Monthly Archives: April 2012

Bukas na lang

Standard

Medyo matagal narin ng huli kaming magkita. Doon yon sa kalsadang malapit sa bahay. Sabi nya “salamat ha!” bago sumakay ng taxi. Ngumiti lang ako sabay kaway, ayoko ng mgsalita. Umalis sya na sigorado ang patutungohan habang ako naiwang nakatayo at tinatanaw ang likod ng paalis na sasakyan.

Isang hakbang paatras at tuluyang tumalikod ang ginawa ko, bumalik ako ng bahay na hindi malinaw sa isip ano ang gusto kong mangyari.

Naisip ko na naman ang mga pelikulang may hiwalayan sa ending, naglalakad mag-isa, nasa bulsa ang mga kamay habang nililipad ng hangin ang buhok at may background music mula sa movie soundtrack. Hays! panaginip ng gising.

Isang ilusyon lang ang lahat, hindi totoo ang happy ever after at coincidence lang ang destiny.

Kinokontra ko na ang sariling paniniwala, di ko rin kase mahanapan ng tamang rason bakit ko pa ito dapat panindigan.

Ilang beses ko nang pinagtawanan ang sarili para lang alisin sa isip na palpak na naman ako. Di ko kase kayang ipaglaban ang mga bagay na importante sakin. Hindi ko kayang makipag-commit kung alam kong may pwedeng maapektuhan. Mahina ang loob ko, hindi rin kase ako magiging masaya kong alam kong may taong nasasaktan.

Yon din sigiro ang dahilan kung bakit di ko kayang sabihin ang “mahal kita”. I-rereserve ko na lang sigoro sa taong karapat-dapat pagbigyan nito.

coffee paintings again

Standard

Minsan may mga bagay na kahit gustong-gusto nating gawin hindi nabibigyan ng panahon, kulang ang oras. Simula ng lumipat ako ng trabaho hindi ko na yata nasubukan na mag-stay ng diretso limang araw sa isang lugar. Mas malaking oras pa na nasa sasakyan ako at nagbabyahe. Sabi nga nang isa kung kaibigan, parang mag kapitbahay lang ang Bukidnon at Zamboanga sa ginagawa ko. Kaya madalas sa weekend, flat. Tinutulog ko nalang, kaya ang dating panahon sa pagpipinta? wala na.

Pero nakakamiss din minsan, tulad kanina dahil nabigyan ng chance makapagpahinga hinalungkat ko ang mga dating paintbrush. Saka ko lang din naalala na may mga napinta ako dati na tinago ko lang. Minsan ganyan ako, walang rason pero pinaghihintay ko yong mga binutingting ko, minsan pa nakakalimutan na.

eto yong ilan sa napinta ko last 2010:

image

image

nasabi ko ba dati na paborito kong subject ang paru-paro? kung hindi pa, ayan! nakita nyo na. Fascinated ako sa kanila kay mas madalas sila ang subject ko. Sana pala hindi aninipot kundi Alibangbang ang ginamit kong pseudo ( alibangbang ang tawag samin sa butterfly). Hehe! sabagay gustong-gusto ko nman talaga ang mga alitaptap pero mahirap silang ipinta.

image

itong isa naman, eto yata ang unang pininta ko na sumukat ng pasensya ko. Ang simple lang nya no? pero matagal kong ginawa. Usually kase pag nagpipinta ako isang upuan lang, straight six hours tinatapos ko ang pinipinta. Pero ang isang ito, limang gabi na tig dalawang oras. Hinintay ko kase talaga na mag dry ang coffee bago ulit i-layer.

Sa isip ko parang kahapon lang yong madalas ko na pagpipinta pero almost 7 months na. Huling ginawa ko, hanggang ngayon di parin tapos.

Anyway, may pakiramdam ako na mababalikan ko din ang pagpipinta. Soon!

Mingaw

Standard

Madalas napupunta lang naman ako dito pag may mga bagay akong gustong gawin pero di ko magawa. Kaya pinapalipas ko nalang sa pagtipa. Ang totoo wala talaga akong mai-kwento, sobrang namimiss ko lang nanay ko. Tulad ng iba kakabalik ko lang galing bakasyon pero tuwing babalik ako para sa trabaho pakiramdam ko nag-iisa ako.

Dapat ang blog na to hindi hahaluan ng kalungkutan at kung anu-ano kadramahan sa buhay pero tulad ng dati ito na naman ginagawa ko. Madami  sana akong kwento, syempre baon yan ng madaldal na tulad ko pero sa di ko alam na dahilan di ko magawang mgkwento ng tulad ng dati.

dadaanin ko nalang sa tatlong larawan ang dapat na kwento ng bakasyon ko.

image

minsan nagiging parang buwan din pala ang araw, ano? dalawang minuto lang pala ang hihintayin para makita na eksaktong bilog na ang araw simula nang pagsikat nito.

image

wala lang gusto ko lng ang silhoutte na kuha ng isla na malapit samin. Tradisyon samin na pag-easter sunday instead na maghanap ng makukulay na itlog, swimming sa beach ang gagawin.

image

pagkatapos kung abangan ang sunset kumpleto na bakasyon ko. 🙂

pero namimiss ko parin nanay ko, haays!