Pagkakataon

Standard

Bawat isa sa atin nabibigyan ng pagkakataon na ipahayag o sabihin ang nararamdaman sa isang tao. Depende sa atin kung kukunin natin ang chance na yon at bahala na si batman sa kahihinatnan.

At dumating ang pagkakataon na yon, nung maipasa sakin ang bola hinawakan ko na. Di man sigorado if kaya kong i-shoot sa ring at least sinubukan ko.

At ang sagot, “sorry ha! Hanggang friends lang ang kaya ko” bang! Yan ang consequence ng taong sumubok. Hahaha!

Pero infairness, hindi naman pala nakakamatay ang mabasted. Hindi rin pala nakakatakot ang rejection. Matatawa ka lang sa resulta ng desisyong magpakatotoo.

Sa tuwing naiisip ko ang sinabi ko, napapangiti ako. Parang di ko mapaniwalaan na may lakas ng loob akong sabihin ang gusto ko.

Hindi nawala respeto ko sa sarili, mali pala ang iniisip ko noon na nakakahiya pag ikaw ang nagsabi ng nararamdaman. Yon nga lang talaga hindi lahat pwedeng mapasaiyo. Ang ibang panaginip ay mananatiling panaginip lang. Ang maganda nga lang sinubukan mong maging reyalidad ang laman ng panaginip. Hamo, sa susunod hindi na yan ang sagot. Hehehe

At ano ako ngayon? isang certified basted na hanggang tenga ang ngiti.

Masaya parin ako. Mwuah!

Advertisements

20 responses »

  1. hello, ani,

    i-copy paste ko ang lumang text message dito, hehe:
    “This Valentines, blue roses for lovers, white chocolates for crushes, pink balloons for friends & most of all, for d loveless, Red… Red Horse nlng.” Ahaha. ^^

    pasensya na, medyo busy ang lola mo rito. salamat sa message, nakuha ko.. btw, pwede ring tanduay ice, haha. red horse ata is so three years ago, mwahaha. ingat ka lagi sa mga lakad. 🙂

  2. Kainaman. Ibang-iba pa rin talaga ang maging totoo sa sarili kaysa sa nagkaroon ka nga ng pagkakataon at hindi ka naman sumubok. Siguradong pagsisisihan mo yun ng wagas habang nabubuhay.

    Hamo din Ani, hindi lang naman iisa ang araw. Marami pa ang kasunod.

    Ingat lagi!

  3. praktis lang diwata. baka kulang lang sa praktis sa pambobola. este sa paghawak ng bola. dibale, at least prens prens parin kayo. sa susunod na mahawakan mo ang bola, itakbo niyo na sa loob ng bahay niyo para wala nang kawala. hehehe. Ingat!=)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s