ikaw, ako

Standard

Tingnan natin ang mga bagay sa simpleng paraan
Ikaw bilang ikaw, at ako bilang ako
Kung ang koneksyon ay mapuputol sa dulo
Ikaw ay ikaw parin, ako ay ako parin
Mga pagbabago ay may dahilan
Di man maintindihan
Bukas may sagot sa katanungan
Lahat ay kukupas
Dahil panahon ay lilipas
Walang natatanging perlas
Dahil ang mundo ay umiikot na walang katapusan
Ikaw ay ikaw, ako ay ako
Lahat man tayo ay tatakbo
Sigoradong mamamahinga din tayo sa dulo.

_______________________________________________________

ang larawan ay kuha sa Mt. Balatukan Range kung saan kahit tirik ang araw mas gugustuhin mong kumain ng tanghalian sa may araw dahil sa sobrang lamig..hahaha

Advertisements

16 responses »

  1. wow, napatula.

    hindi mahalaga yung pagkakaiba o pagkakatulad ng ikaw at ako hanggat kilala natin ang pangalan ng isa na may kaakibat na respeto at paggalang sa kaibahang iyon at pagkakatulad.

    magandang araw, tinkerbell!

      • hello, ani. pampasaya lang ito habang ikaw ay nagpapaka-busy sa budget hearing preps…

        ei, di ba may poem na sabi’y “you are you and i am i, and if by chance, we find each other, it’s beautiful.” mga gano’n…

        bakit parang sa tula mo ay walang intersection, parang parallelel longings lang? bakit???

        kaya malalim… gawan mo kaya ng second part, huh? tonong on the other hand, whehe.. 🙂

  2. ikaw ay ako ay siya ay iisa. nanggugulo lang, ani. hehe. ikaw na ang magaling magsulat ng tula, ani. at parang gusto kong mag-trekking diyan sa mt. balatukan niyo. XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s