balik sa dati

Standard

Kapag lungkot-lungkotan ang tao madaling magbasura ng kung anu-anong shit dito sa kwadradong mundo.

Ano nga ba naman ang laban ng keyboard sa mga daliring may isip. Syempre wala. Umaayon lang ayon sa dinidikta ng taong pipindot sa kanya.

At masarap umastang marunong kang magsulat na para bang ang naitipa mo ay malaking tulong para pigilan ang pagbabago ng mundo. Wari ba’y ikaw ang nakakaalam ng lahat at ang mga babasa ay susunod sa mga sinasabi mo. Syempre likhang isip ko lang yan. Sino ba ako para paniwalaan mo, isang malaking kalokohan minsan na maniniwala tayo sa kung anong nababasa lang. Mas lalo pag iniisip mong kilala mo na agad ang taong nasa likod ng mga salita kase ang totoo, maaring totoo ang sinasabi nya dito o kaya piniling nyang magtago sa mga masasayang salita.

Masarap maging anonymous, at ngayon ko lang naisip yon.

Walang taong dapat i-please kase di ka naman nila kilala.

Pero masaya parin ang makahanap ng ilang taong nagiging kaibigan, mas madaling i-share ang isang parte na di mo naipapakita sa totoong buhay. Mas madaling magpakita ng kahinaan dahil di naman nila alam ano ang role na ginagampanan mo sa istorya ng totoong buhay.

Kaya nga pag nagbukas ang isang tao ng pintuan para masilip mo ang mundong ginagalawan nya, pag-ingatan yon, kase ilang beses na pinag-isipan at sinusubukang pandayin ang hagdanan ng respeto para makabuo ng tiwala.

Namiss kong tumipa ng ganito, promise! πŸ™‚

17 responses »

  1. hala, naunahan akong mag-base ni kulisap. ang daya naman kasi, may pakpak na, may dala pang liwanag. oo, related kayo ni anini, nakakalipad at may dalang flashlight sa ulo, ahaha…

    kakasabi ko lang na antay ko ang post, biglang andyan na? parang simbilis sa fastfood, ahaha!

    kumustamos, anini? πŸ™‚

      • hala, ani! in-estima ko tuloy ang gravatar ni kulisap sa itaas… may ilaw sya, nasa bandang forehead, kamukha ng flashlight ng miners na lumulusong sa ilalim ng lupa…

        tapos, may bylines palang nalalaman ang mokong – waxing philosophic na nationalistic, di ko maintindihan, ahaha…. peace, jkul! πŸ™‚

        ano pala ang pakiramdam ng may ilaw sa pwet? parang laging may iha-hatch? πŸ™‚ napaisip lang… πŸ™‚

  2. Minsan mas masarap mag share sa mga taong hindi mo naman talaga personal na kakilala. May nakilala akong tao noon sa pag gagala ko na parang matagal ko ng kilala, sabay kaming kumakain at namamasyal, kakwentuhan ng maghapon tungkol sa mga personal na bagay pero pagkatapos ng kamayan at akapan sa airport para sa paghihiwalay ay hindi ko na ulit nakita, nakausap, o nakasulatan man lang. Ang alam ko taga Austria siya at katatapos lang ng kolehiyo ng magkakilala kami, di siya kumakain ng isda tulad ko at ulila na siya sa ama, mahilig sa aso, at mahilig kumain ng pizza; may GF siyang mas may idad sa kanya na ang pangalan ay Marta πŸ™‚

    • ninong ang tawag nun ay friends on the road.. hanggan dun lang kase pag labis dun ang pagkakakilala nyo magkakaroon ng complications.

      at kinuwento pa dito pati pangalan ng GF ha..ahahahaha!

