ants lesson

Standard

pag sinubukan mo palang obserbahan ang mga langgam kahit kunti may matututunan ka, halata bang wala akong magawa dahil pati mga langgam pinapakialaman ko na? hehe!

dati pag nakakakita ako ng parada ng mga langgam lalo na pag pulang langgam pinapatuluan ko sila ng kandila.. oo na ako na ang walang awa, ako na ang salbahe, minsan nilalagay ko sila sa dahon tapos ilalagay sa balde na puno ng tubig, ayon! nasubukan nila kung paano maglakbay na may malalaking alon at ipu-ipo.

pero matagal ko nang tinigil ang gawaing yon, nung medyo tumanda na ako ng kunti, tinitingnan ko na lang sila, ay! di pala, ine-erase ko lang yong trace na iniiwan nila, o ha! experiment ko yon nung may entomology class ako.. gusto kung subukan if nawawala ba sila if susubukan kung i-erase ang iniiwan nilang bakas.. pheromone ang tawag sa hormone na iniiwan nila kaya kayang-kaya silang sundan ng mga kasamang langgam.. ang tanong nawawala ba sila?.. OO nagkakagulo sila pero panandalian lamang, wais parin sila nakakagawa ulit sila ng paraan na makauwi kung saan mang lupalop nila tinago ang kuta nila.

dahil ang pag-aaral ko kuno ay di pa tapos,tuwing may pagkakataon ulit mag obserba kinukuha ko na as opportunity na malaman ang ibang behaviour nila mismo mula sa aking mga mata. kaya last weekend, balik ako sa dati, nag-oobserba na naman ako ng mga langgam na pumaparada, at ano ang nakita ko? tsaraaaan! naghahakot din sila ng tubig, promise! parang kung anong nadiscover na pipigil sa pag gunaw ng mundo ang level ng excitement ko..hahaha

diba usually ang alam natin naghahakot sila ng pagkain gamit yong mandibles nila, eh saan nila nilalagay ang tubig?..hulaan mo..

tsaraan! sa dulo ng abdomen nila.. pinupuno nila ng tubig yon. kagaya lang din ng pagkain, salitan sila sa paghahakot o baka pag-iigib ang tamang term , kung di ko pa nakitang napupuno ng tubig yong abdomen nila malamang sa nilunod ko ulit sila sa tubig para malaman ko kung paano sila lumangoy..hehehehe

ayan kids! tapos na ang lesson ng titser-titserang mode ko.. susunod naman kung paano manligaw ang mga aso sa lumalanding babaeng aso.. o ha! na-obserbahan ko yan, way back college days. πŸ™‚

Advertisements

33 responses »

  1. beys! present, ma’am anini! πŸ™‚

    gusto ko ‘yon, naghahakot sila ng tubig. ang galing naman!

    btw, nasukat mo ba pala kung ilang ounce o milliliter ang kasya sa abdomen ng isang langgam? at ilang ulit silang bumabalik sa pag-iigib? at may connection ba sa longevity ng isang langgam ang kung ilang beses syang nakapag-igib? halimbawa, pag naka-igib na ba sya ng 10 beses, posible bang sya ay mag-expire na at palitan na sya ng langgam na next in line?

    ilan lang ang mga ‘yan sa mga tanong na sumagi sa kakapiranggot kong utak. kitams, nakikinig ako sa lecture? aantayin ko ang mga sagot, ha?

    bless you, teacher! may your tribe increase… πŸ™‚

    • napaisip ako sa tanong mo ate san, hindi pa tapos ang aking pag-aaral sa mga langgam na to, sa susunod, susubukan kung sukatin kung kaya kung makahuli na di sila namamatay o kaya di ako nila nakakagat.

      noted ang mga tanong para sa susunod yon ang oobserbahan kung mabuti.. tanantanan!..hehehe, natuwa talaga ako sa mga langgam na to.

      • hi, anini.

        noong sumunod na araw pagkabasa ko ng ‘yong post, napansin ko ang mga langgam na visiting doon sa aming kusina. sinubukan ko ring mag-observe, ala anini…

        i therefore conclude na kay liliit pala noong mga insekto at tanging mga batang walang magawa, forestry students/grad at taong iba ang trip ang may pasensyang magmasid sa mga langgam, ahaha! peace, ani! πŸ™‚

        • ahahaha! alam ko na yan ate san, mahaba pasensya ko! hehehe

          at hindi lang pagmamasid ng mga langgam ang trip ko minsan, may time na sinusubukan ko kung paano lunurin ang earth worm..wahahaha

  2. A bugs life. May eksena roon na may bumagsak na dahon sa pagitan nung pila. Nagkaroon ng panic. Maya-maya, may pumayapa sa mga nalito kung nasaan na ang pila.

