Tatay’s Day na naman

Standard

Malapit na naman pala ang father’s day. Swak sana na holiday sa Monday tapos may isang araw for offset.. .pero nagkakamali ka na uuwi ako.. kung ibang pagkakataon baka pagdating ng Thursday night lipad na ako pauwi samin.. kaso di na tulad nuon ang sitwasyon ko. Alangan naming basta ko nalang iwan dito si brother dear. .. malamang sa malalagot ako kay nanay pag ginawa ko yon. At selfish din na ako lang ang uuwi tapos sya hindi.

At dahil father’s day na naman, magkukuwento sana ulit ako tungkol kay tatay kaso di ko alam paano pag-isahin ang mga salitang palipad-lipad ngayon sa utak ng yours truly. Kaya random kong ititipa depende sa unang maaalala ko.

Paboritong tambayan ni tatay ang tabing dagat lalo na pag papalubog na ang araw kasama ang gitara nya.. kakanta lang yon doon hanggang sa gusto nya, tapos ako lang ang inuutusan ni nanay na pauwiin na si tatay kase sya ang magluluto ng hapunan..hehehe, pag naglalakd na pauwi may laro kami ni tatay, paunahan makarating ng bahay, sya naglalakad ako tumatakbo, at may prize ako pag nanalo, at ni minsan di sya nanalo.. alam na!..

May panahong pinagseselosan din ni tatay kaming limang mga anak nya, lalo na tuwing kakauwi lang naming mula sa ilang milyang layong paaralan, si nanay kase di na sya pinapansin, lahat ng gusto namin ang inaasikaso..hahaha, ganun pala talaga no? kahit tatay na minsan nag-aastang bata. Paano namin nalalaman na nagseselos na sya? nililinis nya ang buong bahay na hindi umiimik.. at ang ginagawa namin, pinapabayaan sya pag malinis na malinis na ang bahay saka naming sya kakausapin.. dinadaan naming sa maBOTEng usapan na may kasamang kantahan, concert ang resulta, walang paki sa kapitbahay..

Hindi si tatay nakapagtapos ng pag-aaral, gustohin man nya wala syang choice, walang suporta mula sa mga magulang nya.. kaya nga binibiro namin sya ng mga kapatid ko na pag tapos na kaming lahat sya naman ang pag-aaralin namin.

Pero ang isa sa pinakagusto ko sa ugali ni tatay, sya ang unang-unang pumapalpak pag kumakanta na ako kahit umulan, Kumulog at kumidlat pa.

Wala naman sigorong perpektong tatay kung standard ng mundo ang sukatan, pero ang bawat anak ay may espesyal na sukatan sa puso.

Kung may isang ugali sigoro na gusting-gusto kung makuha kay tatay, yong sobrang haba ng pasensya.. pag sobrang galit na sya, iniluluha lang..haays! namissed ko bigla si tatay.

ang daming pumapasok sa isip ko at hindi pwedeng ikahon sa isang poste lang ang kuwento ni tatay.. basta tatay ko sya. Bow!

Advertisements

3 responses »

  1. ahaha! pinapapanalo ka nya lagi sa contest nyong dalawa,nililinis nya ang buong bahay ng walang imik at hindi nakukuhang magalit sa mga anak – oo,nga,anini,kakainis si tatay mo! 🙂

    pakibati siya ng happy father’s day… pasabi,dapat pinalo nya minsan yang si anining makulit, ahaha… 🙂

  2. happy father’s day po sa iyo. maswerte ka at meron ka pang tatay kaya lubos lubosin mo na ang pagpapakita na pagmamahal sa kanya. well, pati kay nanay na rin.

    at isa lang po pala akong hamak na lurker ng blog mo. 🙂

  3. Awwww ang swit naman ninyo ng tatay mo 🙂

    Hindi ko alam ang sasabihin ko pero gusto kong ipaabot ang pagbati sa Tatay mo sa araw ng mga Tatay 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s