Monthly Archives: July 2011

panaginip lang

Standard

maswerte o malas?

kung ang pinuntahan mo ay may dagat na ganito.

at eto pa.

pero hangang tingin ka lang, anong gagawin mo?

dahil ako gusto ko nang gumulong sa sahig at mag-astang bata para payagan lang makaligo, pero wala! trabaho ang dahilan bakit ka andun.. ayon! hanggang tingin nalang.

pakonswelo de bobo, mamayang gabi pwede kang makaligo sa pool.

at pwedeng abangan ang sunset para sa senti mode.

pero WALA! wala akong napala, pagkalabas ko madilim na, at may gagawin pa daw kami. Ang sarap lang kumanta ng ‘pangarap ka nalang ba’.

inabot na ng alas-dose ng gabi di rin nakaligo sa pool.. itinulog nalang, bukas aabangan naman ang sunrise.

pero fresh from Juaning at back-up si Kabayan, anong mangyayari? ayan! madilim na kalangitan.

kaya parang virtual experience lang lahat. panaginip lang bow!

šŸ™‚

maƱanita

Standard

sa amin pag may birthday normal lang na kantahan ka sa madaling araw, yon ay tinatawag naming maƱanita. Kadalasang ang mga nakakaranas ng maƱanita ay pag umabot ka na sa first year highschool pataas, ang maƱanita ay simbolo na ikaw ay pwede nang i-consider na matanda kaya pag nasubukan mo ito ang sarap lang sa pakiramdam.

mula yata pagkabata sinasama ako ni tatay, ng mga tita at tito pag may maƱanita sila sa isang kaibigan, basta ba kaya kong gumising alas tres ng madaling araw, at syempre ako ang excited, ako pa ang nanggigising sa kanila.

May natandaan pa akong isang kaibigan nila na ka-birthday ko, at dahil hindi pa daw ako pwedeng kantahan dapat sama nalang ako, ako yong taga dala ng bulaklak mula sa kung saang gilid lang ng kalsada nakukuha..hehehe, maswerte if walang aso ang may mga tanim na rosas kase sigoradong ubos ang bulaklak nila.

pero pagsapit ko nung highschool, walang palya, may nagmamaƱita na sakin, mga kaklase ko, kasama kase yata to sa tradisyon ng mag hayscul sa lugar namin. Ang mga kanta ay madalas birthday song tapos may isang espesyal na kanta, yong paborito ng may birthday. Pagkatapos nang kantahan papakainin ang mga kumanta, kadalasang kape, tsokolate o kaya gatas ang inumin tapos mga kakanin na, depende sa nanay kung ano ang iniluto nya. kung maswerte ka, madalas ang mga kumanta ay imbitado din kinagabihan para sa salu-salo ng may kaarawan.

pero higit sa madalas ako talaga ang isa sa mga pasimuno ng maƱanita para sa mga klasmyt ko. Sabi kase ni tatay nakakaganda daw ng boses ang madalas na pagkanta sa madaling araw..pero hanggang ngayon di gumanda boses ko..hahaha

pero ang maganda isa ito sa mga di namin nakakalimutang pag-usapan ng mga kaklase ko pag nagkikita-kita, maraming magagandang nangyari, madalas pag ang kinanatahang kaklase ay walang handa, diretso agad kami sa may dalampasigan, hinihintay ang pagsikat ng araw tapos maliligo sa dagat for thirty minutes, masaya na kami sa ganun.

pero ngayon, ang hinihintay ko na lang ay kakantahan ako ng sinuman sa kaarawan ko, kahit sa selepono lang okay na..hahaha, sigorado na ang isa, si tatay.

šŸ™‚

balik sa dati

Standard

Kapag lungkot-lungkotan ang tao madaling magbasura ng kung anu-anong shit dito sa kwadradong mundo.

Ano nga ba naman ang laban ng keyboard sa mga daliring may isip. Syempre wala. Umaayon lang ayon sa dinidikta ng taong pipindot sa kanya.

At masarap umastang marunong kang magsulat na para bang ang naitipa mo ay malaking tulong para pigilan ang pagbabago ng mundo. Wari baā€™y ikaw ang nakakaalam ng lahat at ang mga babasa ay susunod sa mga sinasabi mo. Syempre likhang isip ko lang yan. Sino ba ako para paniwalaan mo, isang malaking kalokohan minsan na maniniwala tayo sa kung anong nababasa lang. Mas lalo pag iniisip mong kilala mo na agad ang taong nasa likod ng mga salita kase ang totoo, maaring totoo ang sinasabi nya dito o kaya piniling nyang magtago sa mga masasayang salita.

Masarap maging anonymous, at ngayon ko lang naisip yon.

Walang taong dapat i-please kase di ka naman nila kilala.

Pero masaya parin ang makahanap ng ilang taong nagiging kaibigan, mas madaling i-share ang isang parte na di mo naipapakita sa totoong buhay. Mas madaling magpakita ng kahinaan dahil di naman nila alam ano ang role na ginagampanan mo sa istorya ng totoong buhay.

Kaya nga pag nagbukas ang isang tao ng pintuan para masilip mo ang mundong ginagalawan nya, pag-ingatan yon, kase ilang beses na pinag-isipan at sinusubukang pandayin ang hagdanan ng respeto para makabuo ng tiwala.

Namiss kong tumipa ng ganito, promise! šŸ™‚

sa mga kamay ng papel

Standard

May sugat ang kamay ko. Hindi malaking sugat, kunting hiwa lang kaso mahapdi dahil binuhusan ko ng alcohol yon kase ang sabi ng ka-opisina ko.

