Ok na ako :)

Standard

Hi!

Nag thank you ba ako nung huling beses tayong nagkita? Parang hindi, good night lang yata sinabi ko at di na ko lumingon.

Pero nakita kita na umakyat sa bus na sinakyan ko, tsinek mo saan ako nakaupo, haha! Pasensya naman antok na antok na ako, masarap ka kasing unan.

Natuwa ako nang makita ka promise! Kahit muntik na kitang murahin dahil akala ko may siraulong gustong gawing basketball court ang bintana ng bus kung saan ako umupo. Oo, ikaw na ang kakaibang kumuha ng atensyon.

Nasabi ko bang sumagi sa isip ko na sana magkita tayo sa bus terminal at kahit kunting panahon lang na magkausap, may gusto lang akong malaman.

Pero pag nagkatotoo pala ang hiling, nakakagulat parin, sa tingin ko pareho tayo ng reaksyon, andun yong di makapaniwalang napang-abot tayo doon. Mabuti na nga lang ikaw unang nakakita sakin dahil malamang pag ako, tumakbo na at pinagtaguan ka.. peace!

Totoo yong sinabi kong ok na ako, na pwede na tayong sabay lumakad pero sa magkaibang direksyon.
Alam ko namang walang happy ending, atleast may alaalang pwedeng balikan.

Sino kayang aayaw sa nagbibigay sorpresa sa birthday, kahit pasulpot-sulpot lang na parang kabute, ang importante di mo nakalimutan espesyal na araw ko. Alam ko namang nakakulong ang oras mo.

Naalala mo ang pasko na magkasama nating pinanood ang sunset, kasal yon ng pareho nating kaibigan, biniro pa kitang ikaw ang magkakasal sakin. Haha!

Totoo, masaya akong makita ka ulit, alam ko hindi yon ang huling beses na pagkikita, pero wag kang mag-alala walang pipigil sa tawag nang pupuntahan mo.

Wala na at tanggap na.

At masaya akong may nakilalang tulad mo.

Mwuah!

Advertisements

8 responses »

  1. so ito na pala yung conclusion ng ‘a love story that was never meant to be’ ninyo ni father. hahaha!

    kahit magkaibang dereksiyon na yung pupuntahan ninyo, andami pang crossroads ng buhay kung saan, maaaring magkita kayo ulit. the beautiful things is you can always look back on many happy memories na magkasama kayo without a lump in the throat.

    kamusta na aninipot? glad you find time to write again. ingat!

  2. eto na lang. pumunta ka sa simbahan niya, mangumpisal ka, tas bigla mo siyang sunggaban at i-lips to lips. loljoke!

    ‘yung totoo? ramdam ko ‘yung sinserong pagtanggap at pagpapaubaya sa takbo ng tadhana. hugs and kisses na lang, ani. XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s