Monthly Archives: February 2012

kape

Standard

Linggo ang paborito kong araw sa buong linggo. Totoong rest day dahil sabado ang schedule ng paglilinis ng kwarto at kung anu-anong anik-anik.

Sa probinsya, masaya ang araw na eto. Umaga pa lng dinadalhan na kami ng bagong lutong puto at bibingka ni lola pia. kapatid ng lola ko. Yong puto at bibingka na gawa sa bigas. Mainit pa na ihahain, kapartner ng kape o tsokolate.

Pag gusto ng ampalaya sa agahan, ako mismo ang pipitas sa likod ng bahay, tanim ni lola. At kung gusto ng isda, takbuhan kami sa tabing dagat nag-aabang ng dadaong na mangingisda sabay tampisaw na sa dagat.

kung makulimlim nman ang panahon, tunog ng gitara ang gigising sayo. si tatay kumakanta habang nagluluto si nanay. Isa-isa kaming papanaog para sa agahan, paboritong ulam ay kwentuhan.

Matagal ko nang di nagagawa eto. Totoo pala na pamilya ang namimiss at unang naaalala pag may pinagdadaanan ka. Tawag nalang muna hangga’t nasa malayo pa.

Naisip ko lang ang kape. apat na buwan na akong di nagpipinta gamit nito.

eto nlng muna. Isa sa mga nauna kong pininta.

image

Advertisements

kasunod ng dapithapon

Standard

Marahil luha ang pasimuno kaya puso ay nagtatago
Nasa isip ang pagsinta pero pinaglalayo ng pandama
wari ba’y bato ang puso ng aleng ito
Binalot sa yelo at ikinulong sa dulo ng mundo

O sya nga ba’y natural na makahiya
Para umamin at sumikil ng ng damdamin
at sya ay hindi bato pero susuko lamang sa isang rebolusyonaryo
Naghihintay ng pagbabago at tutunaw sa yelo

kelan ba magtatagpo ang isip at puso?
Taon ba ang bibilangin o tamang panahon ang hihintayin?
Tandang pananong nga ba ang makikita sa dulo
O ito ay palatandaan na nagtatanong na ang puso?

kelan ba malalaman na panahon na para imulat ang nga matang nakapikit?
Bahaghari ba ang makikita o pusikit na karimlan
Ibabahagi na ba ang nakatago o mananatili sa baul na nakatago

Darating ba ang araw na puso at isip ay magtagpo
Para patunayang sa tamang panahon at tamang pagkakataon may pwedeng abangan sa dapithapon.

🙂

Pagkakataon

Standard

Bawat isa sa atin nabibigyan ng pagkakataon na ipahayag o sabihin ang nararamdaman sa isang tao. Depende sa atin kung kukunin natin ang chance na yon at bahala na si batman sa kahihinatnan.

At dumating ang pagkakataon na yon, nung maipasa sakin ang bola hinawakan ko na. Di man sigorado if kaya kong i-shoot sa ring at least sinubukan ko.

At ang sagot, “sorry ha! Hanggang friends lang ang kaya ko” bang! Yan ang consequence ng taong sumubok. Hahaha!

Pero infairness, hindi naman pala nakakamatay ang mabasted. Hindi rin pala nakakatakot ang rejection. Matatawa ka lang sa resulta ng desisyong magpakatotoo.

Sa tuwing naiisip ko ang sinabi ko, napapangiti ako. Parang di ko mapaniwalaan na may lakas ng loob akong sabihin ang gusto ko.

Hindi nawala respeto ko sa sarili, mali pala ang iniisip ko noon na nakakahiya pag ikaw ang nagsabi ng nararamdaman. Yon nga lang talaga hindi lahat pwedeng mapasaiyo. Ang ibang panaginip ay mananatiling panaginip lang. Ang maganda nga lang sinubukan mong maging reyalidad ang laman ng panaginip. Hamo, sa susunod hindi na yan ang sagot. Hehehe

At ano ako ngayon? isang certified basted na hanggang tenga ang ngiti.

Masaya parin ako. Mwuah!