Silip

Standard

image

Kung meron man sigoro akong matatawag na bisyo na guilty ako isangdaan porsiyento, yang larawan sa taas. Naka-file lng sila sa gilid ng kwarto at hindi kumpleto ang kamang tutulogan ko kung walang nakapatong na isa o dalawang libro.

Nagsimula ako sa mga komiks at liwayway hanggang sa mga tagalog pocketbooks nung nasa elementary, grade three yata ako nung matapos kung basahin ang textbook sa Filipino na pagbasa mula pang grade three hanggang grade six. Tapos sweet valley high at kung anong magandang pwdeng basahin sa highschool library.

Naging suki ako ng municipal library nung nasa 3rd year at 4th year highschool. At sigorado ako lahat ng mga libro nila na may borrowers card andun pangalan ko. Hehehe

Sobrang laking tuwa ko nang makita kong gaano kalawak ang library sa kolehiyo. Literal na bookworm ako pero hindi halata sa mukha. Haha!

Pagka-graduate, para akong ibon na pinakawalan sa hawla, bili doon, bili dito ng libro. Pag marami na i-uuwi sa probinsya tapos kolekta ulit.

At ngayon ko lng naisip. Ang gastos ko sa mga libro kahit booksale human ako magastos parin pala.

Advertisements

20 responses »

  1. wow! tingin ko naman, okay lang gumastos kung passion mo talaga ang mangolekta at magbasa ng libro. gusto mo ng libre? madaming free ebooks sa net. 😀

  2. ay!! ako!!! mukha akong bookworm.. pero wala talaga akong kahilig hilig sa libro.. ang totoo.. minsan bumibili ako ng libro.. babasahin ko sa simula.. ahanggang gitna.. pero hindi ko natatapos.. 😦 maiksi lang daw kase ang memory span ko eh…

    para akong takaw tingin sa mga libro… para lang me masabing meron akong libro niyan.. o masabing nabasa ko na yan.. 😀

  3. we share the same passion with books… ever since college days some spare allowance money that can be allocated for buying things, i buy used books instead at recto.

    up intil now whenever i get a chance to drop by a book store, i cant resist the urge to buy one or two despite collecting free e-books as well.

    i have plans to make a study/trading room filled with books adjacent to my roof garden… but on when can i start doing that, only time can tell.

    come what may…. the passion shall never fade 😉

    • naiimagine ko yong roof garden katabi ng library. sana may mini-falls din, instead of sofa, hammock ang meron dun. haays! ang sarap magbasa sa ganung place. hahaha! nangarap na naman po ako

      • actually, naka set-up na rin base structure nung mini falls with matching fish koi pond… all in the roof deck din. hayyy…. matagal tagala pa bago ko maipag patuloy ang naumpisahan…

        good idea yan hammock. i-add ko rin yan… thanks 😉

  4. nakakagiliw talaga maghalungkat ng aklat, maihahambing sa isang paglalayag sa malawak at malalim na karagatan, o di-kaya naman ang malayang paglipad sa bughaw na kalangitan, kaalinsabay ng iyong pagtuklas sa bagong kamalayan.

    • tama po! minsan dinadala ka nito sa ibang mundo. Ang mga imposibleng nilalang ay kahalubilo mo lang, ang lugar ng pantasya at misteryo ay abot kamay lang.

      kaya mahirap iwanan ang pagbabasa ng libro.

  5. Pingback: “Nakakagiliw maghalungka… | 25pesocupnoodles

  6. Ansaya, andaming libro! 😀
    Ayos lang maging magastos sa libro, minsan pag may pera ako, mas pipiliin ko na lang bumili ng libro kesa kumain (iniisip ko diet na lang ako). hahaha. 😀

  7. weeee…libro, libro, libro…ako minsan lang bumili marami kasing nagpapahiram hehehe…kapag tipong gitna na sila tapos tinamad na ipapahiram sa akin tapos ako na ang tatapos…mas matipid yun hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s