pag sinubukan mo palang obserbahan ang mga langgam kahit kunti may matututunan ka, halata bang wala akong magawa dahil pati mga langgam pinapakialaman ko na? hehe!
dati pag nakakakita ako ng parada ng mga langgam lalo na pag pulang langgam pinapatuluan ko sila ng kandila.. oo na ako na ang walang awa, ako na ang salbahe, minsan nilalagay ko sila sa dahon tapos ilalagay sa balde na puno ng tubig, ayon! nasubukan nila kung paano maglakbay na may malalaking alon at ipu-ipo.
pero matagal ko nang tinigil ang gawaing yon, nung medyo tumanda na ako ng kunti, tinitingnan ko na lang sila, ay! di pala, ine-erase ko lang yong trace na iniiwan nila, o ha! experiment ko yon nung may entomology class ako.. gusto kung subukan if nawawala ba sila if susubukan kung i-erase ang iniiwan nilang bakas.. pheromone ang tawag sa hormone na iniiwan nila kaya kayang-kaya silang sundan ng mga kasamang langgam.. ang tanong nawawala ba sila?.. OO nagkakagulo sila pero panandalian lamang, wais parin sila nakakagawa ulit sila ng paraan na makauwi kung saan mang lupalop nila tinago ang kuta nila.
dahil ang pag-aaral ko kuno ay di pa tapos,tuwing may pagkakataon ulit mag obserba kinukuha ko na as opportunity na malaman ang ibang behaviour nila mismo mula sa aking mga mata. kaya last weekend, balik ako sa dati, nag-oobserba na naman ako ng mga langgam na pumaparada, at ano ang nakita ko? tsaraaaan! naghahakot din sila ng tubig, promise! parang kung anong nadiscover na pipigil sa pag gunaw ng mundo ang level ng excitement ko..hahaha
diba usually ang alam natin naghahakot sila ng pagkain gamit yong mandibles nila, eh saan nila nilalagay ang tubig?..hulaan mo..
tsaraan! sa dulo ng abdomen nila.. pinupuno nila ng tubig yon. kagaya lang din ng pagkain, salitan sila sa paghahakot o baka pag-iigib ang tamang term , kung di ko pa nakitang napupuno ng tubig yong abdomen nila malamang sa nilunod ko ulit sila sa tubig para malaman ko kung paano sila lumangoy..hehehehe
ayan kids! tapos na ang lesson ng titser-titserang mode ko.. susunod naman kung paano manligaw ang mga aso sa lumalanding babaeng aso.. o ha! na-obserbahan ko yan, way back college days. 🙂