Bukas na lang

Standard

Medyo matagal narin ng huli kaming magkita. Doon yon sa kalsadang malapit sa bahay. Sabi nya “salamat ha!” bago sumakay ng taxi. Ngumiti lang ako sabay kaway, ayoko ng mgsalita. Umalis sya na sigorado ang patutungohan habang ako naiwang nakatayo at tinatanaw ang likod ng paalis na sasakyan.

Isang hakbang paatras at tuluyang tumalikod ang ginawa ko, bumalik ako ng bahay na hindi malinaw sa isip ano ang gusto kong mangyari.

Naisip ko na naman ang mga pelikulang may hiwalayan sa ending, naglalakad mag-isa, nasa bulsa ang mga kamay habang nililipad ng hangin ang buhok at may background music mula sa movie soundtrack. Hays! panaginip ng gising.

Isang ilusyon lang ang lahat, hindi totoo ang happy ever after at coincidence lang ang destiny.

Kinokontra ko na ang sariling paniniwala, di ko rin kase mahanapan ng tamang rason bakit ko pa ito dapat panindigan.

Ilang beses ko nang pinagtawanan ang sarili para lang alisin sa isip na palpak na naman ako. Di ko kase kayang ipaglaban ang mga bagay na importante sakin. Hindi ko kayang makipag-commit kung alam kong may pwedeng maapektuhan. Mahina ang loob ko, hindi rin kase ako magiging masaya kong alam kong may taong nasasaktan.

Yon din sigiro ang dahilan kung bakit di ko kayang sabihin ang “mahal kita”. I-rereserve ko na lang sigoro sa taong karapat-dapat pagbigyan nito.

Advertisements

10 responses »

  1. Hmmm…. parang napanood ko na ‘to. Yun nga lang, ibang-iba pa rin talaga ang nasa pelikula at ang reyalidad.

  2. mukhang prequel to nung “Tulay” ah.. at mukhang may pinaghugutan nga..

    “hindi rin kase ako magiging masaya kong alam kong may taong nasasaktan”
    tama! kung maging masaya ka man, panandalian lang. minsan yun ang niririsk natin, yung panadaliang saya. pero kung mas matagal naman ang pagluluksa mo o pagsisisi, wag na lang. at at tama ka ulit, ireserve mo na lang yung “mahal kita” sa tamang tao at sa tamang panahon. i’m sure malapit na yon 🙂

  3. haha.. ramdam talaga ng readers pag may pinaghuhugutan ang isinulat. ramdam ko kaya.. hehe.. at yehey malapit na pala!. happy to hear that miss aninipot. basta balitaan mo kami ha. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s