KM2: Ngiti mula sa mga bituin

Standard

Nakaupo ka ngayon sinusubukang sukatin ang pananaw ng iba tungkol sa iyong pagkatao, ako ba ay marikit? ako ba ay mahalaga sa gitna ng milyong Eba na namumuhay sa mundo?

ang alingawngaw ng pag-alala ay sumasayaw ngayon sa isip mo.

May akma nga bang terminong pwedeng isukat sa kabuoan ng pagkatao, ang kulay ba na nagpapatingkad sa piniling buhay ay may ningas pa? Nakakatakot ang reyalidad, minsa’y mapupuno muna ng peklat ang puso para matanggap ang hangganan ng kakayahan.

Animo’y manananggal ang tadhanang humahara sa iyong daanan, pinipilit higupin ang dugong palaban na nanalantay sa buong pagkatao, nakakabingi ang halinghing, ang halinghing ng katahimikan na sumusunod sa tuwing nag-iisa.

Ang mga alagad na dikya ang dahan-dahang sumisipsip sa pag-asang itinanim para sa maluwalhati paglalakbay, mahirap iwasan at hindi pwedeng takbuhan dahil kasama ang maputik na daan para makompleto ang ikot ng masukal na kapalaran.

Tinitigan mo ngayon ang dalawang kamay, may katuturan pa ba ang guhit sa iyong mga palad? O isa lang ito sa mga elementong nagtutulak para sumakay sa bangka, makisabay sa agos na di mo naman alam saan patungo.

Naghahanap ng luwalhati, umaasang pagkatapos makipagtuos sa sarili ay papandayin naman ang butas na nagdudulot ng panibugho, aayusin ang nakaraan na sumisigaw ng sakit na hinugot mula sa yungib ng pasakit.

Nagtatanong ka ngayon mula pagtanaw sa langit, nangangalumata sa paisa-isang pagtitig sa libo-libong bituin. Humihiling at tumatawag sa banal na pangalan mula sa natirang katiting na pananampalataya.

Sisilip pa ba ang pulut-pukyutang pag-ibig o mananatili nalang itong kuyukot ng panaginip.

Buntung-hininga. Sa dako pa roon may masasayang maharlika, kelan ako magiging kagaya nila?

Habang ang mga adhikain ng mundo ay sumasayaw sayaw, naghihintay kung sino ang makakasunod sa tempo, ngunit sonata mo ngayon ay kinuha mula sa lugami ng buhay.

Wasak na naman ang puso, humihinga, naghihintay ng mag-aabot ng kamay.

Pero habang wala pa, ang mga bituin ay sapat na. Makikisilong sa kislap ng tala para i-akyat ang sarili. Mithiin ay malagyan ng ngiti ang sariling mga labi.

Advertisements

50 responses »

  1. Gusto ko ang mga bituin , kasi isa sila sa mga nagtatanyag ng greatness ni God. Ang ganda ng coffee painting waling anini.Napatingin din ako sa guhit ng aking mga palad na nagsasaad na nasa Diyos ang ating kapalaran.

    • ako din gusto ko ang mga bituin kase nakikita ko silang simbolo na may kinang ang bawat sitwasyon kahit gaano pa kalayo ang solusyon. πŸ™‚

      salamat kuya pong.

      Amen, para sa sinabe mo. πŸ™‚

  2. Ang totoo Ani, hindi ko inexpect na meron akong mababasa sa pakontes ni jakul na talagang makakapagpatuwa saken ng bungga. Ayos. Husay. Di ko inexpect, don’t get me wrong. Compliment yun. πŸ˜€

    This is entirely based on what I got from what you wrote:

    Natuwa ako dahil there was a time when I wanted to write about the struggle of trying not to cross the thin line between who you really are and who other people expect you to be. Hindi sya discussed often, pero it applies to most if not everyone. I have known a lot of people who gave in to what the society demands of them. Which is not necessarily bad, pero if you forget who you truly are in the process, that’s just a waste.

    This reminded me of someone I used to love. It’s heartbreaking. Seeing that happen.

    Mahusay, Ani. Gustong gusto ko tong entry mo. πŸ˜€

    • napa-wow! ako sa sinabi mo vajee.

      it’s good to know na may taong nakarelate sa sinulat ko, at nakakamiss din ang mga ganitong comment galing sayo, nakita ko ulit ang vajee na nakilala ko nuong baguhan pa lang ako sa blogosphere. salamat πŸ™‚

      ayoko nang dagdagan ang sinabi mo.. baka masira ko..hahahaha

  3. Ang guhit sa palad ay palatandaan ng kasalimuotan. Ang kapalaran ay ayon sa itinakda ng Dakilang Lumikha ngunit bilang indibidwal tayo rin naman ang guguhit sa ating kahahantungan.

    • tama! ang guhit sa palad ay nagpapa-alala na may higit na makapangyarihan pero may kalayaan tayong pumili ng daan sa gusto nating puntahan.

      hello kuya anjong! πŸ™‚

  4. .. minsan iniisip ko hindi balanse ang mundo kasi pakiramdam ko maikli ang kamay ko kaya di ko maabot ang makislap na bituing pinapangarap ko… yun pala naatat lang ako, kusang lalapit pala ito. πŸ˜€

    superlike!