      • friends on the road? paano kung sa cruise ko siya nakilala? edi friends on the ocean ko siya? parang tiny bubbles lang lels. Tama! pag sumubra ang share baka ma-blackmail ka pa hahaha

        • ahahaha, korek! ma-blackmail talaga, at ubos ang kayaman mo ninong ok lang kong katawan mo ang kailangan..hahahaha

          talagang ayaw patalo ha! ikaw na ang bahalang magpangalan if saan mo sila nakilala pwede ring friends on the train or friends on the plane..bwahahaha

  3. ako, ani, hindi na anonymous. hahaha!

    teka lang. double-check ko lang baka magkamali ule ako. ikaw si ani di ba, hindi si lian? lol!

    masarap magsulat nang hindi ka kilala kasi kapag nagkwento ka, walang inhibitions. ano nga naman ang magiging pakialam nila sa’yo eh hindi ka naman nila kilala? mas okey pa ‘yung ibinabato nilang two-cents’ shit patungkol sa kung anu-anong shit ng buhay mo kasi hindi ka nga nila kilala. pag hindi ka nila kilala, wala silang pagsasaalang-alang sa kung anumang relasyon meron ka sa kanila. hindi sila biased kaya masasabi nila lahat ng gusto nilang sabihin ke matamaan ka o hindi sa mga payo nila.

    ‘yun lang naman, ani (hindi lian, lol!).

    • so far naman di mo pa ako tinawag na lian, ang madalas si lian ang tinatawag mong ani..hahaha!

      oo nga hindi ka na anonymous, kelangan lang pala ng stalker para lumabas ng lungga.. buti nalang di ako maganda kaya walang pwedeng mag-stalked..ahahahaha

      talagang masarap magsulat na walang nakakakilala sayo, ayoko sanang sabihin pero simula ng mas personal na ang pagkakilala sa mga blogger mas mahirap ng magtapon ng kung anu-ano dito , madalas nag-iisip na sa pwede nilang sabihin, kaya maswerte parin yong mga magaling magpaka-invisible. πŸ™‚

  4. Hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa binasa ko kaka-admire sa bago mong theme! Basta may nakapagsabi sa akin na mas mahirap nga ang maging anonymous blogger. Mas namamagnify ang kabalahuraan.

  5. hello, ani!

    gusto ko ang pamagat ng post, gusto ko ang bagong tabing ng bahay at ang bagong ambience dito sa iyong halamanan, ahaha…

    nakow, magpapaniwala ka ryan sa anonymity-anonymity na ‘yan?… unang-una, ang blogger host ang unang umaabuso dyan sa lisensyang yan – dahil akala nya ay anonymous sya, may i sabi sya ng sabi ng kung anu-ano sa blog. before long, naipakilala nya na ang sarili nya, haha…

    pangalawa, kung magaganda ang kanyang kwento, siyempre, may mga magiging interesado sa pribado nyang buhay, naman…so, ayon, mapipilitan na sya ngayong magdagdag sa pakilala nya – dapat meron nang personal touch, ika nga. so, ayon, si anonymity ay gumagawi papunta kay intimacy. kaya ‘yon, naipapanganak si beautiful mess, hihi… πŸ™‚

    kumusta? naka-settle ka na ba sa lagay na ‘yaan? messy pa? πŸ™‚

  6. hello, ani!

    gusto ko ang pamagat ng post, gusto ko ang bagong tabing ng bahay at ang bagong ambience dito sa iyong halamanan, ahaha…

    nakow, magpapaniwala ka ryan sa anonymity-anonymity na ‘yan?… unang-una, ang blogger host ang unang umaabuso dyan sa lisensyang yan – dahil akala nya ay anonymous sya, may i sabi sya ng sabi ng kung anu-ano sa blog. before long, naipakilala nya na ang sarili nya, haha…

    pangalawa, kung magaganda ang kanyang kwento, siyempre, may mga magiging interesado sa pribado nyang buhay, naman…so, ayon, mapipilitan na sya ngayong magdagdag sa pakilala nya – dapat meron nang personal touch, ika nga. so, ayon, si anonymity ay gumagawi papunta kay intimacy. kaya ‘yon, naipapanganak si beautiful mess, hihi… πŸ™‚

    kumusta? naka-settle ka na ba sa lagay na ‘yaan? messy pa?

Leave a reply to aninipot Cancel reply