mañanita

Standard

sa amin pag may birthday normal lang na kantahan ka sa madaling araw, yon ay tinatawag naming mañanita. Kadalasang ang mga nakakaranas ng mañanita ay pag umabot ka na sa first year highschool pataas, ang mañanita ay simbolo na ikaw ay pwede nang i-consider na matanda kaya pag nasubukan mo ito ang sarap lang sa pakiramdam.

mula yata pagkabata sinasama ako ni tatay, ng mga tita at tito pag may mañanita sila sa isang kaibigan, basta ba kaya kong gumising alas tres ng madaling araw, at syempre ako ang excited, ako pa ang nanggigising sa kanila.

May natandaan pa akong isang kaibigan nila na ka-birthday ko, at dahil hindi pa daw ako pwedeng kantahan dapat sama nalang ako, ako yong taga dala ng bulaklak mula sa kung saang gilid lang ng kalsada nakukuha..hehehe, maswerte if walang aso ang may mga tanim na rosas kase sigoradong ubos ang bulaklak nila.

pero pagsapit ko nung highschool, walang palya, may nagmamañita na sakin, mga kaklase ko, kasama kase yata to sa tradisyon ng mag hayscul sa lugar namin. Ang mga kanta ay madalas birthday song tapos may isang espesyal na kanta, yong paborito ng may birthday. Pagkatapos nang kantahan papakainin ang mga kumanta, kadalasang kape, tsokolate o kaya gatas ang inumin tapos mga kakanin na, depende sa nanay kung ano ang iniluto nya. kung maswerte ka, madalas ang mga kumanta ay imbitado din kinagabihan para sa salu-salo ng may kaarawan.

pero higit sa madalas ako talaga ang isa sa mga pasimuno ng mañanita para sa mga klasmyt ko. Sabi kase ni tatay nakakaganda daw ng boses ang madalas na pagkanta sa madaling araw..pero hanggang ngayon di gumanda boses ko..hahaha

pero ang maganda isa ito sa mga di namin nakakalimutang pag-usapan ng mga kaklase ko pag nagkikita-kita, maraming magagandang nangyari, madalas pag ang kinanatahang kaklase ay walang handa, diretso agad kami sa may dalampasigan, hinihintay ang pagsikat ng araw tapos maliligo sa dagat for thirty minutes, masaya na kami sa ganun.

pero ngayon, ang hinihintay ko na lang ay kakantahan ako ng sinuman sa kaarawan ko, kahit sa selepono lang okay na..hahaha, sigorado na ang isa, si tatay.

🙂

Advertisements

27 responses »

  1. Ang saya naman nyan Ani. Parang harana sa madaling araw. Siguradong hindi mo maisisikreto na birthday mo dahil wala naman control yung volume ng mga kumakanta.

    Isang magandang umaga!

  2. Mayroon din bang manañito Ani? Parang gusto kong maranasan na kinakantahan ako sa birthday ko.

    Ngayon sasapit ang iyong kaarawan, mayroong bang kantahang magaganap?
    Magandang araw sa’yo Ani.

  3. wow! ang sarap malaman ang mga ganitong kultura na patuloy pa ring isinasabuhay. saan po ang lugar mo if i may ask?

    at oo, maligayang kaarawan sa iyo! 🙂

  4. aniPOTPOT. ngayon ko lang nadinig ang manianita. kainaman. nakakatuwa na malaman na may ganito palang tradisyon. at ganun pala yaon, nakakaganda ng boses ang pagkanta sa madaling araw. maitry nga yan. lol.

    Maligayang Kaarawan sa’yo Ms. Forester aniPOTPOT.