Ang hindi ko lang talaga matanggap ay ang nakasugat ng kamay ko, hindi tao, hindi kutsilyo at lalong hindi gawa sa metal kundi papel, oo PAPEL..sa lahat-lahat ba naman simpleng bond paper lang kaya na akong sugatan.. walastik!

Nakatanggap pa ako ng kantiyaw sa mga kasama ko, halatang-halata daw na wala man lang mabigat na trabaho akong ginagawa. Kahit anong sabi ko na di totoo ang sabi-sabi na kapag manipis ang mga kamay wala nang trabaho ayaw nilang maniwala, lokohin pa daw sila eh lahat sila matanda na.. kay ok ok! Back-out di na ako makikipag-argumento.

Pero dito, gusto kong sabihin na hindi totoo yon, oo manipis ang mga kamay ko, at umiiwas akong hawakan ng ibang tao ito dahil mabubuntis ako.. joke lang! hehe, iniiwasan kung hawakan ng iba kase alam na alam ko agad ang sasabihin. Isa lang ang masasabi ko, kaya kong patunayang mali ang alamat na pag manipis ang kamay walang ginagawang gawaing bahay.

ikaw, manipis din ba mga kamay mo? BOW!

publikong manggagawa

Standard

Eksaktong isang taon at sampung buwan narin pala ako na nagtatrabaho bilang isang empleyado ng gobyerno, hindi ako nagbibilang para i-selebra na nakayanan ko kung paano maging isang empleyado ng gobyerno pero nagbibilang ako para kumbinsihin ang sarili ko kung sapat na ba ang nakita ko para magsalita, pero kulang pa, yon nga lang may kalayaan tayong sabihin ang gusto nating sabihin kaya yon muna ang pinakamalapit sa katotohang pader na gagamitin ko para sandalan.

Aminado ako na ni sa hinagap hindi ko pinangarap na makapagtrabaho sa isang sangay ng gobyerno, hindi rin naman ako ipokrita para sabihing hindi ko alam ang mga kamalian na lumalabas sa medya,pero saan ako binagsak ng tadhana dito, para sigoro makita ang ibang bagay na hindi nakikita ng mga mata lalo na pag ordinaryo lang tulad ng mga simpleng proyekto na minsan inaakala nating simple lang pero kadalasan buhay na pala ang binubuwis. Ano nga ba ang punto ko? Simple lang nanghihingi ako ng tenga para maintindihan at makita din ang kalahating panig na madalas hindi pinapansin.

Masakit tanggapin ang mga salitang sinasampal ng mga tao para sa mga taong nasa gobyerno, masakit lunukin lalo na alam mong may pagbabago pero hindi man lang binibigyan ng halaga ng iba. Sinasabi ko to HINDI para sa mga politikong madalas nagpapapogi sa harap ng kamera at mikropono ng radyo pero para sa mismong simpleng manggawa ng gobyerno.

Naiintindihan ko na lahat ng tao naghahanap ng pagbabago, karuwagan sa buhay, at kapalit sa mga binabayad ng buwis, at totoo naman na kelangan nating makita ang resulta at mapakinabangan ang parte na binibigay mula sa pawis ng pagtatrabaho, ako rin naman nangangarap tulad mo.

Pero minsan gusto ko namang makita nang iba na sa kabila ng mga katarantaduhan ng mga lider na nasa puwesto may otsenta porsyento pang naiiwan na tahimik na nagtatrabaho. Tahimik na ginagawa ang tungkulin na minsan hindi pa nangalahati ang benipesyo na nakukuha kumpara kung nagtatrabaho sa pribadong kawani.

Pwede mog sabihing na pwede naman kayong umalis dyan, pero ang gusto kong ipakita ay larawan ng mga taong ginustong magsilbi. Kelan ba papansinin ang ganitong senaryo? Madalas tayong naka-abang ng mga maling balita, kibit-balikat pag maganda tapos pag may pagkakamali, ratsada na ang reklamo. Ganun talaga sigoro.

Marami ang nagtatrabaho sa sabado na libre, walang bayad ang overtime pero dahil tanggap na parte ito ng pagiging mangagawa ng gobyerno walang nagrereklamo, magtatanong ako, sino ang papayag na magtrabaho ng walang bayad?

Naniniwala parin akong hindi pa bulok ang sistema ng gobyerno, umuusad parin ito, katulad lang din ito ng pila sa NSO kung lahat ng taong nasa pila ay may disiplina may aarangkada. Wag lang humiling ng magic hijo at hija, walang mahika ang nasa likod ng lamesa.

Aminin man o hindi isa sa gusto natin ay ang agarang may makitang pagbabago pero tanong lang, saan nagsisimula ang pagbabago? Kung tayo mismo hindi nagbibigay ng espasyo para sa pagbabago bakit pa maghahanap diba?ang punto dito, hindi lang ang nasa puwesto ang may responsibilidad, ako, ikaw at lahat ng Pilipino.

Hawak natin ano ang mangyayari, kung titingnan ilan lang ba ang president? Ang bise-presidente? Kumpara sa ilang milyong populasyon ng mamamayan. Tuldok lang sila sa pangkalahatan, kung tatayo ba ang presidente sa kumpol ng milyong-milyong tao makikita pa? hindi diba? Pero ang karamihan ang nagpataas sa kanya para maiupo sa pwesto, ganun ang kapangyarihan ng karamihan.

Bago pa lumihis ang mga sinasabi ko, ibabalik ko ulit sa totoong direksyon ang pagtipa ko. Ang sa akin lang naman ay wag husgahan ang pangkalahatan, responsibilidad ng bawat isa ang anumang salita na lalabas sa kaanya-kanyang bibig, hanggaā€™t hindi pa alam kung ano ang istorya sa likod ng nakikita wag munang magsalita. Bow!