publikong manggagawa

Standard

Eksaktong isang taon at sampung buwan narin pala ako na nagtatrabaho bilang isang empleyado ng gobyerno, hindi ako nagbibilang para i-selebra na nakayanan ko kung paano maging isang empleyado ng gobyerno pero nagbibilang ako para kumbinsihin ang sarili ko kung sapat na ba ang nakita ko para magsalita, pero kulang pa, yon nga lang may kalayaan tayong sabihin ang gusto nating sabihin kaya yon muna ang pinakamalapit sa katotohang pader na gagamitin ko para sandalan.

Aminado ako na ni sa hinagap hindi ko pinangarap na makapagtrabaho sa isang sangay ng gobyerno, hindi rin naman ako ipokrita para sabihing hindi ko alam ang mga kamalian na lumalabas sa medya,pero saan ako binagsak ng tadhana dito, para sigoro makita ang ibang bagay na hindi nakikita ng mga mata lalo na pag ordinaryo lang tulad ng mga simpleng proyekto na minsan inaakala nating simple lang pero kadalasan buhay na pala ang binubuwis. Ano nga ba ang punto ko? Simple lang nanghihingi ako ng tenga para maintindihan at makita din ang kalahating panig na madalas hindi pinapansin.

Masakit tanggapin ang mga salitang sinasampal ng mga tao para sa mga taong nasa gobyerno, masakit lunukin lalo na alam mong may pagbabago pero hindi man lang binibigyan ng halaga ng iba. Sinasabi ko to HINDI para sa mga politikong madalas nagpapapogi sa harap ng kamera at mikropono ng radyo pero para sa mismong simpleng manggawa ng gobyerno.

Naiintindihan ko na lahat ng tao naghahanap ng pagbabago, karuwagan sa buhay, at kapalit sa mga binabayad ng buwis, at totoo naman na kelangan nating makita ang resulta at mapakinabangan ang parte na binibigay mula sa pawis ng pagtatrabaho, ako rin naman nangangarap tulad mo.

Pero minsan gusto ko namang makita nang iba na sa kabila ng mga katarantaduhan ng mga lider na nasa puwesto may otsenta porsyento pang naiiwan na tahimik na nagtatrabaho. Tahimik na ginagawa ang tungkulin na minsan hindi pa nangalahati ang benipesyo na nakukuha kumpara kung nagtatrabaho sa pribadong kawani.

Pwede mog sabihing na pwede naman kayong umalis dyan, pero ang gusto kong ipakita ay larawan ng mga taong ginustong magsilbi. Kelan ba papansinin ang ganitong senaryo? Madalas tayong naka-abang ng mga maling balita, kibit-balikat pag maganda tapos pag may pagkakamali, ratsada na ang reklamo. Ganun talaga sigoro.

Marami ang nagtatrabaho sa sabado na libre, walang bayad ang overtime pero dahil tanggap na parte ito ng pagiging mangagawa ng gobyerno walang nagrereklamo, magtatanong ako, sino ang papayag na magtrabaho ng walang bayad?

Naniniwala parin akong hindi pa bulok ang sistema ng gobyerno, umuusad parin ito, katulad lang din ito ng pila sa NSO kung lahat ng taong nasa pila ay may disiplina may aarangkada. Wag lang humiling ng magic hijo at hija, walang mahika ang nasa likod ng lamesa.

Aminin man o hindi isa sa gusto natin ay ang agarang may makitang pagbabago pero tanong lang, saan nagsisimula ang pagbabago? Kung tayo mismo hindi nagbibigay ng espasyo para sa pagbabago bakit pa maghahanap diba?ang punto dito, hindi lang ang nasa puwesto ang may responsibilidad, ako, ikaw at lahat ng Pilipino.

Hawak natin ano ang mangyayari, kung titingnan ilan lang ba ang president? Ang bise-presidente? Kumpara sa ilang milyong populasyon ng mamamayan. Tuldok lang sila sa pangkalahatan, kung tatayo ba ang presidente sa kumpol ng milyong-milyong tao makikita pa? hindi diba? Pero ang karamihan ang nagpataas sa kanya para maiupo sa pwesto, ganun ang kapangyarihan ng karamihan.

Bago pa lumihis ang mga sinasabi ko, ibabalik ko ulit sa totoong direksyon ang pagtipa ko. Ang sa akin lang naman ay wag husgahan ang pangkalahatan, responsibilidad ng bawat isa ang anumang salita na lalabas sa kaanya-kanyang bibig, hangga’t hindi pa alam kung ano ang istorya sa likod ng nakikita wag munang magsalita. Bow!