  5. haha! like ko ‘to. ‘yon pala ‘yon…

    teka, pa-erase naman ako ng (unang copy) comment ko sa post mong balik sa dati. nadoble pala kasi ang huli kong komento. teynks.

    pangalawa, pakibulong sa ‘kin kung kelan ang kaarawan ng alitaptap dyaan. papakantahin ko si tapa, ilalagay ko sa MP3 at ise-send ko sa yo ng alas-tres ng madaling-araw. haha, pwede ang gano’n? 🙂

  6. naiinggit ako.haha. malungkot kasi ang high school life ko. nung 4th year lang sumaya. Tong probinsya kasi namin sinasakop na rin kasi ng urbanisasyon kaya wala akong alam sa ganyan. akina number mo tawagan kita sa bday mo.:D

  7. wow! ngayon ko lang ‘to nalaman. may natutunan akong bago ngayon. hehe. gusto mo bang i-mañanita kita ng bahay-kubo anini? english version! loljoke! sa beerday ko, gusto ko ring i-mañaniita mo ‘ko. :p

  8. naalala ko yung huling mañanita na sinamahan ko. pa surprise epek pa daw kami eh maling bahay ang pinag-ngawaan namin. hinabol pa kami ng mga aso. ahahah. ang namemorize ko na sanang kanta eh biglang nawala sa isip ko nung kumaripas kami ng takbo.

    ehem.

    bukas na nga pala.

    happy birthday bunso, kung andyan lamang si ate eh…andyan talaga siya. haha.

    sana eh, matupad na natin yung pangarap nating makalipad at makipaghabulan sa gubat suot ang mahiwagang bayolet na boyleg.

    yaan mo, magpapraktis ako mamya.
    bibiritan kita bukas ng “baby” 😆

    happy birthday nen! mwah

    • wahahaha, nasubukan ko rin yan ate k, once tapos pinagbukasan naman kami ng bahay kaso natatawa yong nagsabi na sa kabilang bahay yong may birthday…ahahaha

      salamat ate k!

  9. Wow may Mañanita pa talaga (ano raw?)

    Ang alam ko lang pag bertdey may party at inuman na magdamagan lels.

    Happy Birthday Anini, sana magkasyota ka na! haha

  10. This is “Las Mañanitas”
    that King David sang
    to the pretty girls;
    As we sing them to you.
    Wake up, my love, wake up.
    Look at what has dawned,
    Already the little birds are singing,
    The moon already went in.

    How pretty is the morning
    In which I come to greet you.
    We all came with pleasure
    and joy to congratulate you.
    On the day you were born
    All the flowers were born.
    At the baptismal font
    The nightingales sang.

    It is starting to be dawn,
    The day has given us light.
    Get up in the morning,
    Look at what has already dawned.

    I would like to be a little sunlight
    To go in through your window
    And tell you “HAPPY BIRTHDAY”
    While you’re lying in your bed.
    I would like to be Saint John,
    I would like to be Saint Peter,
    In order to come sing to you
    with music from heaven.

    With jasmine and flowers
    Today I come to greet you,
    Today being your Saint’s day,
    We came to sing to you.

    nakakamiss naman!!! ginagawa namin to sa kumbento gabi pa lng kanya kanya na kaming hanap at pitas at ayos ng bulaklak para sa magbibirthday kinabukasan tapos tama ka 3am nga ang gising para kantahan ang may birthday…

    namimiss ko ng kantahan ako ng ganyang 😦

    HAPPY HAPPY BIRTHDAY ANI at tulad nga ng sabi ni WP SANA MAGKASYOTA KANA!

    • anne! di ko alam yang kantang yan, ang alam ko lang yong “how beautiful is the morning”. at madami paa pala..hahaha

      naks! bakit pareho kayo ng wish ni ninong?..hahaha

  11. Ngayon ko lang din narinig ang mañanita. nice. parang hindi tatay mo ang tatawag sa iyo at kakanta. Gusto mo may ibang kumanta sa iyo? Yung talagang gigising sa iyo. Ako. Tsarot!

    Happy Birthday Aninipot! Kung kelan man yang birthday mo.

  12. magandang tradisyon yan… uso pa rin ba yan sa inyo? 😀

    sa amin kasi iba ang tradisyon kapag may beerday… sa madaling araw din naman nagkakantahan pero di katulad ng mañanita na kape, mainit na tsokolate ang inumin… sa amin alak. LOL

    bakit wish nila magkasyota ka? diba boyfriend mo si ano….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s