na papaimbulog sa malalim na agos ng kamalayan.

      marahil, ako’y unti unti ng nilulukom ng agam agam kung kaya’t natitigib ng pangamba na sa malaon at madaling panahon…. ang katandaan ay walang patumangang daratal.

      katandaan, ito bay dapat kong katakutan o kasabikan?

      😦 πŸ™‚

      • wow! napakatalinghaga naman ng sinabi mo haring ibon. At napapakanta ako sa pangalang ginamit nyo :).

        sa tingin ko kelangan lang pong paghandaan, hindi dapat katakutan o kaya kasabikan, mas mabuting i-enjoy ang anong meron ngayon para may babalikan ka sa ala-ala at kelangan pag handaan para wala kang pag-sisihan.

    • kuya tarbs! napapaisip mo ako, mukhang may tama ka, pag dumadagdag na ang edad ng taop minsan hindi na kelangan pang pag-isipan ang mga bagay-bagay, tanggapin nalang at matutunan ang dapat matutunan πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s