sa mga kamay ng papel

Standard

May sugat ang kamay ko. Hindi malaking sugat, kunting hiwa lang kaso mahapdi dahil binuhusan ko ng alcohol yon kase ang sabi ng ka-opisina ko.

Ang hindi ko lang talaga matanggap ay ang nakasugat ng kamay ko, hindi tao, hindi kutsilyo at lalong hindi gawa sa metal kundi papel, oo PAPEL..sa lahat-lahat ba naman simpleng bond paper lang kaya na akong sugatan.. walastik!

Nakatanggap pa ako ng kantiyaw sa mga kasama ko, halatang-halata daw na wala man lang mabigat na trabaho akong ginagawa. Kahit anong sabi ko na di totoo ang sabi-sabi na kapag manipis ang mga kamay wala nang trabaho ayaw nilang maniwala, lokohin pa daw sila eh lahat sila matanda na.. kay ok ok! Back-out di na ako makikipag-argumento.

Pero dito, gusto kong sabihin na hindi totoo yon, oo manipis ang mga kamay ko, at umiiwas akong hawakan ng ibang tao ito dahil mabubuntis ako.. joke lang! hehe, iniiwasan kung hawakan ng iba kase alam na alam ko agad ang sasabihin. Isa lang ang masasabi ko, kaya kong patunayang mali ang alamat na pag manipis ang kamay walang ginagawang gawaing bahay.

ikaw, manipis din ba mga kamay mo? BOW!

Advertisements

34 responses »

  1. nakakarelate ako sau kasi nasugat din ang daliri ko kahapon. in my case, nagasgas lang ata sya sa magaspang/matalim na parte ng payong ko. hindi sa bakal kundi sa tela ng payong. hindi rin ako naniniwala sa lintek na alamat na yan. booo! haha!

  2. aguy, ang sakit nga ng paper cut….

    alaga lang siguro yung sa’yo sa moisturizer kaya ganyan..

    kasabihan talaga ng matatandang bulaan, hanggang ngayon eh ke dmi pang naniniwala.. :))

    • talagang masakit mads.

      naku! di ko afford ang moisturizer, gawgaw lang ang gamit ko.ahahahaha

      korek! ang dami nilang paniniwala, at mahirap kontrahin kaya tango nalang para walang gulo. 😀

  3. hello, ani!

    naku, ilang beses na akong nakaranas masugatan ng bond paper – ansakit, pramis!

    hindi totoo ‘yang alamat na ‘yan. may kapatid akong walang kagawa-gawa sa bahay at sa opis naman ay sign pen at keyboard lang ang nahahawakan nya. pero, ang siste, ang gaspang ng kamay nya. talo pa ang kamay ng naghahalo ng semento, ahaha… btw, hwag nyo akong isusumbong, ha? 🙂

  4. Dumating din ako ng disyerto na super nipis ng balat sa palad, hanggang ngayon naman ganun pa rin siya, mukha kasi ang kumapal sa akin dito letch! Dyuk!

    Bwahahaha. Musta na Anini?!!!

  5. hi 🙂

    nagiging manhid na sa kirot ng pagkasugat ang aking mga kamay. unti unti na ring kumakapal ang kalyo bunsod ng pag hahalo ng semento at pag lilinang ng lupa… magkagayun man, masaya parin ako.

    subalit minsan o kadalasan, ang mas higit na ikinakainis ko ay kung sa pagpasyal sa palayan ay na halasan ng damo ang king binti. kapag nagkaganun, mag sisimula ng kumati at ang lekat habang kinakamot lalo pang kumakati hehehehe

    pagkatapos kamutin ang sarap buhusan ng alkohol… ang hapdi pero masarap sa pakiramdam…, pansamantalang naglalaho ang kati.

    lintik na kati talaga yan!! 😛

    • ahahaha, kati pala kalaban mo, ako din ayoko nyan, dati pag nagfifield kami namumula mga kamay ko pag nasasagi sa mga damong di ko alam, nakakatawa kase mangugubat ako tapos ang dami kong allergy pagdating sa mga halaman.

      pero di ko nalang kinakamot, tinitiis ko lang o kaya longsleeve talaga ang suot at may dalang alcohol kahit saan.

      • anne, naglalaba ako at naghuhugas ako ng pinggan promise!..haha

        pero may ugat narin na lumalabas sa kamay ko, adik din kase ako sa hugasan ng kamay plus kahit pagod nakakalimutan kong hindi humawak ng tubig.

  6. masakit nga raw pag na-paper cut. pero ako, hindi ko pa nasusubukan. at ayokong subukan.

    mas okey na ‘yan, ani, kesa ‘yung puso mo naman ang masugatan. ako na ang chumi-cheezwhiz! XD

  7. sensitive ang skin mo pot. nangyari na yan sa akin. so sensitive din skin ko. lol.

    kung sino man humawak sa kamay mo siya na dapat yun at walang ng bitawan pa. 😀

    • hahaha, mabuhay ang mga sensitive ang skin!

      ang totoo, sugat-sugat parin kamay ko dahil naglinis kami ng bahay, parang hindi ko na matnaggap na pati brush nasusugatan na ako..huhuhu

      naks! banat yan pero gustong gusto ko, pag pinahawakan ko na, sana wala nang bitawan. 🙂

  8. nasugat na rin ang daliri ko sa isand coupon bond, manipis ang sugat pero masakit, hinidi ako naniniwala sa kasabihang pag manipis ang kamay, walang alam sa gawaing bahay, kasi ako halos lahat gumagawa sa bahay, paglalaba, pagluluto at paglilinis…. kaya ko rin sa construction at pag-aayos sa bahay. pero teka, bakit nasugat ng coupon ang kamay ko? manipis din ba?

    • agree! hindi talaga sukatan ang pagiging manipis ang palad if masipag ba o hindi ang tao.

      teka lang po ha! seminarian ka or full pledge priest na?.. takot na ako sa mga seminarian eh!..hehehehe, joke lang po.

      🙂

  9. hello, anini! kamo ay magsusulat ka kaya takbo ako paparto’t nang makasilip. aba’y asan na? but lo and behold! newly-renovated ang bahay… kailan ang blessing? anu-ano ang mga handa? at, anyayahan mo naman me… 🙂

    btw, pag papangitan ng kamay ang usapan, i’ll win the competition hands down, ahaha! pero you’re right, ang pagkakapangit kong mga kamay ay sensitive, kainaman! tsaka, hindi rin nhihirapan ang nurse na kabitan ako ng swero, ahaha…

    hala, andami na yatang gustong mag-hold ng hands ni anini, uyyy… 🙂

    • ahahaha, natatawa naman ako sa sinasabi nyong maraming gustong humawak ng kamay ko.

      kakapost ko lang po, ngayon lang..hehehe

      di pa nga tapos ang pag-renovate, di ko pa maikabit ng maayos ang gusto kong header pero sa ngayon yan nalang muna, gusto ko kase ng maaliwalas na bahay ngayon.

  10. Ano po pangtanggal s mgaspang n kamay at nagkaka kalyo din. Araw araw ako naglalaba ng mga damit namin ng mga anak ko. All around po trabaho ko din dto s bahay namin. Wala po akong kasambay. Pano po mawawala ang pagiging magaspang at mkalyong kamay ko?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s