    Ang aral sa langgam na pumipila, disiplina. Saka chismisan at kwentuhan. Yan ang ginagawa nila tuwing nagkakasalu salubong. Hahaha!

  3. iniisip ko kung nagpapanic ba talaga ang mga langgam palagay ko nalilito lang sila hindi nagpapanic.

    kung may lahi akong pwedeng pagkumparahan sa mga langgam yon ay ang mga japanese, sobrang madisiplina, pero kung totoo ngang madaldal, masayahin at mahilig sa chismisan, pwedeng hindi sila kapareho ng mga hapon, malamang sila ay mga pinoy..hahaha

  4. WOW…at naasikaso mo talaga sila… pero sa totoo lang nakakaamaze sila, kasi sa liit nila hindi ko alam kung ay utak at puso sila pero nagagawa nilang umasta na mas makatao kesa sa mga totoong tao…. ayaw nila ng magulo. πŸ˜€

    • naasikaso ko sila ms. joyo pag walang ginagawa..hahaha

      oo nga nao, may utak sila syempre pero wala silang puso pero daig pa ang mga tao sa disiplina. πŸ™‚

  5. Ahaha! Naalala ko lang kasutilan ko nung bata ako. Madalas ko rin burahin yung bakas nila at sigaan sila ng nag-aapoy na pahayagan, kung hindi naman dinuduraan ko sila. Aw, yak. LOL.

    Titser Ani, may tanong lang ako. Ilang uri ba nag langgam? At yung langgam, diba nagkakaruon sila ng pakpak? O langgam pa rin ba yun? πŸ™‚

    • kuya anjong, pareho pala tayong salbaheng bataako din sinusunog ko sila minsan.. hehehe

      maraming uri ng langgam, at sa totoo lang di ko alam ilang species meron sila, pero oo, langgam parin yong nagkakaroon ng pakpak, dumarating ang stage ng maturity nila dun lalao na if soldier ants sila. πŸ™‚

    • o ha! pati si salbe may lesson pang natutunan sa mga langgam..hehehe

      marunong silang lumangoy salbe, yong parang langoy aso.. at tatawagin sigoro yong langoy langgam..hahaha

  6. Naaliw ako Ani! talagang inobserbahan mo ang mga panas sa kanilang mga gawi . Ang hindi ko lang nagustuhan ay yung pinagbibintangan mo ako πŸ™‚

  7. Basta madalas kung napapansin na naghahalikan sila. Lol.

    Interesting Dok Ani, naghahakot din sila ng tubig.

    Paano kung may TB ang naghahakot, mahahawa ang makakainom ng tubig? Lol

    • buti nalang alam ko na bubuyog ang may honey, pero ang pagkakamali ko lang, akala ko yong maliliit na bahay nila may honey din kaya sinubukan naming kunin ayon! nakuha nga namin pero nakagat naman, namaga tuloy kamay ko, buti nga sa kamay yong kaibigan ko sa mukha nakagat, namaga talaga ang mukha nya..tapos lumiit ang mata..hehehehe

  8. yung younger sister ko, trip ang langgam. sabi ko nga sa kanya, baka magaya sya dun sa bata sa movie na ant bully. haha. ikukwento ko sa kanya ang nabasa ko rito. πŸ™‚

    hello, ani. first time ko rito. siguro babalik pa ko para makinig sa mga lessons mo. haha.

  9. Magandang araw, Binibining Ani. Ako’y muling nagbabalik sa mundo ng blogging pagkatapos ng maraming masalimuot na pangyayari hehehe.

    Hmn, sa pagkakaalam ko’y isa kang manggugubat, tama ba ako? So, kasama pala sa pinag-aaralan ninyo ang mga langgam. Ang galing naman. Na-inspire ako. Mamaya, yung mga anay naman sa bahay ang pag-aaralan ko hihihihi. Jowk πŸ™‚

    Hope all s well with you. God bless!

  10. aha! at alam nyo ba na pag namatay ang isang langgam, lagi natutumba sa left side nila? obserbahan nyo.

    alam nyo rin ba na ang mga worker ants ay minimum lang ang sahod pero ang mga soldier ants ay me mga kurakot na milyon milyon?

  11. Ang langgam pag pinutulan mo ng sungay at buntot nagiging aggressive sila, ang demonyo putulan mo ng sungay at buntot demonyo parin.. hehehe

    nakakatawa ang behaviour ng mga langgam marami kang mapupulot na aral minsan naisip maging langgam na lang kesa tao.. πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s