Bamboo Orchids

Standard

image

Sa bawat lugar na pinupuntahan ko ang una ko talagang napapansin ay mga kakaibang puno at halaman na bago sa aking paningin.

Ang larawan na nasa itaas ay tinatawag na bamboo orchids (Arundina graminifolia) ang kaibahan nito sa karaniwang orchids ay tumutubo ito diritso sa lupa.

Kaya natawag na bamboo orchids ay dahil ang katawan nito ay parang maliliit na kawayan na may dahon na parang damo.

Ang halamang ito ay karaniwang makikita sa bahagi ng asya na may mga rainforest pero sa ngayon ang bamboo orchids ay pangkaraniwang halaman na sa bansang Puerto Rico, Costa Rica, Panama at Hawaii. Introduced species lang ito sa Timog America pero dahil mas maliit ang chance na maging invasive species ito mas marami ang nahalinang itanim sa mga bakuran nila.

Mas madaling alagaan ang halamang ito, kuha ka lng ng maliit na bahagi ng halaman na may ugat na at pwede nang itanim sa paso man o katabi ng bakod.

Madaling paramihin, basta walang asong maghuhukay sa bakuran nyo.

Nasabi ko bang paborito kong subject ang taxonomy at dendrology? Hehe, kaya wag mgtaka kung tungkol sa halaman ang post ko.

At sya nga pala sa isang remote area ng Bukidnon ko lang to nakita at nalungkot ako na mas marami pa nito sa South America.

Advertisements

6 responses »

  1. naalala kong muli ang Bukidnon.. nuong isang hapon ng november 2011 lamang, nag white water rafting kami sa CDO. along the rapids despite the jumpy ride with the raft, somewhere along the way our boatman told us that the river segement wherein is dividing CDO and Bukidnon.

    tunay namang nakakamangha ang paligid. sa kabila ng papalapit na dapithapon, kakaibang katahimikan at kagandahan ang mapapagmasdan. ang mga puno at halamang gubat maging ang lagaslas ng tubig, tila mayrong isang batubalani na humihila sa kamalayan at nag aanyaya na makiisa sa daloy ng enerhiyang bumabalot sa kapaligiran.

    sa isang iglap…nagulat na lamang ako, kapagdaka’y unti unting nilukuban ng karimlan ang paligid at ang mga tanawin at ginupo ng panaghoy ng pusikit na dilim. tanging hiling ko lamang, sana at di na matapos ang kabanatang yaon. isang pangbihirang kabanata sa aking buhay na hindi ko makalimutan.

    ang higit na nakakalungkot isipin, makalipas ang isang buwan… ang napakagandang tanawin ay naging saksi sa isang delubyo na nagpabago sa buhay ng mga nakatira duon.

    tunay nga…. sadyang mahiwaga ang buhay 😦

    • madalas ko pong tinatanaw yong tributaries ng cagayan de oro river tuwing galing ako ng Talakag, ang ganda ng sunset, parang yong makikita lng natin sa mga movies.

      kaya din sigoro pagiging manggugubat ang propesyong pinili ko dahil hindi ako pwedeng mamalagi sa city ng matagal.
      Hindi ko kaya ang polusyon.

      Yon din nga po ang malungkot. Perhaps reminder narin yon na pag binalik ng kalikasan ang kinuha sa kanya, walang pinipiling tao o lugar. Sana naging lesson ang nangyari.

      magandang araw po. medyo late na ang reply ko sa mga comment. hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s