Advertisements

8 responses »

  1. Ang sabi ng aking isang mabuting kaibigan na nagtatrabaho mismo sa Malacanang, subukan daw ng mga pribadong empleyado na magsilbi at magtrabaho sa gobyerno para maranasan kung paano magtrabaho doon.
    Humihingi ako ng paumanhin kong isa ako sa mga mapanghusga at umaasa nang agarang solusyon sa gobyerno. Marahil napakalaki ng impluwensiya ng midya sa imaheng inilalarawan sa ating mga publikong manggagawa.

    Maraming salamat sa iyong mensahe Ani. Tinatanggap ko nang may malawak na pang-unawa na 80 percent pa ang mahusay at nagmamahal sa bayan ang nandiyan sa hanay ninyo.

  2. tomo! ang hirap kasi sa mga taong di nagtatrabaho sa gobyerno, napakaraming reklamo. pwedeng valid, pwede ring hindi. pero kung bubusisiin mo talaga ang kasalukuyang kalakaran ng pamahalaan, tingin ko naman eh sinsero sila sa pagtupad ng tungkuling iniatang sa kanila. mas mabuti siguro kung ‘yung mga nagrereklamo eh meron ding ginagawa para matugunan ‘yung problemang kinakaharap. mismo!

    mabuhay ka anini! nawa’y paghusayan mo pa ang iyong tungkulin bilang isang huwarang empleyado ng gobyerno. XD

  3. aktibista ako. pero di tulad ng mga nag-iingay at nagkakalat sa kalye. reklamador ako. pero di lang naman puro salita. hindi ko rin naman hinuhusgahan ang kabuuang sistema ng gobyerno, kung hindi ang namamahala nito.

    bulok ang sistema pot-pot. pero hindi pa naman tuluyang nagiging alabok. nadadamay lang kayo. mapipigilan pa naman ang pagkabulok kung may pesticide na pwedeng panlaban sa mga ganid at sakim na nanunungkulan. mga hayop sila, mga peste. eh di sana naging progresibo at namumunga ng papuri ang bawat sangay sa bawat bunga ng dugo at pawis ng simpleng mangagawa.

  4. hello, ani!

    marami-raming taon rin akong nagtrabaho sa gobyerno at malamang, magta-trabaho pa…

    tama ka, ‘neng. masyado kasing politicized ang bureaucracy ng civil service dito sa atin. hindi rin kasi pwedeng purely administration of programs lang ang gawin. at some level, kailangang may pagka-politiko ang nasa itaas ng agency dahil pag hindi, aapihin, hindi papansinin at kakawawain ang ahensya ng iba pang ahensya at sangay na teeming with politikos rin.

    ang problema roon, pag nai-institutionalize ang politics bilang foremost concern ng agency at nanganganak na ng inefficiencies, sipsipan at corruption, doon nagiging norm ang low productivity at nare-relegate sa background ang mandate which is public service. sana.

    marami nang moves na naumpisahan para paghusayin at pataasin ang quality of service ng gobyerno. subalit ang ikatatagumpay ng mga ito ay nakasalalay rin sa kung gaano lalaganap ang honesty at professionalism sa ibang aspeto ng buhay natin as a people.

    kumbaga, kung bulok at tiwali ang lipunan, mahinang klaseng politika rin ang mayroon ito at sa gayon, hindi rin primera klase ang burukrasya ng pamamahalang malilinang natin.

    may mga masisipag at tapat sa gobyerno na tinatalo noong mga husto sa sipsip, porma at pag-take ng credits. medyo gano’n nga ‘ata… 🙂

  5. Bigla naman akong nanliit sa mga sinabi mo Aninipot! LOL!

    Mahilig din kasi akong mag dadakdak, magsermon, o pumuna ng mga pagkakamali ng mga naka puwesto pero wala naman akong kongkretong solusyon na maibibigay bilang isang mamamayan. Don’t worry, nabawasan na iyan mula ng mag trabaho ako dito sa disyerto. Hindi naman sa wala na akong pakialam, siguro naging mapag unawa na lang ako. Tama si Lio na may istalker, mas mainam yatang kumikilos habang nagsasalita. .

  6. Pagsinabing “government employee” hinding-hindi mapipigilan ang bibig ng tao. Akala nila “alam na nila ang lahat” pero hindi naman talaga nila naranasan na makapagtrabaho sa gobyerno.

    Isang retiradong pulis ang tatay pero kahit kelan hindi n’ya kami pinakain ng galing sa madumi.mas gugustuhin panun magdil-dil ng asin kesa magnakaw

    ah! basta ayoko ng pahabain pa ang sasabihin ko.

    sa mga tapat na tauhan ng gobyerno. saludo ako sa inyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s