on the woods

Standard

Last week nagkaroon ulit ng chance na makabalik sa Initao-Libertad Protected Landscape and Seascape. Dumating ang isang kaibigan para sa trabaho nya pero dahil  gustong gumala, sabi ko canopy walk na lang, at dahil mangugubat nga  ako yon dapat ang asahan sakin,  dadalhin kita sa  gubat. haha!

Madalas ko itong daanan, along the highway lang kase, mga 1 hour travel from Cagayan de Oro kasama na traffic dahil nagbabaklas sila ng daan for repair.

Hindi ko alam paano  sisimulan ang kwento kaya daanin na lang sa pictures, hahaha. Salamat kay manong guide alam sigoro nyang possible na  i-blog to kaya kumuha  sya ng maraming pictures na nakatalikod o kaya malayo. Feeling anonymous ako at ang kasama ko.

Ito ang spiral stair na inakyat namin. Kung ‘di mali ang pagkarinig ko, sabi ni manong guide 67 steps daw to. Hindi ko na binilang ilang beses ang ikot dahil pagdating sa taas hilo na ako. Habang paakyat kase nagsi-sway ang hagdan plus medyo malusog yata kasama ko kaya ramdam  na ramdam ang movement. peace!

We are 100 feet above the ground. (maka-kilala  ang maka-kilala. hahaha)

heads move to the right.

Tinanong ko kay manong if may nahulog na bang  tao dito, sabi naman nya so  far wala pa daw. Hehe! Matibay naman yata gawa daw sa Brazilian pine (sana tama pagka-alala ko sa kahoy na ginamit para sa tatapakan). Imported dahil mas longer ang resistance nito sa tubig at pagka-exposed sa araw, hindi madaling mabulok pero dumaan din sa treatment para hindi  magka-anay.

Nag-blend pala ako sa hagdan. Mas okey ang pagbaba kesa umakyat, pero nakakalula  parin, promise!

‘Yan, ang mga kahoy na inakyat namin. Talisay Gubat ang common name.

Ang sabi ni manong guide usually may mga Macaca fascicularis (search mo ano yan) daw  na nagpapakita sa umaga, dahil hapon na kami pumunta wala na sila.

Dapat sana bababa kami through zipline pero sabi ng kasama ko ang iksi lang daw kaya wag na lang, kung alam ko lang sana nag zipline  na ako. hahaha! mas mabilis   ang pagbaba at hindi pa nakakahilo. Sabagay okey lang din. Charged to  experience.

Nagpunta pa kami sa kabilang side ng park,  sa may dagat at nilakad naman ang pagkahaba-habang pathway na puro kahoy lang naman ang makikita. Ewan ko ba, everytime na kasama ko  itong tao to madalas kaming maglakad. Hahaha, Iniisip kong tipid pala sa pamasahe pag ako ang kasama. Humanda ka nga lang  dahil ako sanay na  sanay sa lakaran.

Ito naman ang view sa kabila, hinanap ko pa yan sa baul dahil ‘di pala  namin naisip na kuhanan ng picture yong kabila. Tambay lang ginawa namin. Muni-muni kaharap ang dagat.

Madami pa sanang kwento pero tinatamad na ako at di ko na i-resize mga pics. Tinatamad din rason ko. Haha!

Advertisements

51 responses »

  1. alam mo kung ano ang magandang gawin dito? pupunta ka sa gitna tapos hintayin mong maipon kayong lahat dun. pag marami na kayo, saka ka tumalon ng tumalon. masaya yun! kung ako, ganyan ang gagawin ko. 😀

  2. Wow, ganda sana diyan kaya lang nakupo, takot ako sa ganyang nakabitin at super taas ng elevation.

    Pero ha, nakasilip ako ng mukha mo hehehehe. Parang ang saya maging mangungubat. Nasabi ko nga sa iyo na mangungubat din ang kapatid ko. Kaya lang hindi siya nag-pursue ng karerang tulad ng sa iyo. Hayun, naging mamamatay-sunog siya hehehe.

    Ingats-ingats sa mga adventure. Salamat sa pag-share into, nakita ko ang isa pang bahagi ng Pinas na hindi ko pa napuntahan.

    P.S.
    At sino pala ang ka-date mong iyan, aber? ayiiiiiiih! 🙂

    • Nalula nga rin po ako kahit nakapunta na ako dyan dati pa. Nginig tuhod pag nag sway ang hanging bridge, napapasigaw ako.

      Haha! Hanggang pa-silip lang din naman po kayang ipakita. Oo naman po masaya ang maging mangugubat pero may kanya-kanyang linya ang tao.

      Hindi naman po yata date yan. Pasyal lang. Haha! Si sunget at supladong anonymous blogger. Lagot na naman ako nito. Hehehe!

  3. Habang paakyat kase nagsi-sway ang hagdan plus medyo malusog yata kasama ko kaya ramdam na ramdam ang movement. peace! — malusog yung guide malamang? kase parang payat naman yung kasama mo… wala bang jumpshot? hehe

    • Oo. ‘Yong guide na lang ang malusog kahit hindi naman yon ang sinundan ko nung umakyat.

      Jumpshot ang nakalimutan. Sayang! Pinatalon ko sana yong kasama ko para makunan ng picture. Hahaha!

  4. Woot woot! Likod plang ang ganda na. Next time nkharap k nman sa pix ha:)

    Parang malulula din ako dun sa spiral stairs. Gusto matry ung hanging bridge na gnyan. Parang manginginig ata tuhod ko nyan:)

    • naku Ms. Che! hanggang likod lang ang pwedeng ipakita. Baka gawing panakot sa daga picture ko. hehehe

      Nakakalula po talaga plus nagsi-sway nga ng kunti ang hagdan. Tapos yong hanging bridge ang sarap tumalon para parehong mapasigaw ng mga kasama. hahaha!

