Monthly Archives: March 2012

Bamboo Orchids

Standard

image

Sa bawat lugar na pinupuntahan ko ang una ko talagang napapansin ay mga kakaibang puno at halaman na bago sa aking paningin.

Ang larawan na nasa itaas ay tinatawag na bamboo orchids (Arundina graminifolia) ang kaibahan nito sa karaniwang orchids ay tumutubo ito diritso sa lupa.

Kaya natawag na bamboo orchids ay dahil ang katawan nito ay parang maliliit na kawayan na may dahon na parang damo.

Ang halamang ito ay karaniwang makikita sa bahagi ng asya na may mga rainforest pero sa ngayon ang bamboo orchids ay pangkaraniwang halaman na sa bansang Puerto Rico, Costa Rica, Panama at Hawaii. Introduced species lang ito sa Timog America pero dahil mas maliit ang chance na maging invasive species ito mas marami ang nahalinang itanim sa mga bakuran nila.

Mas madaling alagaan ang halamang ito, kuha ka lng ng maliit na bahagi ng halaman na may ugat na at pwede nang itanim sa paso man o katabi ng bakod.

Madaling paramihin, basta walang asong maghuhukay sa bakuran nyo.

Nasabi ko bang paborito kong subject ang taxonomy at dendrology? Hehe, kaya wag mgtaka kung tungkol sa halaman ang post ko.

At sya nga pala sa isang remote area ng Bukidnon ko lang to nakita at nalungkot ako na mas marami pa nito sa South America.

kumusta?

Standard

Maraming beses na darating tayo sa puntong ang dami na pala nating namimissed sa buhay ng mga mahal natin.

kadalasan dala lang ng tilaok ng manok sa umaga o kaya’y paghahangad na may lutong masarap na ampalaya sa agahan.

Pero wala tayong choice, gustuhin man natin, lahat ng mga binabalik-balikan ay mga alaala na lang.

Maraming beses na gustong mangumusta sa mga buhay ng kaibigan, magsumbong ng mga nangyayare sa iyo pero at the end numero ni nanay o tatay ang tinatawagan. Sa kanila kase sigoradong kahit gaano ka busy sasagutin ka. Sa kanila sigoradong kahit anong isumbong tatanggapin nila.

Ngayon ko naisip na kahit gaano na tayo ka-independent maghahanap at maghahanap pala tayo ng taong sandigan.

Hindi lang isang beses na nahiling ko na sana pag-uwi may tao akong pwdeng kwentuhan ng mga lakad ko pero hindi pwedeng maging iyo ang oras ng ibang tayo, may buhay ka at may sariling buhay sila. Kaya kadalasan sagot ko sa sarili ko ay ‘itulog mo na lang yan’.

so, kumusta ka na?

Silip

Standard

image

Kung meron man sigoro akong matatawag na bisyo na guilty ako isangdaan porsiyento, yang larawan sa taas. Naka-file lng sila sa gilid ng kwarto at hindi kumpleto ang kamang tutulogan ko kung walang nakapatong na isa o dalawang libro.

Nagsimula ako sa mga komiks at liwayway hanggang sa mga tagalog pocketbooks nung nasa elementary, grade three yata ako nung matapos kung basahin ang textbook sa Filipino na pagbasa mula pang grade three hanggang grade six. Tapos sweet valley high at kung anong magandang pwdeng basahin sa highschool library.

Naging suki ako ng municipal library nung nasa 3rd year at 4th year highschool. At sigorado ako lahat ng mga libro nila na may borrowers card andun pangalan ko. Hehehe

Sobrang laking tuwa ko nang makita kong gaano kalawak ang library sa kolehiyo. Literal na bookworm ako pero hindi halata sa mukha. Haha!

Pagka-graduate, para akong ibon na pinakawalan sa hawla, bili doon, bili dito ng libro. Pag marami na i-uuwi sa probinsya tapos kolekta ulit.

At ngayon ko lng naisip. Ang gastos ko sa mga libro kahit booksale human ako magastos parin pala.

pamana

Standard

image

isa eto sa mga bagay na lubos kong panghihinayangan kung darating ang panahong sa mga litrato nalang makikita ng mga batang susunod sa ating henerasyon. Kaya hangga’t kaya pa hindi ko bibitiwan ang maging isang mangugubat. Mangitim man ako peksman!

(kinapulan falls of Naawan, Misamis Oriental)