    • tama! maghintay lang ng tamang panahon.. wag madaliin ang oras, mahirap pa naman pitasin ang prutas na hilaw pa, ang resulta minsan ay maasim.

      hello ms. joyo! πŸ˜€

  5. nagtagpo ang sa KM2 ang isang binatang nakatunghay sa buwan at isang dilag na namamasid ang ngiti ng bituin. gusto kong isipin na sa lawak ng langit, ang lahat ng ito ay nagkataon lang. haha!

    may kung anung masayang kwento ang naglalaro sa isip ko ng mabasa ko ang parehong akda. ang lugar kung saan nakaharap ang binata at dalaga. gusto kong isipin na sa sulok ng langit, may pag-ibig na hindi lang nakikita ng mata ng gaya kong nakatungtong sa lupa.

    ah, basta. alam mo na naman kung anu ang sinasabi ko eh.

  6. Pasasaan ba’t darating rin yan. Baka naghihintay lang ng tamang pagkakataon. πŸ˜€

    Ang ganda ng dorowing, kape ba talaga yan??

  7. SUPER LALIM ANI. Ngayon lang uli ako nakabalik sa lungga mo na may malulupit na coffee painting. Ganda ng akda. Mukhang mahihirapan ang lahat sa galing ng mga kalahok.

    Gusto ko yung tanong na Sa dako pa roon may masasayang maharlika, kelan ako magiging kagaya nila?

    dream ko din kasi yan.. nice pic anipotpot….

  8. Pingback: KM2: Sa Pamilihan ng Paniniwala « doon po sa amin

  9. Ikaw lang Ani ang nakagamit ng salitang Dikya na pasok na pasok sa banga! Wala akong masabi kung hindi ang ganda ng klip nung babae sa coffee painting mo.

  10. anini, sa tuwing nagsusulat ka ng mga ganito kaseryoso, ang lake ng bahagi ng personal na ikaw ang lumalabas. ung sinabi kong concept ng coffee painting (nanilagyan mo ng title na “dear moon”), yun ka. ikaw yung positibong interpretasyon ng painting na yun. andun ung lungkot at pag-iisa pero mas nananaig ung pagiging “idealistic” mo, mas lumalabas ung pagiging bata at inosente, madaming pag-asa. kumbaga sa bulaklak, ikaw ung naghihinatay ng unang halik ng sinag ng araw at bago tuluyang mamumukadkad.

    • ang personal ng comment..hahaha, ikaw na, ikaw na ang nagbabasa sa likod ng mga salita. πŸ™‚

      may sasabihin pa ba ako? wala na sigoro… salamat πŸ™‚

  11. pure at wagas! hindi lamang pagkatao mo ang sinasalamin ng akda kundi pati ang mga mambabasang nasa ganyang estado. πŸ˜€

  12. nakiiyak….ganda naman…sarap talaga tanglawin ang mga bituin..kalamdo…ang galing naman din…paano na ito..hirap nga talagang mag bigay ng puntos sa bawat isa…

  13. ani,,,

    dati, madalas din akong tumingin sa mga bituin… pag ganun kasi, ang dami-daming naiiisip at pinapangarap. madalang na lang ngayon, mas madami na kasi akong iniisip, kulang ang bilang ng mga bituin…

    parehas oo ang sagot sa mga tanong mo sa unang talata. at huwag kang mag-alala, darating din naman ang taong magpapangiti ng totoo sa iyo.

    sa ngayon, sulat lang ng sulat… isa iyan sa mga talento mo,….

    • may talento ako sa pagsusulat?,,yehaaa! hahaha

      ako, gusto ko talagang tingnan ang mga bituin.. may panghatak lang talaga sila sakin.

      maraming salamat po πŸ˜€

  14. wala ng bituin na natatanaw sa metro manila, maitim na ang usok, natatakpan na. haha.

    Per mahusay, may lalim at mapangarap.

    nagbigay ng puntos, goodluck and ‘congrats.

    kamusta anipanot?

  15. … Naghahanap ng luwalhati, umaasang pagkatapos makipagtuos sa sarili ay papandayin naman ang butas na nagdudulot ng panibugho, aayusin ang nakaraan na sumisigaw ng sakit na hinugot mula sa yungib ng pasakit….
    3. Ito ang tumatak sa aking isipan Ani. Huwag mag-alinlangan kung kailangang magdesisyon. Kapag ang landas na tatahakin mo’y mapanganib, ang tala minsan ang nagbibigay ng babala, kagaya din ito ng ating pakiramdam na minsa’y nagbibigay ng senyales kung positibo o negatibo ba ang ating mararanasan sa buhay. Dumarating ang lungkot maging muling pag-iisa pero tila nga yata sapat na muna ang ngiti ng mga tala. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

  16. hello, anini. ang akda mong ito ay nagsasaad ng aking pakiramdam sa sandaling ito… bakit at paano mo nalaman ang aking saloobin ? sino ka? saan ka galing?

    ah, sumusukob nga sa kislap ng mga bituin. ngunit wari ay hindi sapat ang mga hiram na liwanag. at ang pag-asa ay isang mapusyaw na pangakong nasa malayo…

    yakap na lang sa iyo, kapatid… sana ang iyong kalooba’y mas payapa. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s