Tulay

Standard

Naalala mo kung paano
tayo nagtagpo?
Sabi mo, Hi! nabasa ko
mga sinulat mo.
Sagot ko naman. Hello! Mabuti
at nagustuhan mo.

 

Titik ng panulat ang tulay sa
kalsadang ‘di magtagpo.
Sino ka? Sino ako?
Iyon ay nakatago.
Walang pagkakilanlan dahil tiwala
ay ‘di pa mabuo.

 

Oras, Bangka, Bituin, Saranggola,
Buwan at Kabataan.
Ilan lang sa mga pinag-usapan.
Pangarap, Pagsisikap, Pagdaramdam,
Kasiyahan at Kabiguan.
Sandigan ng pinanday na
pagkakaibigan.

 

Tulad mo titik ay ginamit para
ilabas ang nararamdaman.
Emosyon ay itinali, isinakay sa bangka
at binalot sa diwa.
Mga simbolong mahalaga,
Pinagtagpi-tagpi para makilala.

 

Ngunit emosyon ay nagbabago,
‘di mahawakan ayon sa gusto.
Sala’ sa init, sala’ sa lamig.
Tumatalon, lumilipad at nahuhulog.
Mabuti nalang at sinabi ang totoo;
nauntog at ‘di nabuo ang drawing na mundo.

 

πŸ™‚

Advertisements

17 responses »

    • Kung gusto pala natin na manatili sa kung anong meron tayo, e di tumira na lang tayo sa pcso ano? Hehe!

      Totoo! Lahat may pagbabago pero minsan masarap sanang balikan ang nakaraan.

  1. aha, may namuong pagtitinginan sa pagbabasa ng mga isinulat.. kakakilig naman.. hmm mukhang true story to ah. sayang naman at di nabuo. sabagay di naman lahat natutuloy sa magandang relasyon.minsan maganda na din na hanggang dun na lang.

    ito ang mga namiss kong panulat πŸ™‚

    • Ms. Che, marami kayang ganito. Hehe!

      Nakakatuwa lang minsan isulat kase, kadalasang blogger dumarating sa puntong yan. Nag-iibang anyo kase tayo dito dahil sa imagination ng mga mismong nagbabasa ng mga sinusulat ng bawat isa.

      • hmmm..been there, done that.. haha.. at oo minsan hanggang dun na lang talaga. may mga realizations later on at maiisip mo na it wasn’t meant to be.pero ang maganda dun, andun ang friendship at yun mahirap matinag un. at least kahit paano sinubukan kesa may regrets sa huli..

        • Napangiti ako bigla.

          Sigoro ang maganda dun ay may memories kang babalikan at tatawanan. Yon ang magic sa minsang pag-ikot sa bertwal na mundo.

  2. Muli at muli, pinatutunayan ng iyong akda (at ng kwento sa likdo nito–yihii!) na sadyang napakamakapangyarihan ng panitik, Ms. Ani πŸ˜‰

    Nagawa pala akong muli sa Dipolog. Hinanap kita doon pero di kita nakita hahaha!

    • ahaha! makapanyarihan nga at mahiwaga Ms. N, di namamalayan kaya pala tayong anurin ng panitik.

      naku! di pa ako nakabalik ng Dipolog ulit busy ako sa ibang parte ng mindanao. General Santos nman ang ni-look forward ko na malibot. hehehe!

  3. hmmmm, malaman at malalim ang tulang ito.
    masusukat sa kalamnan at kalaliman ng balong pinag bukalan ng damdamin…

    im sure mas malalim ang kwentong kaakibat nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s