libre lang

Standard

Pagkatapos kung lakarin ang dalawampu’t tatlong taong pamumuhay, kung saan hinayaan kung mangarap, maglakad, tumakbo at tumigil upang mamahinga, marami paring pangyayari na hindi kayang arukin ng isip ko.

Isa ako sa mga libo-libong naglalakad sa kalsada, naghahabol ng oras para maisabay ang mga paa sa galaw ng buhay sa syudad. Nakasapatos na minsan may takong, minsan sandalyas naman, namimili kung saan pwedeng gumalaw paiwas sa mga kalyong nagpapatigas ng balat.

Paminsan-minsan nakikitawa, nakikiiyak at nakikisimpatya sa mga estranghero na nakakasabay sa kalsada. Gumagalaw ayon sa takbo ng oras na nakasanayan na. Ganito tayo diba?

Aakalain mong tinutupad natin ang mga pangarap sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Minsan malayo pa sa pamilya. Pero ano nga ba talaga ang gusto natin? Mahalaga nga ba na makuha natin ang mga bagay na dinidikta ng sosyedad?

Minsan habang naglalakad pauwi, bigla akong napatingala sa langit, ‘may bituin pa pala sa langit’ sabi ko sa sarili ko.

Ikaw kelan ang huling beses na tumingala ka sa langit? Andun pa ba yong bituin na tinatanaw mo nung bata ka pa?

Minsan ang mga ganitong simpleng pagkakataon ang nagpapangiti satin. Isang kuntentong ngiti mula sa mga ala-ala ng kamusmusan, mga ala-ala kung saan simple lang ang kailangan para tayo tumawa.

Walang bayad ang mga pagkakataong ito, hindi kailangang gumastos para masabing naging masaya ka. Simple lang naman ang kailangan ng tao diba? At sobra pa sa madalas ang mga bagay na nagpapasaya satin ay nakukuha ng libre.

Ikaw,kelan ka naging libre para sa sarili mo?

Advertisements

15 responses »

  1. Kapag nasa kwarto ako, para sa sarili ko ‘yon, o kaya kapag nasa Cr ako, para sa sarili ko ‘yon.

    Minsan nanunuod ako ng sine mag-isa

    Madalas akong mag-isa. Minsan naglalakad ako ng mahabang mahaba para sa sarili ko.

    Hindi mauunawaan ng iba ‘yan pero para sa akin masaya ako na minsan mag-isa.

    Ako at ako lamang ang nag-uusap.

    May mga ganyang pagkakataon sa buhay natin, pero masaya talaga na nakikisalamuha ka sa iba.

    🙂

    • oo naman di mo naman pwedeng i-share ang CR habang na-eebs ka..hahaha, peace kuya!

      ako di ako nanonood ng sine mag-isa, hindi masaya, di ka makapagbitiw ng mga side comments, except makikipag-usap ka rin sa sarili mo..haha

      pero totoo, masaya ang makisalamuha pero paminsan-minsang pagbigyan ang sarili na mag-isa para din sa sarili mo 🙂

  2. Hi Aninipot! trip ko rin ang gumala na mag isa, ilang beses ko ng nasubukan iyan at naging masaya naman ako sa mga pagkakataon na iyon. Marami ang nagpiprisinta sa mga kaibigan ko na sumama sa mga lakad ko. Ang kaso gusto nila ilibre ko sila sa pamasahe na akala mo naman ay pupunta lang kami ng Baclaran. Ayun kaya ko sinasabing masaya akong gumala mag isa ahaha.

    • haha, ikaw na ninong, ikaw na ang may galaang ibang kontinente ang inaabot.

      hahahaha, masaya nga para sayo walang makaka-alam sa mga kapalpakan at kalokohan ng gala mo except if ikukwento mo 😀

  3. Matagal ko nang napatunayan, mas masarap ang libre. Halimbawa nag-McDo ka, mas masarap ang McFlurry na libre kesa ang McFlurry na binili mo. Weird.

  4. Noong bago ako sa Maynila, ang ginagawa ko, sumasakay ako ng bus from end to end ng byahe,haha. Mga dalawang fridays a month ‘ata. Feeling ko, malaya ako pag gano’n.

    Tapos, pag nakakita ako ng malalaking avenues na di matao, bumababa ako at naglalakad doon. Ini-imagine ko na lang na ang malawak na space ay bukirin, haha!
    ganyan ako ka-weird at ka-promdi,anini.

