rosas sa kamay mo

Standard

Ang pag-aalaga ng damdamin ay tulad ng pag-aalaga ng rosas. Huhulihin ka sa masarap na pakiramdam, sa mabangong halimuyak at sa pagkakataong maisapalad ang isang mahalaga at marikit na bagay. May mga bagay na masarap hawakan lalo na kung alam mong kailangan nito ngk kalinga at pag-aalaga, mas nagiging maingat tayo sa ating pag hakbang.

Ngunit minsan nagiging bulag tayo sa katotohanan , hindi rosas ang isang bulaklak pag wala itong tinik at ito ay malinaw na nagpapakita na ang buhay ay hindi puro sarap, andyan ang hirap, pait at hapdi. May sugat din na nag-iiwan ng marka, pelat sa nakaraan. Pero bilang tao na may kahinaan sa pagdating sa usaping puso, limot ang balakid kung ang nakikita ay kariktan.

Pero maselan ang rosas pag hinawakan ng mahigpit, nasisira ang ganda niyo. Tulad din ng tao, hawakan mo ng mahigpit, diligan mo ng sobrang atensyon at bakuran mo ng mataas, darating ang puntong masasakal ang pagtubo nito.

Tulad ng rosas kailangan natin ng sinag ng araw, dampi ng hangin at lupang pagtutubuan. Hindi lahat ng pagkakataon nakadepende sa taong mag aalaga. Kaya nga may kakayahan ang halaman na gumawa ng sarling pagkin upang kaya nitong tumubo at lumago may hardinero man o wala.

Pero masarap parin ang may nag-aalaga, ngunit wag lang kalimutan na may limitasyon at hangganan ang pagpapakita ng nararamdaman.

Advertisements

13 responses »

  1. Ah kaya pala, kapag nilagay sa plorera na tubig lamang, nalalanta. Ganun pala iyon.

    Ano daw?

    Magandang maganda ang sinulat mo ngayon. Balik sa dating gawi?

  2. hello, ani,

    ” limot ang balakid kung ang nakikita ay kariktan.” ikaw na ang poet… 🙂

    paano ba ‘yong paglimot muna sa kariktan at pag-alaala sa balakid, ahaha. kanino kaya ina-address ang piyesang ito? naman… ^^

    “Hindi lahat ng pagkakataon nakadepende sa taong mag aalaga.” pwede palang matulain ang paglalarawan ng ugnayan ng photosynthesis at ng hardinero, kainaman. ikaw na, ahaha. 🙂

  3. Si Nanay mahilig sa halaman may garden syang maliit noon sa likod at harap ng bahay namin madalas tinatanggalan ko ng tinik yong mga halaman nya na rose tapos nagagalit sya sasabihin nya sakin wag mong aalisin yong tinik nila kasi proteksyon yan nila para hindi sila masaktan.

    yon lng po bow!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s