All is well

Standard

Ako yong taong mahilig sa mga poetic na kanta. Kahit mga post ko medyo symbolic, yong pag express ng pakiramdam sa pamamagitan ng natural na pangyayari sa paligid. Tulad kong sakali ng takipsilim mas gusto ko syang sabihin na dahan-dahang pagkasunog ng langit. Habang sinasabi ito naglalarawan ka ng pangyayari. Oo, ako na ang pahirap. Haha.

Kung tatanungin ako kung anong scene ng buhay ko ang pinaka-gusto ko, automatic ang sagot ko, naka-upo sa tabing-dagat hinihintay ang sunset. Kahit saan ako, sunset ang inaabangan ko. Bukod syempre sa fireworks display, lahat tayo napapa-wow dun.

Kahit anong problema, kahit gaano kabigat ng pakiramdam ko, napapagaan basta kaharap ko ang dagat mas lalo na pag takipsilim na. ‘Yong pagbabago ng kulay ng langit nagpapaalala na ang lawak pa ng mundo, na mahiwaga ang buhay ng tao at kahit impossible nagkakatotoo.

Sana ay napangiti kita kahit papano. Kailangan ng maraming ngiti sa mundo para mabawasan ang bigat nito. Ayaw? Kiss gusto mo? Mwuah! Hahaha!

Sabi nga ng isa kung kuya dito, wag kalimutan ang mantra, “All is well”. Bow!

(ang larawan pala sa itaas ay gawa ko, pinaghalong kape at pang-kulay, pero yan ay kopya lang, hindi ako ang kumuha ng litrato, nakita ko lang galing kay mr.google. Sa El nido daw yan, di pa ko nakarating dun kaya wag magtanong).

Advertisements

18 responses »

  1. sunset talaga.?…dito sa ami’y di na iyan mahalaga,,,,,pagkat naisin ma’t hindi’y talagang mamamasdan namin iyan,,,,

  2. Hi Ani….

    Natuwa naman ako… may hang over pa sa “Halik?”

    “Sana ay napangiti kita kahit papano. Kailangan ng maraming ngiti sa mundo para mabawasan ang bigat nito. Ayaw? Kiss gusto mo? Mwuah! Hahaha!”

    Mwahhhh!

    • Ok naman ang sunrise kaso nga lang ang ayaw ko, mainit na ang kasunod. ‘Di tulad ng sunset, after mong hintayin, uuwi ka at matutulog na. Parang ang tamad lang no? haha

  3. Meron talagang kakaibang karisma ang takip-silim at bukang-liwayway. Na habang sinasaksihan mo ng marahan e babalutin ka ng kakaibang saya sa pakiramdam.

    Ang galing ng obra Ani!

  4. Tama ka diwa, minsan hindi natin maexplain bakit may dalang kapayapaan ang bukangliwayway at takipsilim. Kaya nga nasabi kong na kahit impossible nagkakatotoo.

    Maraming salamat. 🙂

  5. ako din dagat lang lagi katapat ko hahaha mapasaya at mapalungkot dagat lang ang katapat gustong gusto ko yong tunog ng paghampas ng alon.

    tinitungnan ko ngayon yong mga coffee painting mo sa fb ang galing galing 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s