end of the world

Standard

2012, end of the world.

Anong petsa na? lumampas na ng ilang araw ang katapusan ng mundo, ang susunod na aasahan natin ay end of the world, ulit!. Ang kulit ng end of the world no? kung hindi sya susunod, tatakutin at papangunahan naman tayo.

Pero sabi ko sa officemate ko, if end of the world na bukas, ok lang sakin, sabay-sabay naman tayong mawawala diba? Ang mahirap ay yong survivor ka ng end of the world, meron ba nun? Basta survivor yon na yon. Isipin mo nalang pano sya magsisimula? Ok lang kung may maiiwan kang partner para magsimula ulit ng race sa mundo ala makabagong adan at eba. Eh! pano pag saksakan ng arte ang naging partner mo? Pahirap tsong!

Ang daming haka-haka ngayon na nagkalat para sa katapusan ng mundo, meron pang isa na magco-collide daw ang earth sa planet nibiru a.k.a planet x. Kaya daw sya hindi nakikita ng mga modern scientist ay dahil 3600 years ang rotational period nya sa sun at malamang marami daw alien na nakatira dun. Pag totoo yan, for the first time mapapatunayan nang may mga alien.

Pero pag may gyera ang bawat mundo, di ko maisip paano mangyayari yon, parang star wars ba, o kaya yong mga nakikita natin sa movie tapos may green lantern na poprotekta sa earth, magsasanib si batman, superman, wonder woman, catwoman, ultraman ace, x-men, power rangers, naruto, mickey mouse at marami pang iba. Fiesta ang mangyayari, ang daming super heroes.

Pero pag ako ang susulat paano mangyayari ang katapusan ng mundo, ang sasabihin ko lang ay may darating na end of the world. Di ko sasabihin ang detalye syempre matatakot ka eh! Pero pag makulit ka sasabihin ko na. yon nga lang pag-iisipan ko muna pano mangyayari yon na hindi rin ako matatakot para matapos ko syang isulat.

Sa dami din kase ng dapat isulat bakit end of the world pa ang gusto, eto tuloy pinahamak ako kakaisip pano nga magsulat ng end of the world na hindi nakakatakot, eto nalang may dumating na mga angels na magsa-save ng earth! Bow! hehe, hindi na sya end of the world no? o sya, hindi nga ako manunulat kaya wag nang makulit.. wala kang aasahan sa dulo.

Di ako umasa na nagbabasa ka parin hangagang sa puntong ito, pero pag binasa mo nga, maraming MATSALA! Isang halik para say… mwuah! Walang gift..bleeeh!

minsan kelangan lang natin isiping magaan ang mga haharapin natin, ayoko pang magka-wrinkles!

Advertisements

4 responses »

  1. nabasa ko to kamakailan lamang: “If the world ends today, what else god would have to do?”. Galing ito sa isang bata pero kung iisipin natin, tama siya. Kaya ako, hindi ko na gaanong iniisip ang end of the world ek ek. Darating sya kung darating. Hindi kung hindi. 🙂

    happy new year!

  2. /wushjuh?… bakit natiniisipin ang end of the world?… ahahaha!!! madami pa akonghindi nagagawa, madami pa akong plano…, at sa tingin ko hindi un matatapos sa isang taon, pero mabuti nang isipin natin na katapusan na ng mundo ngayung taon, para gawin naten yung mga kailangan nateng gawin… hahaha!!! musta na anini?.. medyo tahimik yata sa blogsphere m ngaun ah?…

  3. hello, ani… Maligayang bagong taon sa iyo. :]

    hey, hindi pa end of the world, kapatid… tapos na kasi ang harry potter series, patapos na rin ang pagiging fashionable ng vampire stories kaya kailangang ibalik na ang narratives sa malalaking plots o mythology.

    kaya, hayon, end of the world na uli ang uso sa storyworld. chances are, ang kasunod nyan ay angels and demons muli. ilang taon na ba ang nakakaraan mula ng ipalabas ang the da vinci code? sabi-sabi, umiikot raw ‘yan, kung alin ang mabentang mythology, ‘ika nga.

    btw, na-tsismis ko lang yan doon sa english blogs sa wp, ‘yong sites na related sa transmedia telling at modern storyworld, hehe. pasensya na, parang pasaway… kumusta ka na? :]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s