coffee paintings again

Standard

Minsan may mga bagay na kahit gustong-gusto nating gawin hindi nabibigyan ng panahon, kulang ang oras. Simula ng lumipat ako ng trabaho hindi ko na yata nasubukan na mag-stay ng diretso limang araw sa isang lugar. Mas malaking oras pa na nasa sasakyan ako at nagbabyahe. Sabi nga nang isa kung kaibigan, parang mag kapitbahay lang ang Bukidnon at Zamboanga sa ginagawa ko. Kaya madalas sa weekend, flat. Tinutulog ko nalang, kaya ang dating panahon sa pagpipinta? wala na.

Pero nakakamiss din minsan, tulad kanina dahil nabigyan ng chance makapagpahinga hinalungkat ko ang mga dating paintbrush. Saka ko lang din naalala na may mga napinta ako dati na tinago ko lang. Minsan ganyan ako, walang rason pero pinaghihintay ko yong mga binutingting ko, minsan pa nakakalimutan na.

eto yong ilan sa napinta ko last 2010:

image

image

nasabi ko ba dati na paborito kong subject ang paru-paro? kung hindi pa, ayan! nakita nyo na. Fascinated ako sa kanila kay mas madalas sila ang subject ko. Sana pala hindi aninipot kundi Alibangbang ang ginamit kong pseudo ( alibangbang ang tawag samin sa butterfly). Hehe! sabagay gustong-gusto ko nman talaga ang mga alitaptap pero mahirap silang ipinta.

image

itong isa naman, eto yata ang unang pininta ko na sumukat ng pasensya ko. Ang simple lang nya no? pero matagal kong ginawa. Usually kase pag nagpipinta ako isang upuan lang, straight six hours tinatapos ko ang pinipinta. Pero ang isang ito, limang gabi na tig dalawang oras. Hinintay ko kase talaga na mag dry ang coffee bago ulit i-layer.

Sa isip ko parang kahapon lang yong madalas ko na pagpipinta pero almost 7 months na. Huling ginawa ko, hanggang ngayon di parin tapos.

Anyway, may pakiramdam ako na mababalikan ko din ang pagpipinta. Soon!

Advertisements

12 responses »

  1. Nag comment ka sa isa sa mg apost ko, binisita ko ang blog mo. Nabasa ko ‘to. Una kasi, ayun may similarities pala tayo -tamad/busy. Hehe. Madami din ako gusto gawin pero iba talaga kapag ninanakawan ka na ng oras ng mga dapat unahing gawin. Pero, maganda mga nagawa mo. Sana may susunod pa akong makita, kahit busy ka. πŸ™‚ Nga pala, sinubukan ko din mag paint dati (lumang water color lang nung gradeskul ako nun ang ginamit ko, pero ayun nakatago din sila sa mahiwagang baul, eto pa pala, dati sumali ako ng slogan making, kape ang ginamait kong pangkulay nung background, nanalo. Nakuha ata sa amoy. Sensya madaldal lang.) πŸ˜€

    • nagsisimula ulit akong magpinta kaloy. may makikita ka pa sa susunod. pero di lang ako sure kelan ko matatapos. hehe!

      ang galing ah! ginamit na background ang coffee sa slogan. atmukhang marami nga tayong pagkakapareho. haha! salamat sa pagbisita.

      • walang anuman, ahe ou pramis first and last ko ginawa un. ang problema nga lang HINDI na binalik ung ginawa ko pero atlis naka limang daan din ako dun. πŸ™‚

  2. Dear Nenya (kasi walang enye ang keyboard ko hehe),

    Ang ganda naman ng mga obra mo. Hindi miminsang nakita ko sa iba mo pang mga obra ang imahe ng paruparo. Ang simbolismong ito marahil ay mahalaga sa ‘yo.

    • Sa ‘di malamang dahilan, nagiging paborito kung subject ang paru-paro. Ewan ko ba basta gusto ko sila. Sigoro mahahanapan ko din ng sagot yan at the right time. Salamat Ms. N.

      NeΓ±a (ahaha, nang inggit lang na marunong akong mag enye)

  3. ang ganda! as in creative. one day, kokontakin kita. bibili ako ng paintings mo para idisplay sa bahay namin. mas gusto ko kasi yung kilala ko yung gumawa. para may personal touch. basta one day, someday, sasabihan kita πŸ™‚

    • flattered naman daw ako at talagang binalikan ang mga lumang post.

      Salamat po.

      Hindi ko na nga po nagagawa ang pagpipinta. Natigil dahil busy sa work pero sinimulan ko ulit sana tuloy-tuloy na.

      • tuloy mo lang yan miss ani, kasi bihira ung may ganyang talento. God’s gift yan eh kaya pagyabungin mo pa. natutuwa si God pag nakikita nyang shinishare mo yng talent mo.

        basta oorder ako ha πŸ™‚

        • Haha! Talagang o-order pa talaga ang term ma ginamit.

          Susubokan kong seryosohin ang pagpipinta baka may magawa din akong magandang obra in the future.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s