Tara, usap tayo

Standard

Ang hanap ko lang naman ay kausap, mga simpleng bagay sa ordinaryong panahon. Tanggal ang  maskara at harang. Mahina kung mahina. Malungkot kung malungkot at totoong tawa pag masaya.

Hanap ko ay kausap, walang halong kaplastikan. Walang pader na sasandalan at salita’y hindi tinatakpan.

Hindi talino ang kailangan, mas higit ang unawa sa nararamdaman. Hindi hagalpak na tawanan nguni’t ngiti na nagsasabing “ok ka lang?”

Wala din sa magarbong salita, o kaya’y sa mabulaklak na dila. Simpleng kausap lang ang kailangan ko, puso sa puso.

Advertisements

12 responses »

  1. palagay ko ang sarap mong kausap habang lumilipad sa ibayong kalawakan ng kagubatan… that will be the day 🙂

    • Hahaha! Naiisip ko bigla ang tawag sakin ng isang kakilala, diwatang gala. Hindi ko nga lang alam if masarap akong kausap. Madaldal sigorado pa. Hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s