pagsubok nga ba?

Standard

ilang beses ko nang napatunayan na wala sa mga kamay natin ang mga nangyayari, minsan punong-puno tayo ng mga plano na nalulusaw nalang bigla, napapalitan pa minsan ng takot, kaba at minsan walang tamang terminong pakiramdam dahil nagrambolan na sila sa loob.

inexplore ko ang Pagadian City walang kasama, sumakay sa mga kakaibang tricycle at umikot dun na lakas lang ng loob lang ang dala, unusual ang trip na yon dahil kadalasan may kasama akong driver pag official travel dahil sa trabaho, pero gora ako mas exciting pa nga. kinabukasan christmas party pa.

pero na-trap kami sa venue ng christmas party dahil umapaw na daw ang tubig sa magkabilang tulay na dadaanan, normal lang yon kase may ini-expect na bagyo, huhupa ang tubig yon ang sabi ko, kaya binalewala, sanay naman sa walang tulogan.

bandang alas-singko na naka-uwi, pahatid lang sa boarding house para kunin ang gamit at nagmamadali nang pumunta ng terminal, plano kong sa bus na matulog. Nakatulog nga 10 minutes pero nagising sa ingay ng ibang pasahero, lahat nakatingin sa bintana.

traffic na pala dahil binaha yong area, ayoko sanang pa-istorbo kaso paglingon ko sa kaliwa, sa may simbahan, hili-hilera na ang patay… lola, bata, mga dalaga nalunod mula sa flashflood.

walang tigil ang takbuhan ng mga tao, may papunta ng simbahan may paalis, lahat madudungis dahil sa putik, halos lahat walang tsinelas, mga basa at ang buong paligid wasak. baliktad na kotse, mga baboy sa bubong, mga nagkalat na gamit.

nawala ang antok ko, di ko alam kong titingin pa sa bintana o hindi na, pero magkabilang panig ganun ang makikita.

Sinabi pa ng driver ng bus na di kami makakalusot sa sobrang traffic at di pwedeng dumaan ang malalaking sasakyan dahil na damaged ang tulay sa unahan. lipat nlang daw kami ng bus, may naghihintay sa kabila ng tulay.

sa takot ko na di maka-uwi ako, isa ako sa mga naunang bumaba, pinapirmahan ko lang ang ticket para makalipat at naglakad na. pero dalawang kilometro pala ang layo, walang kain, walang tulog pero desidido akong maka-uwi.

pati sa panaginip, sinusundan ako ng mga nakita habang naglalakad. di ko makalimutang ang mga iyak ng mga nanay na may dalang patay na anak, yong mga anak na namatayan ng magulang at ang mga kamag-anak na naghahanap ng mga naanod na kapamilya.

walang kwenta ang putik na dumikit sa sapatos, walang kwenta ang bigat ng bag na dala ko,walang kwenta ang pagod sa paglalakad ng walang kain at tulog, mas mahirap ang makakita ng hirap ng ibang tao na wala kang magawa.

hindi alam kong titingin pa sa paligid o diretso nang maglakad makasakay lang ng bus.

akala ko hanggang dun lang ang apektado ng bagyo, di pala ang patutungohan ko, ganun din ang nangyari, mga naanod na bahay, mga balita na ilan ang patay, mga nawawala.

Lahat ng excitement ko para sa nalalapit na pasko biglang nalusaw, ang tulog ko hindi ko alam kung matatawag na pahinga. Alam ko hindi umabot sa daliri ang hirap na dinanas kumpara sa mga apektado. di ko na alam ano ang iisipin sa ngayon.

di ko talaga alam. 😦

Advertisements

8 responses »

  1. minsan walang tamang termino para sa nararamdaman, agree~! Minsan po talaga mahirap hatiin ang pagitan ng salita sa kinikilos 😦 Kaya ang kinahihinatnan “Di natin alam”

  2. hello, anini… payakap na lang muna sa ‘yo 🙂

    wala ako sa lugar na napuntahan mong inabot ng sakuna, hindi ko nakita at narinig ang mga pangyayari kaya mahirap sabihing naiintindihan ko ang lungkot at kaguluhang bumabagabag sa iyo…

    pero may ideya ako, kahit paano, kapatid. total devastation ang inabot namin noong ondoy – nasira at binaha lahat sa amin. dalawang linggo na ay mukha pa ring sinalanta ang buong kapaligiran at siguro, at least one year bago nag-normalize maski paano ang pamumuhay namin. maski saan ka noon tumingin sa lugar namin, squalor and want ang makikita mo sa mukha ng mga tao, dinaig pa namin ang ginera. noon, parang up close ko nabistahan ang despair na sinasabi. naranasan ko na dati, naulit pa …

    years earlier, sa kabundukan ng nueva vizcaya, may storm no. 3 at may landslide kaya na-trap ang bus na sinasakyan namin pabalik ng maynila. ang daming mga trak at sasakyang nakabaligtad sa paligid. 33 hours kaming nakatigil, walang pagkain, naubusan na ng signal ang phone, gumuguho ang ilalim ng tulay na kinalalagyan ng bus at ang mismong bundok kung saan kinarve out ang kalsada. nag-isip kami noong baka iyon na ang katapusan namin, malilibing na kami ng walang nakakaalam. 50 kms ang pinakamalapit na city mula sa pusod ng bundok.

    haist, ngayon ko lang ito na-kwento, ani. ang hirap dumanas ng sakuna lalo na kung naramdaman mong ipit ka at halos walang magawa… hope you’re feeling better now, sister. 🙂

  3. at dahil nakasick leave ako napanood ko ang news about sa bagyo na yan. nakita ko yong putik putik na mga bata na umiiyak.

    mabuti naman at safe kang nakauwi 🙂

  4. …nakakalungkot ang nangyaring trahedya… pasko pa namana… hinahanap pa rin namin hanggang ngayon ang auntie ko na nasa CDO; naghihintay pa kami ng balita hanggang ngayon..sana ay ok sila..sana ay kasama sila sa mga nailigtas…. sana’y matulungan silang lahat na nabiktima sa bagyo na makabangon muli… mag pray lamang tayo at manalig sa Diyos na magiging okey din ang lahat…

  5. sa kumpanyang pinapasukan ko, merong email cascade na humihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng sendong. iki-click mo lang kung magkano ang ikakaltas sa next pay day mo: 100, 200, 500, 1000, tas 2000. bilang aliping sagigilid na naaaaaapakaliit lang ng sweldo, clinick ko lang eh ‘yung 500. sana maski papano, makatulong para magkaron ng masayang pasko ‘yung mga nawalan at nasalanta.

    nagpapasalamat pa rin ako at hindi ka kasama sa mga nasalanta, ani. merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms! \m/

  6. hala?… napatulala ako sa post na to?… hmn, siguro pinakita lang sau ung mga bagay na dapat mong pahalagahan ngaun kapaskuhan anini.. 🙂 buong pamilya, may tahanan.. pagkain, maayos na kalusugan.. un ung mga bagay na nakakalimutan nating meron tayo, kapag dumadating ung ganitong mga panahong inaakala natin na dapat mas engarbo o mas makulay.. at mas masaya ang pasko…

    Kuwento pa rin ng kapanganakan ng tagapagligtas ang pasko… ibig sabihin… may pag-asa pa din para sa kanila… 🙂 (at sa ting lahat.)

  7. musta ani? matudlain ka pa din, at nakaka-miss ka na. angmgabagay na gaya nito pinapaalalahanan tayo ng kung anong lakas na meron tayo at huwag nagrereklamo, tama. muah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s