Magkukwento lang

Standard

Minsan iniisip ko kung ano nga ba ang dapat na i-blog? nakakatawa lang kase dalawa’t kalahating taon na akong tumatambay sa blogosperyo tapos ngayon ko lang ito pinag-isipan.

Sa totoo lang nakakamiss din yong mga panahong wala kang pakialam sa kung ano ang itipa, kung anong maisip yon na. Napakadali lang maglapat ng kung anu-ano. Bakit nga ba napakadali lang dati tapos ngayon kinakapos na ng kwento?

Wala naman kaseng konsepto kung paano i-rolyo ang blog na to. Walang tema. Pero namimiss ko ang aninipot na inosente, ang karakter ng orihinal na aninipot. Dapat kase magdadala s’ya ng liwanag sa dilim. Kislap ng kunting pag-asa at isang makulit na nilalang. Nawala na yon. Hindi ko na makita kasabay ng paglipas ng oras na manatili ang pahinang ito.

Iniisip ko na sana pala hindi ako lumagpas sa linya at manatiling pangalan lang si aninipot. Pero mas gusto ko naman ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Mga kaibigan na pinili din na lumabas sa kwadradong mundo kaya quits lang pala. Haha!

Walang kwenta na naman pala angΒ  kwento ko. hehehe! Hayaan mo na at least may nabasa kang bago.

Nasabi ko bang bangag lang ako dahil sa nakakapagod na byahe? kung hindi pa, ayan nasabi ko na at dahil gusto kong magkwento pagbigyan mo pa ako ng limang minuto.

Umuwi ako ng surigao, kain at tulog lang ang ginawa mga apat na araw na bakasyon. Nang-iinggit ako, Oo! haha, daming seafoods, hindi lang pala kain at tulog ginawa ko, dahil frequent ang brown-outs nasubukan kong pagmasdan ang sobrang daming bituin sakay ng bangka sa ilog at mga alitatap na parang mga christmas lights. Sobrang ganda promise!

Pagkatapos ng bakasyon, 10 hours travel ulit papuntang Cagayan de Oro, tulog ng 3 hours at prepare ulit papuntang Davao. Ayon 15 mins lang sa himpapawid mas matagal pa ang paghihintay sa airport. Masaya lang maraming kainan na nakapalibot sa hotel at nasa likod lang ang people’s park.

Kinabukasan instead of Kidapawan City lang ang pupuntahan, ang kausap ko nasa Koronadal City, sakop ng north cotabato. Well, anong magagawa ko kundi diretso dun. 15 mins. na pakikipag-usap at diretso na ng General Santos. Nagpalibre lang ng kape sa Favorite Prof. dati. Kunting kwentohan tapos balik.Davao ulit. Road trip na wagas, para lang di magreklamo ang driver, pinaghalo-halo, ice cream at kung anu-anong pagkain na madaanan. haha! at may sipon pa ako niyan.

kinabukasan, nilagnat na ako plus na-reschedule ang flight. Ang masama nag check-out na ako bago pa ako matawagan. Ayon! sa mall ang bagsak ko, at dahil kelangan kong magpahinga, pumasok ako ng movie house para matulog. Ngayon ko lang naintindihan yong pakiramdam ng mga kasama ko na papasok ng movie house para matulog.

Ayon! nakauwi nman pero bangag. Sigoro maiintindihan mo kung gaano kagulo sched. ng trabaho ko, mas maraming beses na mas malala pa dyan.

Pero pinangako kung babalik ako for Lake Sebu. haha! At gusto kong pumunta ng Basilan at tawi-tawi promise!

Advertisements

30 responses »

  1. sarap ng work mo, nakakarating ka sa maraming lugar. πŸ™‚

    taga surigao ka pala? may nakilala pala ako dati na taga jan. we met noong national press conference sa malolos, bulacan. i remember na taga-Lianga siya pero nakalimutan ko ang pangalan niya. 😦

    • Minsan hindi rin maganda work ko lalo na if may sakit ka pero walang choice at kailangan pa rin bumiyahe.

      Malapit lang sa hometown ko ang Lianga about 40 minutes travel.

