Ikaw yon

Standard

Marahil hindi mo alam, o kaya’y hindi napapansin. Ilang beses kang naging laman ng mga sinulat ko, hindi isa, hindi dalawang beses marahil lagpas sampu na naging anino ka ng mga salitang binitiwan ko. Ang iba pa-direkta, may padaplis at may iba na itinago sa kumpol-kumpol na salita.

Pinasayaw kita sa tula, Itinali sa saranggola, pinagala sa gubat at naging piping saksi ng mga kagalakan ko.

Pero hindi ko maamin, gustohin ko man, hindi pwede.

Takot kase ako, takot na piliin mong lumayo pag nalaman mong minsan uminog ang mundo ko sa presensya mo, na minsa’y naging laman ka rin ng mga panaginip ko.

Na minsan ang sakit na nararamdaman mo ay naging punyal din sa dibdib ko. Hindi ko kayang ipaliwanag, hindi ko rin maintindihan bakit ganun basta ang alam ko totoong ako ang nakilala mo.

Ngayon, may takot parin ako pero itago ko man alam ko darating ang panahon na lalabas ito. So better na galing sa akin kesa malaman mo mula sa iba. Pag-isipan mo. Ikaw ito, promise! Ikaw,ikaw, ikaw.

Advertisements

20 responses »

  1. mukhang gumulo nga yata mundo mo ah?! kaya ka pala tahimik nasa gubat ka lang at merong hinuhuli, itinatali hahahaha 😛

    matanong ko lamang, natunghayan na kaya ang kasagutan sa mga palaisipang pagtatanong?

    ang tubig kaya ay aakyat na ng kusa sa puno?

    • gumulo lang mundo ko pero walang tali. Hindi ako marunong nun. Malaya naman dito diba?, kaya kahit dito man lang pwede kong sabihin 🙂

      mukhang pwede na pong umakyat. hahaha!

    • Hindi ko alam bakit napunta sa spam tong comment mo. 🙂

      Talaga namang tumitibok puso ko. Hahaha! Patay na ko if hindi.

      May mga bagay na magandang i-express sa pagsusulat pero hindi sa personal para hindi magbago ang ikot ng mga mundo. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s