Kwentong Birthday

Standard

Warning: ito ay mga kwentong kamiserablihan tulad ng kung paano nairaos angย  birthday ko for the last 7 years.

Wag kang umasang may masaya, dahil wala, wala, wala.

Ok simulan na natin pero pwede ka pang mag back out. Click mo lang ang x sa right side ng screen mo.

Walang sisihan, ang mga susunod ay isa mga pinaka-boring sa mga mababasa mo.

Tulad ng mga pangkaraniwang probinsyana, pagkatapos ng high school kelangan umalis sa bayan na kinalakhan. Walang college sa lugar namin, isa lang syang maliit na bayan na malapit sa dagat. Kung may pangarap ka, kailangan mong umalis at mag-aral.

Almost 17 years old, financially dependent and the rest, ako na bahala sa sarili ko. Nag-aaral ako sa lugar na 15 hours travel away by land sa lugar namin at ngayon pa lang talaga magsisimula ang kwentong birthday.

17th Birthday- Malayo sa magulang, nag-aadjust pa sa pag-aaral, wala pang masyadong kaibigan at walang signal ang smart. Oo, isasama natin ang signal ng smart dahil yan ang dahilan bakit ‘di nakatawag nanay at tatay ko sa mismong birthday ko. Tupakin ang smart sa lugar namin eh! Tinaon talaga sa birthday ko na wala silang signal. Ayon! Tumapak ako ng desisyete na umiiyak sa lungkot. Isang kaibigan lang ang naka-alala, ang roommate ko sa dorm hindi nila alam na birthday ko. Hindi ko nga alam paano lumipas ang araw na yon.

Next!

18th Birthday- pinaka-importanteng araw daw to sa mga nagdadalaga. Pero ako? Wapakels! May naka-alala na, kunting kaibigan at tulad ng dati hindi parin alam ng mga roommate na birthday ko. Haha! At ang pinakalala, tsaraaan! Wala ulit signal ang smart, kinabukasan na nakatawag sila nanay at tatay. Walang party, walang 18 flowers, walang 18 candles. ‘Yan ang birthday ng mga ordinaryong nilalang na malayo sa magulang.

19th Birthday- ito medyo improving. Naharana ng dalawang grupo, ‘yong mga klasmyt sa highschool na nag-aral sa kaparehong unibersidad at mga kasama sa organization. At matino na signal ng smart. Hahaha!

20th Birthday- honestly, di ko maalala. Promise! Sigoro dahil ‘di ito masyadong malungkot at ‘di rin masyadong masaya.

21st Birthday- tulad ng 20th, di ko maalala.

22nd Birthday- At last may handa, at unang pagkakataon na sa bahay ako nag birthday since nag 17. Pero ang malungkot, may handa nga ‘di ko naman close yong mga bisita. Kasamahan sa trabaho ni nanay, kaibigan ng mga kapatid ko, at barkada ni tatay. Sana sila na lang nag birthday no? Kahit isang friend wala akong bisita.

23rd Birthday- May work na, malayo pa rin pero pinilit kong makauwi. Isang araw lang sa bahay tapos byahe ulit. Bale parang 12 hours travel, 24 hours birthday at 12 hours travel ulit. Ha! Ako na si wonderwoman. Pagdating sa office. Sabog!

24th Birthday- Ayiih! ito ang medyo exciting. Tumakas sa seminaryo si father para bumati at medyo may kainan kahit ang kasama ko lang ay dalawang housemate at isang kapatid ko. Ooops! Wag mag follow -up kumusta si father, ang alam ko ok kami sa magkaibang landas na pupuntahan.

Parang roller coaster ang buhay ko at the age of 24, maraming nangyare na di inaasahan. May mga bagay na binitiwan at natutong tumayo kahit sugatan.

BENTE SINGKO- malapit na ulit birthday ko, walang party, walang may alam na birthday ko sa lugar na pupuntahan ko. Isa lang sana gusto kong sabihin. SANAY NA AKO! pero ka-ipokritahan na sabihin yan dahil kahit kelan walang taong humihiling na mag celebrate ng birthday mag-isa.

kung pwede lang sana umuwi, pero promise! hindi lahat ng bagay hawak natin. Maraming-marami pa ang dapat nai-consider.

‘di ko sasabihin na magiging masaya ako, pero susubukan kong lampasan ang araw na yon. Hindi ko naman sigoro ikakamatay na mag-isa na naman.

Tinamad kang basahin no? pero salamat pa din sa pagbabasa.

Advertisements

9 responses »

  1. O sya, Advance happy birthday with lotsa love! makabawas man lang ng isang guhit sa iyong sadness. ๐Ÿ™‚

    Hi, Ani!

  2. Advance happy birthday ani!
    (SANAY NA AKO.. Hindi n rin uso ang handa hehhe. Linya ko rin dito sa lugar n milya milya ang layo =) )
    Ngiti ngiti ani… Be happy lagi… ๐Ÿ™‚
    Hugs…

  3. happy na birthday pa!! pareho palang masaklapang ating mga kaarawan, pero sa totoo lang, pwede mong pasiyahin ang sarili mo sa espesyal na araw mo.. wag kang malungkot.. pero naintriga ako kay father… hehehehehe

  4. ano, gusto mo inggitin kita? ‘yong mga pasaway kong pamangkin may regalo sa akin, mga pang-uutong mensahe. Lol.

    Sanay ako magbirthday na wala lang. Hindi masyadong mahalaga sa akin, siguro ganun talaga kapag nasanay ka bata pa lamang, na hindi ipinaramdam na birthday mo, dahil araw-araw birthday ko. ganyan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s