      πŸ™‚

      • masarap na mahirap, nasubukan ko ang ganitong buhay, ung gigising ng napaka-aga upang habulin ang next flight, excited ngunit lubhang nakakapagod. tipong sa eroplano ka lang makakapahinga, tapos after 45 mins sa ere, balik sa lupa, tarabaho ulit, lipat naman sa ibang isla, either by 3 hrs land travel or 3 hrs sea travel (supercat ata sa cebu), tapos balik sa homebase via airplane na naman. paglapag sa manila, palit ng bagahe at kelangan magready para sa bagong itinerary. masarap din pala during welcoming sa iba’t-ibang isla, samot-sari ang haing pagkain, mga native delicacies, di ba?

        hmmm. isang parte ng karanasang nagbigay ng mga bagong kamalayan sa sarili at sa kulturang ginagalawan. kaya ngayun, unti-unti kong binabalikan ang mga aking nadalaw dati, hindi upang magtrabaho kundi upang mag-liwaliw. mas masarap.

        • tama po, masarap na mahirap may oras na parang gusto mong matulog ng matulog bahala na ang work pero tatayo ka parin at maghahanda para sa susunod na byahe. Ganyan lang sigoro talaga kelangan natin ng trabaho at naiisip kong marami ang nangangarap sa ganitong trabaho kaya dapat i-appreciate ko.

          sigoro darating din po ako sa time na babalikan ang lahat ng lugar na napuntahan hindi para magtrabaho kundi para i-enjoy ang lugar.

          πŸ™‚

  2. Gusto ko yung namamangka habang nakatingala sa langit na pinalamutian ng mga bituin. Lakas trip lang! Naalala ko naman noong mga panahong umaakyat ako sa bubong ng kapitbahay pag gabi para mag sight-seeing din sa langit. hihihi. Pinataasan na kasi nila yung bubong nila eh. πŸ™‚

  3. huwow! masaya ‘yan pero oo nga feeling ko may mga pagkakataon talagang gugustuhin mong tumigil sa sariling lungga pero hindi naman pwede hehehehe…pero ano’t ano pa man gusto ko ‘yan maranasan minsan hahaha πŸ™‚

  4. hihi ako din minsan hindi ko alam kung ano dapat iblog o hindi pero madalas parang may calling lang na i-share ko yung naexperience ko o nararamdaman ko na sa tingin ko pedeng maka-relate din yung iba. wala naman guidelines. kahit mga photo na-ishare ko na din. wala naman masama na lumabas sa kwadradong mundo kasi totoong tao naman tayo. mga kwento ko naman ay di haka-haka o kathang isip lang. so why not, coconut? hehe.. at madami na din akong naging kaibigan dito.

    ang saya naman ng byahe mo, miss annie. sinabi ko sa sarili ko kung magkakaron ako ng chance, lilibutin ko ang Pilipinas. at yang mga nabanggit mo (lake Sebu, basilan, tawi-tawi) ay kasama sa mga itinerary ko. hopefully pag dumating na ung panahon na yon, pede mo kami samahan ni Manong para may tour guide na din kami.. hihi..

  5. Ms. Che! willing na willing akong samahan kayo pero sana mapuntahan ko muna bago ang plan nyo. haha!

    ako din po may mga friends na rin dito at yon ang masaya sa pagiging blogger kung sino-sino nakikilala.

    Minsan kase nagdadalawang isip na ako sa mga tinitipa ko dito pero ganun sigoro talaga ang cycle sa blogworld.

    πŸ™‚

  6. last road trip ko sa mindanao, sobrang bitin…CDO at Camuigin lang kinaya ng powers hehehe. madami pang magandang places sa mindanaow na gusto ko marating… lalo na ang davao. can you please give some ideal places?

  7. Gusto ko yang trabaho mo ate, parang turista lang gala ng gala. San ba pwedeng mag-apply? lelsTapos yung moment mo sa bangka habang nagsstargazing, LIKE! Huwag lang yung brownout ah! :))

    Balita ko magkikita daw tayo sa birthday ko? Sana di ka masyadong busy para maigala mo ko sa CDO. hihihi See you soon! πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s