Agokoy hunting

Standard

Bigla ko lang naisip na gawing imbakan ng memorya ang blog na to. Susubukan kong magshare ng mga kwentong masasaya.

Simulan ko sa isa sa mga ginagawa namin ng mga kapatid ko at barkada nila tuwing bakasyon minsan kahit panahon ng pasukan ginagawa din namin basta kabilugan ng buwan.

Alam mo yong seashore crabs? Agokoy ang local name nun samin. Isang grayish seashore crab na masarap kainin lalo na pag pinaghirapan mong habulin sa tabing dagat. Hehe!

Sa lugar namin kase during early 90’s, mayaman lang ang may tv. At kung ang kapitbahay ay tinopak at ayaw magpanood ng tv sa maiingay na mga bata mapipilitan kayong mag imbento ng gagawin mawala lang ang tampo at sama ng loob. Hahaha!

Kanya-kanyang grupo ang mga bata pag hindi makapanood ng tv. Ako madalas napapasama sa mga barkada ng kapatid ko, mga isang dosena o mahigit lang naman kami. Hahaha! Ang trip namin mag agokoy hunting.

Isipin mo, ginagawa namin yan alas-syete ng gabi hanggang alas-otso y medya.

Ang gamit na dadalhin.

Flashlight? Check!
Timba? Check!

‘Yon lang.

Para kaming mga duwende na naglalakad ng kumpol papuntang tabing dagat. Dahil nga fullmoon namin to ginagawa pagdating dun maliwanag na.

Hahatiin ang grupo sa mga taga-hukay, taga-palo at taga-habol. Ako? Taga-flashlight! Hahaha.

Pero madalas, wala nang maghuhukay. Nocturnal yata ang mga Agokoy, lumalabas sila gabi para maghanap ng pagkain. Imagine nagkalat lang sila sa tabing dagat kaya ang nangyayare taga-palo at habol nalang.

Ang saya lang! Habulan sa tabing dagat, paramihan ng huli. At may technique para madami ang huli. Doon ka mag-abang sa malapit sa tubig. Ang defense mechanism kase ng agokoy ay tatakbo sa dagat, magpapaanod o magtago sa buhangin habang may tubig. Nako-conceal kase sila ng buhangin. Pero hindi kami mga batang lumaki sa tabing dagat kung ‘di namin alam yon. Hahaha! Pag nagtakbuhan na sila, doon namin aabangan. Lumalabas kase ang mata at pag ganun, hawakan sa likod, tulad kong paano hawakan ang alimasag at alimango then shoot sa timba. Minsan halos mapuno ang timba depende kung gaano kami karami.

After one and half hours uwian na, madudungis, basa at mabuhangin ang mga damit. Ang hide-out? Sa bahay namin. Hahaha! Napapailing nalang si nanay pero ngingiti. Lilinisin namin ang mga huli, I mean sila lang pala. Ayoko ngang magtanggal ng likod ng agokoy.

Tapos papakiusapan si nanay na iluto. Isang malaking kawali ang gagamitin. Para lang ding nagluto.ng alimasag pero mas masarap if iluluto sa gata. At dahil tapos na nga kaming maghapunan. Magrereklamo kuya ko na kulang ang natirang kanin sa bahay kaya takbuhan sa mga kanya-kanyang bahay mga barkada nila. Kuha ng kanin, minsan ‘yong iba kaldero pa talaga ang dala. Ahahaha!

Pag naluto na, fiesta. Para kaming mga patay-gutom na mga bata. Mahirap kayang manghuli at mahirap ngang maghanap ng pagkain para sa sarili. Hehehe!

Hanggang ngayon pag umuuwi kami, napag-uusapan pa rin namin yon at gusto ulit subukan. Sana magawa namin ulit.

Advertisements

12 responses »

  1. Naglalaway ako habang binabasa ko toh. Gustong gusto ko kasi ang lasa ng crabs 🙂 Siguro kung isa ako sa mga kasama n’yo, ako din yung taga flashlight. Hahaha!

  2. hahahahaha! panalo to!

    ginagawa din namin ito nuong bata pa kami…. “katang” ang tawag namin sa ganyan. pero meron pang isang klase naman na di mukhang crabs… yung “ipas” ma,a… sarap iprito (sa kawaling pinahiran lang mantika ng baboy) nyan tapos minamasdan unti unti maging redish ang kulay… crunchy na kainaman!!

    ewan ko ngayon kung meron pa gumagawa nyan?

    • Hindi ko alam ano yong ipas. Baka iba local name samin.

      Sa probinsya namin may kunti pa rin naman na nanghuhuli nito. Pero hindi na mga bata. Wala na yata silang panahon ngayon sa mga ganitong activities.

  3. ahaha, ginagawa rin namin ‘yan dati noong maliliit pa kami. ayon lang, di dagat ang meron sa ‘min kundi sapa lang. so, sa mga ugat ng puno sa tabi ng sapa kami nakikipaghabulan sa crabs na nang-iipit, as in… ang mga kamay namin, nakakadakot ng lumot, silt at mga tuyong dahon, haha. malilit lang ang crabs sa may amin. ^^

    one time, sa isang out of towns ko sa bandang North, doon ako nakaranas ng crab hunting sa tabing dagat, sa Pacific Ocean, ang saya lang. mas malalaki ang crabs nila ro’n at saka, may isa pang crustacean ding pahaba – parang shrimp na mabilis tumakbo. ang sayang manghuli, marurunong silang tumakbo sa buhangin at umakyat sa puno ng nyog, as in… yon lang.

    salamat sa post, ani. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s