Naging mahirap sakin ang buwan na to. Halos hindi ko masabi ang mga pinagdaraanan ko. Naka-focus ako sa mga negatibong bagay. Minsan nalulungkot, minsan ang layo na ng imahinasyon ko. Puro negatibo.
Pero sa bawat araw na yon, may paisa-isa akong nababasang mga salita na humihila sakin bumalik in unexpected ways.
Nung araw pagkatapos ng birthday ko, bigla akong may nabasang tula mula sa mga pakalat-kalat na gamit ng kapatid ko. Sigoro alam nyo ang “Desiderata”. Ngayon ko lang naintindihan bakit naging classic ang tulang yon. Sinulat sya sa paraan kung paano maging hopeful sa gitna ng magulong ikot ng mundo, na ang purpose natin ay maging masaya. Dahil dun nagawa ko ang lahat ng dapat kong gagawin na hopeful at masaya. Lahat posible.
Sa sunod na araw naman, kung kelan na-iiyak na ako sa sitwasyon ko, biglang nagtext ang isang kababata. Forwarded message lang but much appreciated. Sabi, Don’t be sad when God take something from you, he will replace it, better than before.
Pag may nawala, may papalit, deserving naman tayo sa bawat blessings diba? Pag may pintuang magsasara, may magbubukas na isa, mas kelangan ka at tatanggapin ka ng buo.
At ngayon bago ko simulan ang araw ko, may nabasa ulit ako. Isang article, sinasabi dun na kung may gusto kang mahanap o i-pursue stop looking so hard for it. Wag i-focus ang isip sa isang bagay lang. Habang hindi pa dumadating ang hinihintay, i-enjoy ang paglalakad, gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sa ganitong pagkakataon wag mong isipin na loser ka, may mga potential tayong nakatago na madalas na set aside dahil sa kagustuhang i-pursue ang karerang gustong tahakin. Never ever exchange your happiness for a dream. Walang kasigorohan ang patutungahan ng mga pangarap pero kung sa pag-akyat at paghahanap nito, natutunan mong maging masaya, magkaroon ng mga kaibigan at magawa ang mga bagay na gusto mo, hindi mo man marating ang dulo kuntento ka na.
sige ha, magpipinta at may belly dancing pa ako. Mwuah!
Salamat!