kasunod ng dapithapon

Standard

Marahil luha ang pasimuno kaya puso ay nagtatago
Nasa isip ang pagsinta pero pinaglalayo ng pandama
wari ba’y bato ang puso ng aleng ito
Binalot sa yelo at ikinulong sa dulo ng mundo

O sya nga ba’y natural na makahiya
Para umamin at sumikil ng ng damdamin
at sya ay hindi bato pero susuko lamang sa isang rebolusyonaryo
Naghihintay ng pagbabago at tutunaw sa yelo

kelan ba magtatagpo ang isip at puso?
Taon ba ang bibilangin o tamang panahon ang hihintayin?
Tandang pananong nga ba ang makikita sa dulo
O ito ay palatandaan na nagtatanong na ang puso?

kelan ba malalaman na panahon na para imulat ang nga matang nakapikit?
Bahaghari ba ang makikita o pusikit na karimlan
Ibabahagi na ba ang nakatago o mananatili sa baul na nakatago

Darating ba ang araw na puso at isip ay magtagpo
Para patunayang sa tamang panahon at tamang pagkakataon may pwedeng abangan sa dapithapon.

🙂

Advertisements

20 responses »

  1. sabi nila “lahat ng bagay, may takdang panahon”, sabi din nila ” no such thing as right time, just make the moment perfect” so, madaling sabi, if x is the square root of 9 divided by 2 plus the product of y is cannot be. tama? ewan. ko. hindi rin kasi ako magaling pagdating sa salitang “timing”. hehehe. dibale, madami naman kaming nasa likod mo. ingat!

  2. wag nang pigilan pa. Ilabas na ang itinatago. Imulat na ang mata at wag matakot kung anu ang makikita. Pakawalan na ang takot at ibaon na ang agam-agam Sa magkukulay ginto ang dapithapon.

  3. pakisabi sa aleng anini, wag nang mag-isip ng kung anu-anong shit. kung ano ang sabi ng puso, go! wala na kasing hiya-hiya, sus!

    pibalemtayms, anini! XD

  4. hello, ani,

    ang tunay na pag-ibig, sa pagkaalam ko, walang hiya-hiya at walang pinipiling panahon at pagkakataon. hindi alintana ang magmukhang-tanga, sabi… and it blossoms at its time, balita ko. ahaha ^^ 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s