Buhay parke

Standard

kung may pagkakataon akong nilo-look forward sa ngayon, ang chance na makapaglakad at maki-upo sa isang park. It was good to see people’s smile, knowing how simple life is. Kung makikita mo, napaka-simple lang ng kaligayan ng mga tao dun kaya nga minsan nanghihinayang ako sa perception ng ibang tao na pag tumambay ka sa park, Cheap, walang class ang madalas na sinasabi. Sayang no? kung sana lahat ng tao marealized na angΒ  isang parke ay simbolo ng isang bayan. Kahit saang bayan, munisipyo o syudad may park kang mahahanap. Nagiging parte ng buhay kabataan, saksi ng pagbubuklod ng isang pamilya at tambayan ng mga taong piniling mamahinga muna sa karera ng buhay.

Mas gusto kong tumambay at maglakad-lakad sa gabi. Mas naa-appreciate ko ang mga ilaw. Iniisip ko mga alitaptap sila.

Share ko lang ang ilan sa mga pictures nung magka-chance maglakad-lakad sa People’s Park ng Davao. Mabuti na lang mabait ex-girlfriend ng younger brother ko. Sinamahan akong mag muni-muni. Haha!

image

para silang mga alitatap talaga.

image

Sa labas na pala to ng people’s park. Gilid ng Apo View Hotel. Gusto ko lang ang mga ilaw. Hehe!

image

Sa loob ng people’s park. Ang peaceful no?

image

Ini-imagine ko na dalawa ang buwan nila. Haha!

image

Hindi ko alam anong tawag dyan. Iniisip kong kalahating durian yan. hehehe!

image

ang ilaw lang talaga ang dahilan bakit kinunan yan ng picture

image

The famous Philippine Eagle, Bato nga lang yan.

image

Ito pa, marami silang mga ganyan statue sa loob.

image

Para lang akong bata. Gustong-gusto ko ang mga giant flower na yan. bleh!

Tapos na. Yan lang ang mga pictures na wala pagmumukha ko.

Sigoro alam nyo na saan ako dadalhin if napunta ako sa place nyo. Sa park lang masaya na ako.

P.S. next punta ko ng manila, dalhin nyo ko sa Intramuros at National Museum. Corny na kung corny pero gusto kong pumunta dun. ‘Yon lang. Bow!

Advertisements

19 responses »

  1. hello, ani… i’m a certified park goer, park improvement advocate and park tambay (kahit isang limang minuto lang, kahit isang beses isang linggo lang). basta nagpunta ako sa isang lugar, hinahanap ko ang parke – luma man o bago… basta… πŸ˜‰

    • Ako din po. Park at Simbahan ang una kong hinahanap. Masayang maki-upo at mag observe ng mga tao. At madalas malinis pa ang hangin sa mga park. Maraming puno e.

      • parang gano’n nga – masaya na sa konting hangin, view ng mga puno at ulap. parang simple lang ang buhay at kaligayahan pag nasa park…

        hindi komplikado ang mga bagay-bagay – basic, green, wholesome. yown… πŸ˜‰

  2. Lagi din akong dumadaan sa park malapit dito.. Umuupo ako sa bench ng ilang minuto.. Mas natutuwa ako pagnasa ilalim ng lilim ng puno at nakaharap sa fountain.. Ganun kasimple masaya na ako…. *Pero mas masarap umupo sa damuhan kesa sa mga benches πŸ™‚

  3. wow! dyan pala tumatambay ang naliligaw kong agila πŸ˜›

    yung half durian structure… magandang pag isipan at planuhin… hmmm.

    (side comment : ano yun DDS? )

  4. Ang ganda na ng Davao…sigh…. ganda ng park… sana makabalik muli jan…:)

    Isang lugar na aking madalas ikutan ng 2007 -2009.. πŸ™‚

    May magandang spa jan sa plaza malapit, ang alam ko.

    Napakalinis ng mga Hotel. Ang babait ng mga tao…

    At ang pinakagusto ko, yung taxi driver na hinabol pa ako sa Hotel room ko para lang ibigay ang sukli kong limang piso! Wagas! (samantalang dito sa Manila, kung alang patong sa metro, di ka itatakbo!)

    • Ang pinaka-gusto ko sa davao pakiramdam ko ang safe nyang galaan. Madalas kaseng ako lang ang pumupunta mag-isa dun.

      Hindi ako takot na baka dugasin ng taxi driver kase honest sila. Ang maganda kase proud sila sa lugar nila at sila mismo ang napoprotekta ng image nito.

      ‘yong taxi driver nga na naghatid sakin sa hotel naging extra tour guide. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s