  5. gusto ko sana makarating din dito nuong nagpunta kami CDO, kaso nag conflict sa short sched at mas pinili ng group pumunta sa camiguin… di bale, marami pang chance at next time di ko na papalampasin na mapunta yan bago ako lumipad puntang davao…

    thanks for sharing 🙂

      • ano daw meron pag umaga? covered ba ng fog yun lugar? or may mga diwata ng kagubatan na nag liliparan sa paligid hehehehe

        • Hahaha! How i wish maraming diwata. Lumalabas daw ang mga unggoy sa morning. Pero fog? Hindi ko po alam. Bawat pagpunta ko dyan hapon e.

  6. kailangan ba talaga akyatin yung spiral stairs para makarating sa hanging bridges? wala bang escalator hahahahaha

    • Ahahaha! Kelangan po, ang may choice lang ang pagbaba, pwedeng through zipline o kaya balik sa spiral stair.

      Mas better mag zipline. Pero ang paakyat, Haha! Ihanda ang sarili, nakakahilo at nginig tuhod po.

      • nakow bigla ako nag second tot na pumunta dyan hahahahaha… baka halfway palang umayaw na…. tapos sabayan pa ng umuugoy ugoy yang hagdan sa sobrang taas na…. doble effort para makarating sa taas! kailangan paghandaan ko pala yan ng madaming endurance at weight loss hahahaha

        • Haha! Parang kaya nyo naman po. Ang dapat pala magsama ka nang taong kayang mangantyaw para todo effort kang umakyat, hahaha!

          Pero totoo po, ok lang wag lang kayong magsabay-sabay sa pag-akyat para di masyadong mag-sway ang hagdan.

          🙂

        • na excite ako bigla.. gusto kong i incorporate sa future master plan ko yang idea na yan… master plan ko kasi gagawa ng tower gardens… mainam ngang i konekta ng hanging bridges ano…. pero di forest ang ambiance sa tower garden… ornamental at kung ano anong plants… yung base support ng mga towers napapalibutan ng water pond… ano pa kaya magandang idea na pwede ko ilagay sa master plan?

        • Forestry master plan lang po alam ko. Haha!

          Mas maganda yata lagyan ng Bamboo yong species na isang pole lang bawat tanim. O kaya yong medyo thick ang katawan pero mali-liit.

          Tapos collect kayo ng rare species na tanim pero hindi endangered. Maganda yon.

        • mukha ngang mainam yan… pero ang master plan ko long term structure para mapraktis ko rin profession ko… at hindi lang sya aestical/recreational in face value meron din syang economical and social impact ma mabibigay… matanong lang kita… kaya bang mag create ng man made forest up high in tje sky?

        • Bakit naman hindi. May mga species na nabubuhay up to 2500 m asl.

          Basta kaya ng finances. Sa panahon ngayon hindi impossible. Pera nga lang ang kelangan at masusing pagpili at pag-aaral sa species na itatanim para di masayang.

      • magmuni muni? ako mas gusto ko mag muni muni sa ilalim ng dagat… ibang klaseng experience yun… kung di lang ako mauubusan ng hangin mas gusto ko kahit maghapon magdamag sa ilalim… ibang mundo na kasi pag nandun na… mahirap ipaliwanag 😉

        • hahahaha kung pwede lang sana… 😛

          sobrang hilig ko talaga ng tubig. pati structure na balak ko itayo sa pangarap napapalibutan ng anyong tubig… dumadami ng lumalago ang koleksyon ng ideas.. sa ngayon puro drawing lang ako.. habang di pa dumarating ang financing na magbibigay katuparan sa mitihiin… kaya nga hilig ko mag lakbay ibat ibang lugar para makapulot ako ng mga kakaibang ideas pa…

        • kahit naman po ako hindi yata magtatagal sa isang lugar kung walang malaking water bodies na natatanaw. Una Pacific Ocean tapos nung mag college Lake Lanao. Haha!

          pangarap kung magkaron ng manmade falls or spring sa magiging bahay ko. Pangarap lang. Hehe!

  7. appreciated this blog talaga.. kahit papano nakita ko rin yung binalak ko puntahan late 2010… muling lumalim ang desire na makita ko talaga sya personally… thanks ulit ha 🙂

  8. maganda yan… pwede pala tayo mag concerted effort at mag brain storm… share tayo ng ideas para ma buo ang master plan further.. if you’r willing.. dito ko kasi ibubuhos ang buong atensyon ko while idle at nagmu muni muni hehehehe… in the future mabubuo ito a place to visit here in philippines… at maging business opportunity na rin… i believe it will happen.. alam ko na mga dapat gawin how to create funding…. time na lang ang hinihintay…. sure in heaven darating naman yun… ok ba sayo maging partner consultant pero pro bono pa?

    • No problem po. Pinangarap ko rin a i-practice ang profession ko sa ibang aspeto. Mas lalo na pag on research.

      Parang na-excite ako sa plan nyo. Haha! sige pray po natin yan.

      • ok. nag drawing pa ako ng base structure… later share ko sayo para masimulan ang brain storming… pero let’s discuss it in private muna… thru email perhaps… paki drop nalang email mo sa blog ko… cheers to the future!

  9. The crab-eating macaque is a cercopithecine primate native to Southeast Asia. It is also called the long-tailed macaque, and is referred to as the cynomolgus monkey in laboratories!– in short unggoy lang gud, nag research talaga ha.. hayyy love is in the — air? or lasang?hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s