    Pero enjoy naman ako no’n na marami akong nakakasalamuha, nakikilala at napupuntahan. Meron lang atang isang part ng personality that would rather be left alone at may pagka-laidback, kumbaga…

    Minsan rin, nakakapagod humabol sa kumpetisyon sa lungsod at naitatanong mo sa sarili kung sulit bang malayo sa pamilya para sa ambisyon. Ganyan lang talaga ang sarili – makulit . Kung ando’n ka sa piling ng ‘yong pamilya, malamang ang itinatanong nyan sa’yo ay ano na kaya ang ginagawa mo sa lungsod sa parehong oras?

    Sabi sa ‘yo,magulo si anini, este, ang sarili, hehe… 🙂

    • hahahaha, tama ate san! magulo ako.

      pero masarap talagang ilabas minsan ang pagiging promdi.. wa pakels sa iba.. di naman nila alam ang satisfaction na nararamdaman natin..hahaha

      hindi naman talaga nawawala ang mga tanong natin, pero reyalidad ang sabihin di pwedeng ibigay satin ang lahat 🙂

      • hi, ani! di nga pwedeng ibigay sa atin ang lahat-lahat at lalo pa kung sila’y sabay-sabay…

        sa intro ng novels (haha, isa ako sa mahilig magbasa ng intros, maski 50pp ang iba), parating may sinasabi roong “the human condition,” isang phrase na sa tunog pa lang ay pathetic na, ahaha.

        the human condition pertains to man’s search for interconnectedness even as he seeks for integrity within himself (all the while, he, being a unique entity). thus, conflicts arise. iba ang needs ng individual sa gusto at inog ng mundo, hehe…

        but humans never stop trying to realize the best that he can be raw. at least, ‘yon ang sabi sa huling librong binasa ko, hihi… share ko lang, kunwari, naintindihan ko ang aking binasa at kunyari, may connect sa post mo, ahaha! 🙂

  5. ang simple lang nung tanong mo pero nahirapan akong sagutin.

    naisip ko kasi, kada binibigyan ko yung sarili ko ng mga libreng pagkakataon, nagiging maramot din ako sa iba. pag tumatakbo ako minsan sa umaga o kaya sa hapon naiisip ko na gusto ko yun para sa sarili ko pero pwede rin naman akong tumulong sa gawaing bahay.

    kapag nagsusulat, kapag nag do drowing, kapag tumatakbo,kapag gumagawa ako ng bagay na masaya ako, yun na siguro yung panahon na libre/free/malaya ako bilang ako. all in all, hati talaga ang buhaysa pagitan ng pagkakabilanggo sa responsibilidad para sa ibang tao sa paligid natin at responsibilidad sa sarili. madalas pa nga, napapabayaan ko yung ibang para sana sa iba.

    • simple lang din yan kapitan hook! hindi lahat ng bagay napapasa-atin.. hati-hati sa grasya para matuto.

      minsan masarap isipin na sana kaya nating ilagay lahat sa mga kamay natin, bawat daliri may responsibilidad para walang pwedeng maiwan pero hindi nya tayo perpekto, kailangan din mamili.

      prioridad sa pinaka-importante at susukatin ito kung masaya ka ba, o masaya ka ba para sa iba?

      hahaha

  6. parang iisang tema lang ang sinusulat mo lately ah. nostalgic.
    kelan ako nagiging libre para sa sarili ko? kapag napapagod na sya sa mga nangyayari sa paligid. kapag gusto kong huminga nang walang iniisip na iba. sinasamahan ko syang maglakad lakad (pero hindi malayo) at tumambay (eto medyo matagal), magmasid lang ng mga dumadaang sasakyan mga naglalarong bata. yan ang time na para sa sarili ko.

    pahabol: anini! mali mali ka na naman ng send ng text! tsk tsk…

    • hmmmm.. ganun talaga..paminsan minsan ang pagkakataong magpakalunod sa ganito ay nagbibigay ng panibagong lakas.

      🙂

      pahabol din: wag mo nang ipagkalat ang kapalpakan ko..hahahaha

  7. madalas akong nasa rooftop namin tuwing gabi. masarap magreflect lalo na kapag maaliwalas ang kalangitan. yung tipong kahit saan mo ibaling ang pagkakatingala mo, may nakikita kang bituin. sa maniwala ka’t sa hindi, yung sinasabi mong pagtingala sa langit is my way of releasing stress and anxities ever since i don’t know when. kahit pa nung mga panahong napa-palo pa ko ng sinturon ng mga magulang ko, way ko na yan ng pagpapapa-kalma sa sarili ko. ^_^

    it’s a good read. keep posting. ^_^

    • galing ako sa bahay mo.. nabitin ako sa mga post mo..hahaha

      its good to know na may mga taong madalas ganyan ang ginagawa, maganda ngang pampawala ng stress, pero minsan nakaka-stress din ang mag-identify ng mga constelation….hahaha

      salamat sa pagdalaw. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s