KM3: Tinig na ‘di marinig

Standard

Kung sisigaw ba ako maririnig mo? Kung ibubulong ko ba diringgin mo? Kung ipapaliwanag ko ba maiintindihan mo?

‘Di nga ba tayo ay nakakulong? Nakakulong sa konsepto na may hangganan ang bawat pagbuka ng bibig at may limitasyon ang pagpakatotoo. Paano na lang tayo? Magtatago sa dilim upang iwasan ang mapanghusgang lipunan? Totoo, mahirap ang lipunang ginagalawan natin. Naniniwala sa pagbabago pero walang ginagawa para maisakatuparan ito. May mga mata pero nagiging bulag sa kagustuhang ‘di magkamali. May pares na tenga para makinig pero naging bingi dahil masakit pakinggan ang boses ng katotohanan.

Alin nga ba ang mas madali? Ang sumunod sa agos na dikta ng karamihan o maging malaya pero hinuhusgahan? Nakakatakot, dahil parang walang tama sa pagpipilian.

Ngunit may tawag sa ayaw pumili, duwag.

Duwag ang ayaw humakbang, duwag ang takot humarap sa demonyo ng buhay. Papayag ka na lang ba na maging uto-uto sa batas na ginawa ng ilan? Batas na may butas para paikotin ang walang alam. Minsan buwis-buhay ang pagkakaroon ng paninindigan pero mas mabuting ipaglaban ang prinsipyo kesa maging sunud-sunuran. Maglalakad ka na walang kaluluwa, ang tawa mo ay walang saya at ang luha mo ay walang dahilan kung pipiliin mong umayon na lang sa kagustuhan ng may kapangyarihan.

Mapanganib, mapanganib ang pamumuhay sa mundo, hindi dahil sa masasamang tao kundi dahil sa mga taong ayaw kumibo. Kakainin tayo ng mga sakim, mababalot tayo ng takot hanggang unti-unting mawawala ang nabuong respeto sa sarili.

Kelan ba nagging madali ang paglakbay tungo sa kalayaan? Unang balakid mismo ang pinakamahirap. Ang pagpapalaya sa sarili, ang pagtanggap ng buo sa iyong pagkatao at ang pagpanday ng lakas ng sikmura para harapin ang mga mata na mapanghusga.

Ang mahusgahan ay isa sa mapait na katotohanan ng reyalidad. Kung pwede lang maglaho na parangbula para maiwasan ito. Pero sino nga ba ang perpekto? Sino ang walang kahinaan? Sino ang walang nagawang pagkakamali?

Ang pagkilala sa sarili ang madalas makaligtaan. Sumusunod tayo sa dikta ng lipunan para mahanap ang ating sarili pero nakalimutan natin na ang pagbuo nito ay sisimulan sa pagtanggap kong sino tayo.

Advertisements

42 responses »

  1. magkaminsan, hindi nakabubuting sumasabay lang tayo sa agos, kung kinakailangan sumalungat tayo dito para hindi tayo matangay at madisgrasya sa talon.

    muli kitang nakita 🙂

  2. Pingback: KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

  3. kaytining na tinig…dinig ko sa malayo…nangingibabaw ang iyong pagnanais sa tunay na kalayaan…

  4. Malawak ang sinasaklaw ng akdang ito. Nasapul ako sa karuwagan, sa pagharap sa katotohanan at sa pagkubli sa reyalidad. Ang akdang ito ay para sa akin, para sayo, para sa kanila. May mga marahang pagtango at may marahas na pag-ayon sa iyong tinuran.

    Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa KM. 🙂

  5. Pingback: KM3: RESULTA | Kayumangging Damdamin

      • may karir at premyo din pala sa ganyan pagsusulat.. di lang ubos oras sa blog .. ma try nga sa susunod hehehe

        • sige sali ka ng sali para masubaybayan namin… at for sure may mapupulot kaming kaalaman. sa mga paglalakbay mo marami kang mapupulot na ideas at informations na makapag bibigay sayo ng ibayong insights… kailangan lang ma ishare at for sure patok sa mambabasa at tagasubaybay… isa na ako dyan 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s