kurot

Standard

parang ang ganda lang ng pagtatapos ng araw, natapos ng maaga ang trabaho, nasabihan pa ng good job ng boss. Nagmamadaling umuwi para kumain ng ice cream sa ref.

pagkasakay sa jeep, may nakatabi pang mag-asawang may kalong na sobrang cute na bata.. ang sarap ng ngiti.

pasabay-sabay pa sa kanta na pinapatugtog ni mamang driver tapos biglang AWWWWW! may kumurot ng sobrang nipis sa kamay ko, at lahat ng mga mata ng pasahero napatutok sakin. Ang sarap lang magmura, pero ang kumurot ay ang mala-anghel na batang di pa yata nag-isang taon…Hahaha! ang sarap lang kutusan kung di lang sya cute.

Di ko alam kung mangingiti lang o hahagalpak ng tawa pagkababa ng jeep, ang unang reaksyon ko kase ay bulyawan sana ang nangurot kaso bigyan ka ba naman ng sobrang cute na ngiti.. tunaw ang inis mo..ahahaha! pasaway na baby! pero kung lahat ng tao sigoro ganun ka-cute malamang walang away sa mundo..bow!

Advertisements

22 responses »

  1. Sana nga, sana nga cute lahat ng tao sa paligid…para wala nang nagpapa-cute hihihihi 🙂

    Magandang araw, Binibining Ani 🙂 Nawa’y makabalik ka na sa iyong pobinsya para hindi mo na ito ma-miss 😉

  2. masaya ako dahil masaya ang araw mo. marami pa sanang masasayang araw ang dumating sa’yo at sana din, magkaroon ka ng baby na kasing cute ng kumurot sa’yo.

    bow.

  3. sana kinuhanan mo ng picture, ani. mahilig din ako sa cute na bata. sa mall, pag nagdi-date kami ni dude, kapag may nakita akong baby kumakaway at nginingitian ko. hangcuuuuuuuuuutttteeee eh!

    re: panaginip lang

    sang parte ba ‘tong resort na ‘to? gusto ko ring mag-relak. o_O

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s