blessings through words

Standard

Naging mahirap sakin ang buwan na to. Halos hindi ko masabi ang mga pinagdaraanan ko. Naka-focus ako sa mga negatibong bagay. Minsan nalulungkot, minsan ang layo na ng imahinasyon ko. Puro negatibo.

Pero sa bawat araw na yon, may paisa-isa akong nababasang mga salita na humihila sakin bumalik in unexpected ways.

Nung araw pagkatapos ng birthday ko, bigla akong may nabasang tula mula sa mga pakalat-kalat na gamit ng kapatid ko. Sigoro alam nyo ang “Desiderata”. Ngayon ko lang naintindihan bakit naging classic ang tulang yon. Sinulat sya sa paraan kung paano maging hopeful sa gitna ng magulong ikot ng mundo, na ang purpose natin ay maging masaya. Dahil dun nagawa ko ang lahat ng dapat kong gagawin na hopeful at masaya. Lahat posible.

Sa sunod na araw naman, kung kelan na-iiyak na ako sa sitwasyon ko, biglang nagtext ang isang kababata. Forwarded message lang but much appreciated. Sabi, Don’t be sad when God take something from you, he will replace it, better than before.

Pag may nawala, may papalit, deserving naman tayo sa bawat blessings diba? Pag may pintuang magsasara, may magbubukas na isa, mas kelangan ka at tatanggapin ka ng buo.

At ngayon bago ko simulan ang araw ko, may nabasa ulit ako. Isang article, sinasabi dun na kung may gusto kang mahanap o i-pursue stop looking so hard for it. Wag i-focus ang isip sa isang bagay lang. Habang hindi pa dumadating ang hinihintay, i-enjoy ang paglalakad, gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sa ganitong pagkakataon wag mong isipin na loser ka, may mga potential tayong nakatago na madalas na set aside dahil sa kagustuhang i-pursue ang karerang gustong tahakin. Never ever exchange your happiness for a dream. Walang kasigorohan ang patutungahan ng mga pangarap pero kung sa pag-akyat at paghahanap nito, natutunan mong maging masaya, magkaroon ng mga kaibigan at magawa ang mga bagay na gusto mo, hindi mo man marating ang dulo kuntento ka na.

sige ha, magpipinta at may belly dancing pa ako. Mwuah!

Salamat!

Advertisements

11 responses »

  1. ang taray may belly dancing! hehehe…just wanna share few verses with you ๐Ÿ™‚

    But he said to me, โ€œMy grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.โ€ Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christโ€™s power may rest on me. –1 Corinthians 12:9

    “He gives strength to the weary and increases the power of the weak. Even youths grow tired and weary, and young men stumble and fall; but those who hope in the Lord will renew their strength.
    They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”
    –Isaiah 40:29-31

    Smile, Jesus loves you and He will love you more than anyone else will do. ๐Ÿ™‚

  2. ay ako rin, belly dancing!

    kakaalis na ng stress, kakaganda pa ng katawan

    Hi Ani! Hugs! Kaya mo yan! You are blessed….

    Hindi lahat nakakapagsulat tulad mo,
    Hindi lahat nakakapinta tulad mo,
    HIndi lahat may malawak na pang-unawa tulad mo,
    Hindi lahat may pangarap tulad mo….

    Kaya blessed ka sis!

  3. ang lahat ng kabiguan ay may kalakip na pagsubok kung matutungahayan lamang ang nais ipabatid na mensahe.. magiging maaliwalas na ang pananaw sa bawat pagsubok.(seryus mode…)

    pero hanep belly dancing! may naimagine at na recall ako bigla dyan ๐Ÿ˜›

    shake it shake it ๐Ÿ™‚

  4. gusto ko ang linyang mo ito “Never ever exchange your happiness for a dream”

    totoo ‘yan. either mag-sacrifice ka or maghintay ka. at oo may mga bagay ka pa ;ang matutuklasan kung bubuksan lamang ang iyong mga mata at hindi ka mawawalan ng pag-asa.

    mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s