pagtipa

Standard

Bakit nga ba ang hirap ng tumipa? mailap na ang mga salita, kusa na silang lumalayo, umiiwas na parang may mga isip. kung pwede nga lang ikulong sila sa mga palad at isa-isang pagtagpi-tagpiin. pero kahit naman maipon sila, di parin mabuo ang gustong sabihin.

lumulutang at humuhulagpos na sa mga kamay, umiikot hindi ayon sa kontrol ng may hawak, kulang narin sa emosyon at sagad na ang kulay sa mga ibabahaging kwento.

tapusin ko lang to magsisimula ako ulit.

o bakit? may kasunod pa, tinapos ko ngayon at sisimulan ko rin ngayon mismo. bow!

Ubos na yata ang pwedeng i-kwento, inabot na ng katamaran para mag-isip. Dumating na sa puntong gustong humiling na sana ay sakupin muli ng imahinasyon ang isip upang magsilbing baterya para tumipa ulit.

at bigla akong tinanong ni boss bakit ang lalim daw yata ng iniisip ko? haha! wasak ang momentum ng pananaginip ng gising.

hindi na talaga madali ang pagtipa, mas lalo pag sinubukan ng lagyan ng mukha ang nasa likod ng mga salita.

Advertisements

7 responses »

  1. hello, anini… miss kita, girl. ikaw na ang busy at gala! ๐Ÿ™‚

    masaya ako sa pagbabalik mo sa blogosphere. mahusay pa rin ang iyong keyboard na nag-aapuhap pa ng sasabihin. hamo at pag nakailan, makukuha uli ang sigla at mabubuo ang mga inspiradong linya.

    kailan ka uli magba-bloghop, ani? ahaha! may post ako sa site ni superlolongpinoy… ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s